Tuesday, October 21, 2008

isyu 101

wala akong maisip na ibang title para dito kaya yan na lang muna, marami akong gustong isulat sa araw na ito eh! ( as always naman ata eh )

_________isyu 101
batid ko na sa last day of encoding ng grades ako nakapag encode...sinabi ko sa aking sarili na anuman ang resulta ng aking ginawa, haharapin ko ito. ganun na nga ang nangyari, di pa nga nag-iinit ang mga paa ko sa loob ng fakulti ng biglang may dumating na lalaking estudyante, nagttanong bakit 5.0 ang garde nya? nagulat ako! kse alam kong di xa singko..tinignan ko ang aking record at napagtanto ko na 2.5 xa at nalagay ko ay 5...wala akong sinayang na sandali, humarap ako sa kompyuter para mag type ng letter sa mga kinauukulan..( salamat ng buong puso para kay bhokito ) ( kalakip ang panalangin na sana may aksyon silang gawin...)

Nakiusap ako. Nagsumamo, pero walang tumpak na kasagutan para sa akin.

kailangan akong maghintay ng isang linggo para kausapin ang head ng Registrar. ( bilin daw ito sa kanyang staff...) hindi na ako nagpumilit pa..tinanggap ko na lang. ( kalakip ulit ang panalangin sa aking puso )

alam kong mahohold ang aking clerance. di makakasweldo.may mark na red na ang aking record sa kanila...nalulungkot ako pero tanggap ko ang mga bagay na ito sapagkat ito ang bunga ng aking pagmamadali....at walang ibang may sala kundi ako.

___________isyu 101

1:30 pm..ressume na ang enrolment...isa ako sa nagsilbing information churva...

kahit medyo maingay ang mga estudyante...kailangan padin na mas maingay ako sa kanila para marinig ang aking boses...

ang ayoko lang talaga sa mga estudyante na pumapasok ng fakulti room ay hindi marunong bumati sa mga tao, hindi marunong magsalita ng " excuse me " at hindi marunong magtanong...

kaya nga nagtaray ako at nagsabing...walang masama kung magtatanong sila...

_______isyu 101

isa pang malaking issue sken talaga ang hindi man lang pagsasabi ng Salamat o thank you ng mga estudyante..hindi issue kung sa wikang ingles,filipino,visaya,cebuano nila sabhin yun ang mahalaga sinabing Salamat.

sa totoo lang mahalagang usapin ito para sa akin...isa yan sa mga bagay na hindi pwedeng hindi ko ituro sa mga magiging anak ko sa hinaharap ( naks! nangarap na ako ) pero totoo un..kse napaka-simpleng salita pero tumatagos sa puso.
~ ang mga estudyante walang pagpapasalamat...nalulungkot ako pag ganun...

naalala ko tuloy may isa akong nakatex..tapos nag msg. saken sabi...pinca ty sau.

sa mga sandaling iyon hindi ako nakatiis at sinabihan ko siya na magtthank you na nga lang tinitipid pa...ako hanggat maari kapag sa text....ang salitang salamat o thank you..never ko pinaikli at ginawang ty...kahit pa madalas ay tex style ang gamit ko.mahalagang bagay sa akin ang salitang SALAMAT...kaya sana matutunan yan ng mga estudyante.

__________isyu 101

tungkol sa kaibigan ang isa pa sa mga isyu na gusto kong isulat dito sa aking blog...

sa Proverbs 17:17 sabi..." a Friend loves at all times...

kung may isang mahalagang bagay sa buhay ko bilang isang tintinpinca..yun ay ang aking mga kaibigan. _thats why i THank my God everytime i remember them :0

minsan nag-iisip ako..mabuti ba akong kaibigan? sinasagot ko nman ng oo.hehehe

sa totoo lang, konti lang ang mga kaibgan ko...( uo..as in konti lang talaga! ) kung bakit at paano ko nasabi ang mga pahayag na yan..............? ako na lang talaga ang mkakasagot. nkakapagtaka pero masasabi kong ilan lang ang mga kaibigan ko.

Marami akong kakilala, sa iskul na nga lang eh..pero hindi ko lahat makukunsider na kaibigan ..bakit? sa simpleng dahilan na ayoko. na hindi ko sila kaibigan.

kung meron man, bilang lang
siguro.

sa aking palagay, mahirap akong maging kaibigan...

wala akong preference, lalaki o babae, titser o estudyante, magbobote o manager, kahit pa kabilang sa 3rd sex yan ang mhalaga sken ay sinseridad.

ang masasabi ko..kaibigang kong maituturing na kapag kaya akong pakinggan sa lahat ng sentemyento ko..sa sarili, sa paligid, lipunan, kahit pa sa walang mga kapararakang bagay...basta makinig lang sila sken...( madalang mangyari ito ) pero kung nagkakataon man di ko na pinalalagpas pa ang mga sandaling ito kse ayoko silang mawala sa akin. (mahirap kse makakita ng mga kaibigan na ang gagawin lang kapag nssktan ang kaibigan ay makikinig, tapos yayakapin, ippramdam na kahit walang mamutawi sa kanilang mga bibig na salita...rest assured na kaibigan sila. )

ang mga kaibigan na itinuturing ko ay yaong hindi nakikita ang aking kahinaan sa halip ay nagbibigay at pinahihiram nila ang kanilang lakas para muli akong tumayo.

ang ilan sa mga kaibgan ko ay nasa malalayong lugar..internet at tex ang bumubuhay sa amin.

napatunayan ko na hindi kailanman magiging batayan ang layo o lapit para lang masabing kaibigan.

sa totoo lang, may problema akong hinaharap ngayon ...dalawa sa malapit kong kaibgan ang nagtex ng mahal ka namin tintin :) sa mga sandaling yun ay napaiyak ako...kse ramdam na ramdam ko yung love kahit pa nasa malayo sila...hindi na nga sila nagtanong kung bakit? paano? yun lang ang nireply nila sa akin kaya hindi ko tlga napigilan ang aking emosyon.

sa isip- isip ko nga, madalas marami akong kasama pero konti lang sa kanila ang maaring umupo at makinig sa akin....

marami akong gustong sabihin at isulat dito pero alam kong hindi sapat ang espasyo para lang ilahad kung gaano ako nagpapasalamat kse may mga kaibigan akong maituturing na kaibigan sa lahat ng pagkakataon ng aking buhay.

btw, isa sa mga pinakamatalik kong kaibgan ay ikakasal na..hehehe at xempre maid of honor akitch...hehe..kahit pa ayokong mag-gown, mag-gagown ako kahit ilang beses pa kse isa lang ito sa maraming pasasalamat ko sa kanya bilang aking kaibgan.hindi ako magtatanong, hindi rin ako papalag..ang gagawin ko lang ay mag-gown.hehehe.


katulad ng nasabi ko kanina lang, marami pa akong gustong sabihin at talakayin sa usaping KAIBIGAN pero mas minabuti kong tumigil muna sa aking pag-iisip at ipagpatuloy na lamang ito sa susunod na araw.


pero bago mahuli ang lahat, gusto kong ihabol sa blog na ito na may isang kaibigan ang hindi nawala sa aking buhay....na sa kabila ng aking kakulangan ay naging tapat parin, na sa mga oras na ako'y nagdadalawang isip sa kanyang kakayahan ay hindi kailaman ako hinusgahan sa halip niyakap ako at binigay ang kanyang pag-ibig.


kaya nga hanggang ngayon ....Nabubuhay padin ako.



John 15: 13 " Greater love has no one than this,that he lay down his life for his friends."

4 comments:

Anonymous said...

Maraming salamat po Mam Tintin sa napakagandang lesson na itinuro ninyo sa akin ngayon.

TINSKI said...

WOW! Talaga?

hindi ko na itatanong pa sa iyo kung ano ang iyong nakuhang aral mula sa partikular na paksa na iyong binasa, pero nais kong iparating sa'yo na malaking kagalakan para sa akin ang marinig ang mga bagay na iyan.

Sapat na nga na magsulat ako para sa pansariling interes na ibuhos dito ang aking mga kaisipan, pero ang basahin, at pahalagahan ang aking gawa ang siyang mas importante at sa aking palagay yun ang ginagawa mo.

Sir Raymond salamat sa iyo at sa Pagkakaibigan c:

Anonymous said...

higit ko pong naunawaan ang kahalagahan ng pagsasabi ng Salamat po. 'Yun, 'yun ang lesson na natutunan ko...Ako po dapat magpasalamat sa pagakakaibigan, mahirap atang maghanap ng mutant na kaibigan...hehehehe

TINSKI said...

hahahahahaha... siguro pang 31 ka pa lang sa nagsabing salamat sa friendship at mahirap makahanap ng mutant na kaibigan tulad ko.hihihi.

Rock and Roll lang talaga 0:

btw, alam mo ba kanina naging mutant na nman ako.may sasapakin nga sana akong prof. dahil medyo di na makatarungan ang ginawa pero may umawat.hehehe