Tuesday, December 16, 2008

3x (sa jip)

Uu. sa jip ulit.
Marami talagang kwento eh...minsan nga naisip ko na lakarin ko na lang mula haus hanggang sa iskul.hehe kso baka mamaya puro food trip nman maikwento ko dahil kapag naglakad ako sigurado ma-totomjones ako! hehe at kapag nagutom ako, malamang kakain ako, at kung nasarapan man ako, malamang maekukwento ko dito sa blog ang ang aking mga pakikipagsapalaran.hehe

Kung nasusubaybayan ninyo ang aking mga kwentong jipny, malamang makakarelate kayo sa ikatlong istorya na ito.hehe, bakit? kse dumating na ang aking kinatatakutan....muli ko silang nakasabay...( ang witch sisters...) hehehe.bad tintin.hihi. uo.sila ulit yun mga nakasabay ko na mga pantas daw sa ingles.hehe. ( nasa entry na -sa jip ( ikalawang istorya ).

Nice sila ngayon, kse my sumakay na matandang madami ang dala, dahil nasa istribo ako ng jip nakapwesto, bumwelo ako para hilahin paloob ang dala-dala ng Ale tas un isang W. sister, inakay din nya un iba..thats y sa puso ko napa-smile ako kse atlis my maganda silang nagawa sa araw na iyon sa loob ng jip.hehe

at

...dis tym, mas tahimik sila, may konting toks parin pero cguro naalala nila ako...kaya yun..mas tahimik ang kanilang pag-uusap,kung dati katabi ko sila, ngayon as in kaharap ko..mas natitigan ko sila (ng pasimple ngayon) at napagtanto ko nga na ito na ang huling pagkakataong gagawan ko sila ng istorya dito sa Blog, kse nakahihinayang nman na paglaan ko pa sila ng oras at space dito.hehe.bad ulit tintin...pero sabi naman ng isip ko..okay lang yun! hahaha.

Nag-agree lahat ng aking intestines habang tinititigan ko sila.Labis kong napag-alaman na wala talaga silang "K" para laitin ang ibang tao kse wala silang "K" ulit sa kanilang mga "K" para gawin ito at lamangan ang kanilang kapwa..hahahhhaha. ( kayo na ang bahala sa meaning ng 3 "K's" na binigay ko, basta STOP na ako na lagyan pa sila ng entry dito.Ang mainam na gawin ay ipanalangin sila the next tym na makasabay ko sila, kundi ko man magawa ito, itutulog ko na lang ang ilang minutong pagsakay sa jip papuntang iskul atlis tahimik ang aking travel.hehe.


....





sa jip.

maraming istorya.

maraming tao.


at

ang d best....


P7.50 na lang ang pamasahe.


hihi.


Rollback ulit sana.


para mas matuwa kaming lahat.


kasama na sila W. sisters.


hahaha

No comments: