malayang manuod ng tv hanggang sa magblack and white na ito...
malayang makinig ng awit hanggang sa maging korido na ito.hehehe
malayang magkompyuter hanggang sa hindi na magbukas ang mga websites na gusto kong puntahan...
malaya na akong matulog hanggang sa ilang oras ang aking naisin....
malaya na akong umupo,magmasid,tumahimik at huminga...
dahil tapos na ang pag-eencode ng grades sa iskul.
( malakas na halakhak ni tintin ang maririnig...)
iba talaga ang feeling kapag malaya.....may kalayaan...
hehe parang ibon na di mawari kung saang lilim ng puno tutungo....
parang benguet coffee ng baguio....
parang pasta negra ng old spagetti haus....
parang el pololoco lang.....salsa!
parang napoleones lang.....( yummy tlga! )
parang cornbeef ni tintin.....hahahahhahahaha.
kidding aside.
happy ako...isa sa mga pakikibaka na meron ang aking propesyon ay ang pagc0compute ng mga grades...masaya lalo pa't nakikita ko na mataas ang marka nila at deserve nila kung ano man ang lumabas sa aking kalkulasyon..
sad kse may babagsak...( naalala ko ang sabi ng tatay ko sa akin tuwing siya ay tumatawag..lagi niyang pinapaalala sken na isipin ko higit sa lahat ang mga magulang ng aking estudyante..ang mga paghihirap nito sa kanyang mga anak.)
alam kong may punto ang aking tatay at siya ay nagsasalita bilang isang magulang ngunit ganun paman...bilang isang Guro..alam ko ang aking responsibilidad..alam ko ang hangganan ng aking kapangyarihan...ganap din ang aking kabatiran na hindi matatawag na kalayaan ang kalayaan ko kung may ibang kalayaan ang nakabilanggo at nagdurusa dahil sa kalayaan na sinasabi ko.
( alam kong maiintindihan ninyo ang aking sinasabi...)
masarap ang pakiramdam na maging malaya...lalo pa't para ito sa habang panahon.
ang larawang ito ay nagpapakita na di pa ako ganap na malaya.hihihi
( october 17 na yan, ganap ng ika-2:30 ng umaga...)

2 comments:
kailan po ito? astig...talagang hindi muna natulog, makapag-blog lang..hahaha...isang masigabong palakpakan para kay mam tintin, malaya na siya...pero malapit na ulit siya makulong...enrollment na naman...
hahaha.uo nga! tama ka dyan...pero ganun na talaga ang siste ko...kaya kong hindi matulog para mabigyan ko ng kasiyahan ang aking sarili, isa na ang paggawa ng blog, ( tas friendster,myspace, atbp..) hehehe
nkktawa re sa pics. na yan, nagising lang ang ate ko para mag-cr tas nagulat xa na gising pa ako..kaya un,nagpapicture ako..trip lang ba!?!
simula lunes, bilanggo na nman ako sa iskul..buti na lang at anim na oras lang ang dapat bunuin...tas pwede ng umuwi sa bahay para makagawa ng blog.hihihi
Post a Comment