tsk. kaninang umaga sa jip, may isang lalaki ang may suot ng tshirt na may malaking print sa unahan at nakalagay ay " Virginity is for looser"
iniisip ko, tama ba ang grammar? hehe.
pero may mas malalim pa akong inisip eh..at yun ang kahulugan mismo ng mga nakasulat.
siguro madameng ibig sabihin ito, o ibig ipakahulugan.
mababaw o malalim..siguro depende na ito sa taong nagbabasa at iintindi.
naguguluhan lang ang isip ko sa lalaking may suot ng tshirt ... maaaring siguro nga di nya intindi yung kahulugan nito, siguro din sinuot nya iyon kse tshirt yun na dapat isuot o gamitin.
naiinis ulit ako...ewan ba?! para kseng ewan xa eh..ang akin lang nman sana maging sensitive lang..di nman importante kung mahal yun shirt na bibilhin eh...o hindi pero wag nman sanang kung anu2 ano nakasulat para lang makakuha ng atensyon at masabing in sa lipunan naten.
..di talaga ito nakaligtas sa aking mga mata maging sa aking isip...gusto ko sanang kausapin ...as in masinsinan..( yun lalaki )kso alam kong freedom nya yun..pero kahit pa...siguro pagdating sa bagay na may kasangkot sa salitang virginity ay sensitive ako...bakit?
sa simple at personal na dahilan na para sa akin mahalaga ito..kahit pa sabihin ng buong mundo na okay lang na wala ka ng virginity kse modern na tau pero still..alam ko sa puso ko na ito lang ang maibibigay ko para sa aking magiging asawa...na dapat ito e-enjoy sa marriage bed lamang.
( kaya siguro marame ang nagsasabing tatanda akong dalaga...dahil sa aking paniniwala at paninindigan na ito pero okay lang sa akin...ang mahalaga.nanatili akong dalagang filipina..hehehe.awww! )
ito ay para sa akin lamang, kse naniniwala naman ako lahat tayo ay may kanya-kanyang pili.
nagkataon lang siguro na ito ang aking choice...kaya di ko hindi magawang mag-react sa nakasulat sa tshirt nun lalaki.
sa totoo lang, mahabang usapin ito para sa akin pero di ko na pahahabain pa...sana lang makita ng mga youngster ngayon ang kahalagahan nito..na hindi ito simpleng bagay na kapag ginusto mo ay gagawin na lang basta-basta kahit kanino at kahit saan...sa halip mapagtanto sana nila na ito ay maituturing na precious gift from the Lord..
na ibinigay lamang para sa mga mag-asawa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment