Wednesday, November 12, 2008

unExpEctEd...

unexpected...

maaga akong nagising ngayon , dala na marahil ng aking iskedyul para sa araw na ito, kaya kahit pa ayaw talaga ng aking katawan na bumangon...eh bumangon padin ako.hehe

unexpected..

maaga din akong nakapag-taym in sa iskul.

unexpected..

nagkasya yung damit ko sa akin ngayon ng hindi nagpapalit ng iba.( salamat na lang dahil merong salitang " banatin at unatin ".)

ang PINAKA-unexpected talaga sa araw na ito na di ko kayang hindi agad ilagay dito sa aking blog ay ng pumasok ako sa unang klase ko. ( Engr. class )

Sa unang araw talaga ng pag-meet ko sa mga magiging estudyante ko, hindi mawawala ang pagtalakay sa mga bagay na ayaw at gusto kong mangyari sa loob ng semestreng pagsasamahan namen.Gusto ko kseng maging malinaw sa aking mga estudyante kung ano ang responsibilidad ko sa kanila at gayundin nman sila sa akin.Lagi kong binibigyan ng pagkakataon ang mga bata na magkaroon ng sariling " pili " o " choice ",para kung sakali man na ayaw nila sa aking mga rules and regulations malaya nilang e-drop ang subject ko, Kse ang ayoko sa lahat ang mamilit ng mga estduyante, mas gugustuhin ko na 5 lang ang estudyante ko pero my kooperasyon at magandang samahan sa loob ng klasrum .Binigyan ko din ng empasis sa mga bata, na may dalawang klase ng estudyante..1. Estudyante na kaya pumapasok sa iskul ay dahil may kailangan lamang at 2. Estudyante na pumapasok dahil gustong mag-aral. ( batid ko sa aking sarili na nauunawaan ng husto ng aking mga mag-aaral ang aking ipinupunto sa pahayag na ito.)
Hindi rin ako nagpapa seating-arrangement, kse para sa aking kung saan komportable ang aking mga estudyante, dun din ako , yun nga lang pinapaalalahanan ko sila na bawal mag-usap kapag may nagsasalita kahit pa kaibgan o kachokaran nya ang kanyang katabi,lagi kong paalala na ang isang mabuting tagapagsalita ay isa ding mabuting tagapakinig.) base na din sa aking observasyon re sa rule ko na ito mas type ito ng mga estudyante.nrramdaman nila na may karapatan padin sila kahit pa nasa loob ng klasrum.

Matapos ang mga pananalitang iyon, isa-isa kong tinawag ang mga magiging estudyante ko, mahalaga sken na bigkasin nila ang kanilang buong pangalan, ( ng sa gayon ay alam ko ang tamang pronounciation dahil baka maka-ofend pa ako dahil sa maling pagbasa ng kanilang mga mahal na pangalan. )sabihin kung iskolar man sila ng bayan at kung saan sila nakatira, gayundin ang mga bagay na inaasahan nila sa aking bilang kanilang bagong guro.

..nakakatawang isipin dahil ang karaniwan sa inaasahan ng mga bata ay magiging masaya daw ang aming klase kaya nga sinabi ko na wag nila akong tignan bilang isang payaso..hehe dahil kahit mukha akong tambay eh titser ako.hihihi

pang-dalawampu sa bilang na ata ng tawagin ko ang isa sa mga babaeng estudyante ko, ( katamtaman ang laki, simple, at maganda )....

kung hindi ako nagkakamali taga-Makati siya, tapos nagulat ako sa sinabi nya....Ito ang linya ng bata. " Mam, inaasahan ko po na lagi kayong mag-iingat.."

akala ko nman nagbibiro lang o choppy ang dating nya sa akin, pinaulit ko pa ang sinabi niya mula sa kanyang mga clasmate, tas inulit nya ulit sabi nya " Mam, inaasahan ko po na lagi kayong mag-iingat." dahil malabo ang dating sa akin, tinanong ko kung regarding ba ito sa aking pagtravel-travel going iskul..tas sumagot sya ng "oo" tas inulit nya ang sinabi nya inaasahan saken.. " Mam, inaasahan ko po na mag-iingat kayo lagi dahil nararamdaman ko pong mabuti kayong tao" tas biglang umiyak ung estudyante ko... ( as in katulad ng pag-iyak ni judy ann santos ) grabe! unexpected tlaga yun sinabi nung bata, na ako mismo hanggang sa mga oras na ito ay di makapaniwala, honestly..medyo na teary eye nga ako kse first time ko na marinig na may magsabi sa akin na nararamdaman nyang mabuti akong tao..hehehe

haaayyyy talaga.

unexpected....

matapos ang klase ko ng 730 - 900 am, nagbalik ako ng fakulti.nakwento ko ung nangyari kanina..hehe natawa nga sila, may ilang nagkoment na baka premoniton ito ng bata, may ilang natakot kse baka may ibig daw ipahiwatig yun bata..hihi..sa isip ko nga, mukang malapit na ata akong ma-deds ah...sa sobrang kabusugan.hehehe

haaayyy ulit.

napaisip nga ako ngayon eh..bakit kaya ganun yung bata, paano nya nasabi un db? hehe..di kaya nagloloko lang sya pero sa tingin ko naman hindi eh..mukha nga ding mabait yung bata..ewan! ang alam ko lang ngayon..sobra akong natouch sa sinabi nya..first tym talaga.hindi ko ito makakalimutan...pagdating pa sa bahay..ekwekwento ko ito, pati pag tumawag tatay ko.hehe.happy mode lang ako.unexpected talaga.kahit pa para sa iba, negative daw ang ibig sabihin nito kse baka may masamang mangyari sa akin..pero para sa akin..sobrang touch ako...hehe ( mutant talaga.)






nag-iisip ulit ako ngayon kung ano pa kaya ang mga susunod na unexpected things na magaganap ngayong 2nd semester.. ngingiti kaya ulit ako at mapapaisip dahil sa unexpected na sinabi ng aking mga estudyante o muli na nmang dadanak ang dugo.hehehe

















...
( pahabol: unexpected ulit. nandito kse ako sa hide out ko sa loob ng iskul, dito ako pumupunta para makikain at makipagkulitan.tanggap kse ng mga tao dito ang pagiging mutant ko..kaya kapag nawala ako bigla sa fakulit, dito lang ang punta ko..nagkataon nman na patapos na itong blog na ginagawa ko ng biglang my kumatok...S.A. pala namen .hehehe..sabi ko na lang na wag sabihin na nakita ako dito.haahhaha ) kse kung malalaman nila, hindi na hide out.parang bill in at bill out na ang dating.hehehe ang layo na nga nitong pinagtataguan ko eh.liblib na lugar, tas may makakakita pa sken..walanjo talaga.hehehe.UNEXPECTED.

1 comment:

Anonymous said...

unexpected talaga yun mam..hehehe.parang expect the unexpected..siguro mutant din kasi yung girl..hehehe..pero tama naman sya..ingat ka po! alam ko na marami ka pang ma iimpluwensyahan na mga studyante tulad ng naging impluwensya mo saken o mas higit pa..INGAT! parang biogesic lang..lolz