Lunes.Unang araw ng Linggo.Simula ulit ng aking trabaho.
Ganap na alas dyis ng umaga na ako umalis ng bahay, ( sa totoo lang dapat mas maaga pa ako nakapasok kso late na ako gumising kse late na din talaga ako natulog...)
Wala akong planong magpunta ng mall kaninang umaga bago pumasok sa iskul pero hindi ko alam bakit dinala ako ng aking paa sa loob ng mall, lumakad ako hanggang makarating sa isang bookstore..tumingin-tingin,nagbasa-basa..kinaluan nakapila na ako sa cashier para magbayad ng dalawang libro na aking napili.hehehe. unang libro ay isa sa gusto kong reference para sa ituturo kong subject ngaung semestre, at ikalawa, na-curious ako sa laman ng libro...at sa pamagat.." Isang napakalaking kaastigan"...kaya yun binili ko.hehehe
......sumakay ako ng jip punta iskul.baba sa tapat ng iskul.bago pa ako makapasok ng gate, 2 lalaking studyante ang nakita kong tumalon sa bakod...di ko sinita pero kumausap ako ng guard para mabantayan nila ang lugar kung saan pumupuslit ang mga batang ito.
______sa isip at puso, alam kong okay ako pagpasok.
.......pero................
madali akong maapektuhan sa mga bagay na hindi agad natatangap ng aking mga mata, ng aking isip at higit sa lahat ng aking puso. hindi ko alam kung bakit, ang alam ko lang...nagiging mutant na nman ako...ibig sabihin ....gusto kong maglaho agad sa mga oras na yun.---hindi ko masabi na badtrip ako! pero base sa aking obserbasyon sa sarili,dumarating talaga ako sa puntong..ayoko ng maraming tao..hindi ko alam bakit, pero ayoko...ayoko talaga, pinilit ko mang maging masaya pero alam ko sa puso ko na nagbabalat-kayo lang ako.
maingay ako na tao,pero bigla na lang akong nagiging tahimik..kse ayoko ng ingay.
sakit ko na ata ito. ( naalala ko sabi ko sa mga studyante kong kumukuha ng psychology, pag ganap na ang kanilang pag-aaral sa course na ito, balikan ako at alamin bakit ako ganito?! )
tinatamad akong magpaliwanag kung bakit...ang alam ko lang nararamdaman ko ito kapag may mali sa aking paligid. hindi ako perfectionist na tao..( sabi sa libro na nabasa ko, malungkot ang mga taong perfectionist, at sa aking palagay hindi nman ako ganito..hehehe kse happy people ako at batid ko na lahat ng tao ay may kahinaan...nagkakataon lang kapag may pangyayaring hindi maganda sa aking paningin...hindi ko nakakayang itago sa loob ko..at mas minamabuti kong umalis sa lugar na pinangyarihan .)
ang alam ko lang din mutant na naman ako na nasa piling ng mga mortaL.
~~~~mga alas dos ng hapon ay pinili kong sumama sa aking malapit na kaibigan. ( ang isa sa mga kaibigan ko sa iskul na alam ang aking kahinaan.) ..mas mainam na lumayo ako panandali sa loob ng iskul, naghanap kme ng lugar para makatagay ng kape...hanggang napagkasunduan nmen magpunta sa isang mall...
.ilang oras din kme naglakad-lakad hanggang sa nakaramdam na ako ng gutom(ano pa nga ba?! )
dahil sa mga oras na yun gusto ko ng pasta..( hehehe, lagi naman eh!) ...minabuti nmeng kumain sa CIBO...ang inorder ko ay ang BESTSELLER nila..ang RIGATONI ALL'ALFONSO
( shrimps.chives.stewed tomato.cream.chilipeppers), umorder din kme ni May ng GAMBERETTI (shrimp.celery.alfalfa.lemon.mayonnaise) at xempre di pwedeng walang desert..kahit pa adict kme sa bluberrycheesecake, sinubukan namen ang kanilang TIRAMISU CROCCANTE with crunch..
-ung pakiramdam ko na mutant kanina..unti-unting naparam..hehe kse kaharap ko na ang mga inorder nmen...medyo mabigat sa bulsa pero di nmen alintana un kse solb kme ng sobra..ang bonus pa dun habang kumakain kme nakita nmen si Luis Alandy...artista..hehe my kasamang gf na churva..hehe..funny kse sobra kameng naging paparatsi...lol. at dahil sa aming inasal...tumingin smen si Luis..hahaha.natakot nga kme kse parang sasapakin kme..hahha.obuse kse kme masyado...hahaha....pero patalastas na lang un sa kwento ko...( ang mahalaga napansin kme ng artista.hihihi at nabusog kme ng sobra. )
matapos yun ay nagpunta na kme sa lugar kung saan nagaganap ang tagayan ng kape sa pagitan nmeng magkaibigan..sa totoo lang, bukod kay patricia,may lagi din ako nakakasama kapag tumtagay ako ng kape..si joshel kso sa senate na xa nagwowork eh...dati sa iskul din...
ganunpaman...
tuloy padin ang ligaya...
mas gusto ko ang Hot kesa sa Frapp...madalas ay caffe latte ang order ko..pero dis tym nag-iba naman ako..hehe.wala lang.
matapos tumagay ng kape, ay nagbalik na kme sa iskul..
iba na ang aking pakiramdam.
wala ng agam-agam.
wala ng alinlangan.
wala na ang lungkot, pagkainis,pagkairita,pagkayamot,at pagkamutant.
tintin mode na ulit ako.
Nagpapasalamat padin ako sa araw na ito..kahit pa medyo hindi naging maganda ang mood ko dahil parisukat ata ang araw kanina .... alam kong naging masaya naman ako sa piling ng kaibigang mas lubos na nakakaunawa sa aking kahinaan...mas kilala ako bilang isang tao, na hindi ako hinuhusgahan basta lamang at niyayakap ako bilang isang mutant.
dahil doon...
solb na ako.
alas syete ng gabi..
umuwi na ako sa bahay
at
humarap sa kompyuter para gawin itong blog na ito.
hihihi :)
~ outlet ko kse ito para isatitik ang lahat ng laman ng aking isip at puso.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
Post a Comment