Saturday, November 15, 2008

A Disciplined Heart

am praying for it.

To have a disciplined heart.

Naniniwala ako na lahat ng ginagawa ko ay bunga ng kung ano ang nasa aking puso at kung wala itong tamang disiplina, malamang ay lagi na lang para sa pansariling interes ang aking desisyon.

Hindi ko sinasabi na chaotic ang mundo ko ngayon, hindi rin sa wala sa tamang katinuan ang aking pag-iisip siguro dala ng impulsiveness minsan kung kaya't nakakagawa ako ng mga bagay para lang e-satisfy ang aking sarili.

una...
For the last 2 weeks, wala akong ginawa kundi kumain sa labas..as in kumain sa mga favs.kong resto,( mapa-kape man, pastries,pasta, pizza.-buffet style man o regular order lang ,)(hindi ko na iisa-isahin pa pero sumatutal kalahati ng aking sweldo sa regular at pt pay ay dun napupunta)

Alam kong hindi masama kumain ngunit ang labis ay nagdudulot ng sakit sa katawan at sakit sa bulsa.hehe

i need a disciplined heart para may kontrol ako sa paggastos re sa pagkain.
(aware ako na ang paggastos hinggil sa pagkain ay hindi masama ngunit ang labis ay hindi na makatarungan pa,pwede namang bawasan at limitahan.)

Base sa aking obserbasyon,ang nangyayari kse ay kahit hindi pa ako gutom at dahil gusto lang ng aking tyan ng taste ng foods na yun...bibili ako.tapos pag nakakita na nman ako o naalala ko yun yummyness ng isang foods buy ulit ako.hihihi

that's y i need a disciplined heart.
kse alam kong para din sa kalusugan ko yun.

pangalawa...

compre at thesis na ako pero hanggang ngayon ay hindi ko padin maasikaso sa NTC ang mga bagay na ito.
di ko na ilalahad pa ang mga rason bakit di ko ito matapos- tapos , kse alam ko nman na walang kapararakan ang aking mga pangangatwiran.

that's y i need a disciplined heart.

para magkaroon ng pagbabago sa akin, para mapagtanto ko na may hinahabol akong oras at nang wala ng masayang pa na sandali at importante ang aking nasimulan na dapat itong tapusin.


pangatlo...



i need a disciplined heart para mas mapahalagahan ko ang aking trabaho.The Lord knows how much i love teaching, na sa aking palagay hindi ako magiging epektibo sa ibang larangan liban lamang sa pagtuturo.Kung kaya't inaasam ko pa ang mas disiplinadong puso dahil ito ang magiging dahilan para mas mapaunlad ko ang aking iNtelektwal na pangangailangan at maibahagi ito sa mga susunod na henerasyon. ( yun naman talaga ang dapat bilang isang guro, ang mag-EXPRESS ng mga kaalaman sa mga bata hindi ang magpa-IMPRESS lamang.)



pang-apat..


i need a disciplined heart para mas maingatan ko ang aking puso.hehe sabi nga " the heart is deceitful above all things."




Batid ng aking puso na lahat ng ito'y maisasakatuparan kapag ibinigay at ipinagkatiwala ko ng buong puso ang aking puso sa gumawa/lumikha ng aking puso.

:)

No comments: