Sunday, October 19, 2008

YeS or No.Oo at Hindi.

Yes- Oo.
No- Hindi.

Ito lang naman talaga ang dapat ko isagot sa kanilang mga katanungan.
Ang tanong, ano ang katanungan? Bakit ako sasagot ng Oo at Hindi.yes or NO.

>>>>>>>>>>

OO-Gusto kong sumama sa kanila...

sa kabilang banda....


HINDI -kse may maiiwan akong trabaho.


<<<<<<<<<<

( kanina sa red ribbon habang ninanamnam ko ang tamis ng bluberrycheesecake, naglalakad sa kahabaan ng v.mapa, sumakay ng jip pa-Pasig....ito parin ang laman ng aking isip. YES/NO/HINDI/OO)


...................................................................................................................................................................

tumunog ang aking celpon.ang mensahe ay nagmula sa aking kaibigan, nagtatanong kung kailan kame tatagay ulit ng MAINIT na kape...habang nakataas ang aming mga paa....hindi ko sinagot ang kanyang tanong sa halip ang balik na mensahe ko lang ay...Gusto kong sumama sa kanila pero Ayoko dahil may maiiwan akong trabaho...tsk.tsk.tsk.



sumagot ang aking kaibigan at sinabing, kung saan ka tintin magiging masaya dun ka.

napangiti ako, ( hindi nakaligtas sa aking isip ang isipin na maaring mawalan ako ng sweldo sa loob ng 3 araw pero hindi kayang bayaran ng pera ang saya na aking mararamdaman kapag ako'y sumagot ng OO. )

hindi ko sinasabing hindi impotante sa akin ang tatlong araw na ilalagi ko sa aking tRAbaho pero pagkakataon na ulit ito para sa akin.

pagkakataon na umalis sa lugar na pamilyar sa akin at magpunta sa isang lugar na gusto kong puntahan ng paulit-ulit...sa isang simpleng dahilan na kapag naroon ako, may ngiti sa aking mga labi...

Bukas, maaga akong papasok sa trabaho. ( sana din ay maaga akong magising kahit pa ilang oras lang ang aking itutulog...)

Maghahayag ako ng saloobin hinggil sa aking naging desisyon, sa aking nararamdaman.

Walang tiyak na kasagutan para sa akin kung ako ay mapapayagan

ngunit

ang mahalaga, nasagot ko na ang katanungan na itinanong nila at itinanong ko sa aking sarili kanina lamang sa kawalan...























oo. yes.

No comments: