
Miskol.
Hindi ko nasagot ang tawag sa aking celphone, nang tignan ko naman ang number, di nman ito nakaregister sa aking celphone, so ang ginawa ko tinawagan ko kso number not in use naman, sinubukan kong e-tex pero ayaw naman ng celphone ko na Esend un message...i wonder kung sino un?! sabi ng mga people...baka daw galing abroad ang tawag, sa isip ko naman...Tatay ko lang naman ang posibleng tumawag from abroad eh!, kung kaibgan man, mag-memesage muna yun sa friendster bago magkol sken...
tintin: ???????????????
Bago ako pumasok, dumaan ako sa mercury drug sa my crossing para bumili ng vitamins na prescribe ng Doctor , tas medyo na-concious na lang ako ng may isang girl ( pharmacist ata dun ) na tumitingin sken, tas nagbubulungan na sila...xempre ako pa?! sensitive kaya ako sa ibang tao
( at di ito paranoya ) kse alam kong ako pinag-uusapan nila..sa isip ko naman, hindi kaya halatang mukhang bagong gising lang ako o magulo ba ang hair ko...medyo ilang segundo din ata ung ginawa kong pag-aanalisa, ( medyo matagal nga ang proseso nila eh, ewan ko if sadya ba un kse mga nakatingin sa akin...esp.yun isang girl.funny pa nga kse un girl na tingin ng tingin ay xa pa yun nagbigay sken nun buy ko na sa totoo naman eh di xa pinagbilan ko.( sa halip yun isang girl ) inisip ko na lang, siguro gusto malaman scent ng perfume ko, kaya lumapit sa akin.hehehee
hanggang lumabas na ako sa mercury at makarating sa iskul,iniisip ko bakit ako pinagtitinginan ng mga churva na yun.
tintin: ?????????????????
May pinanuod akong play ( Mga kwentong pangKAMA ) .
tintin: ?????????????? (maraming tanong ang aking isip tungkol sa istorya )
Naalala ko yun sinabi ng Doctor na " at Bedtime " ko inumin yung prescribe medicine sa akin.
tintin: ??????????????????? (bakit dapat bago matulog inumin yun.hehehehe at hindi pagkabangon/pagkagising? hehe)
Nagtanong ako sa mga istudyante ko bilang motivation ko sa pasimula ng Lesson, ask ako ng bagay na sumisimbolo sa kanila, sagot nun isa kape, tanong ko bakit? sagot nya, ayaw nyang matulog kse " ANG BUHAY DAW AY SADYANG MAIKLI, PARA ITULOG LANG."
tintin: ??????????????????????. (Paano nya nasabi yun? Saan nagmula yung idea na un? )
Naimpluwensyahan ko ba xa? hehehe.joke!
Kung pakakaisipin, madame talagang mga tanong na makulit.
Naniniwala ako na minsan kailngang ng Katahimikan para sagutin ang mga Nag-iingay na katanungan.

No comments:
Post a Comment