alas dose pa ang pasok ko sa iskul kanina kaya sinamahan ko muna ang aking Mama sa Kapitolyo, nag-utos kse ang aking Tatay na magpunta sa isang bangko na matatagpuan sa lugar na iyon kaya yun nagpunta kme dun...
bago kame makarating sa banko ay may sumalubong sa amin na isang matanda na lalaki...okay nman ang suot, may bolpen na nakalagay sa bulsa ng kanyang polo, may relo na gold ( pero luma na.hihi ) at may enbelop na brown na nakaipit sa kanyang kaliwang kilikili.
may punto ang kanyang pagsasalita...nagsimulang magtanong si Manong...ask nya if san daw matatagpuan ang pinedas na katapat ng RMC ( ospital un..Rizal Med. Center )... e medyo nagmarunong ako..sabi ko naman Manong, baka ho pineda at hindi pinedas.. ( sa isip ko naman..kaya nga may salitang plural eh.hehe )
tas, si Manong nag explain-explain na...sabi nya, kung ano man daw iniisip namen na masama wag na nmen etuloy pa..gusto ko sanang sagutin na ummm si Manong..tamang hinala.hehehe kso di nman kme close kaya pinakinggan ko n lang xa...galing daw xa sa La Union, Isa daw xang Guro ng Accouting..at kailangan nya daw ng P64.00 para sa kanyang pamasahe, dahil nagutom xa at kumain at naubos ang kanyang pera at naiwan xa ng kanyang mga ksamahan tapos kung may pang-pamasahe na sana siya ay tutuloy na siya agad sa terminal ng bus at kung makarating man daw xa sa amerika, hindi nya kme kakalimutan. ( naguluhan nga ako sa statement na yun eh! gusto ko sang ipaulit ulit kso baka magutom na nman siya , at ma-doble pa yung amount na ask nya smen..mahirap na kaya! dats y di an ako ask pa ng questions.hihi.. )
...ummmm..napapaisip ako sa mga sandaling iyon..( habang nag-nanarate si Manong ng kanyang pakikipagsapalaran)...gustong mag-Doubt NG ISIP ko sa kanya .. pero mas nanaig ang awa.
Actually si Manong ma-boka talaga...
...ask pa nga nya if ilokana ako?! sabi ko naman, un Tatay ko ilokano..hihi...ako, pure breed.
..para hindi na humaba pa ang kwento ni Manong, nagbigay na ang aking Mama ng P64.00...nagpasalamat naman si Manong kso humirit pa...sabi ba naman sa akin kung pwede ko raw dagdagan ng bente pesos yun pera nya..( eh! sa isip ko naman, kaya nga rin ako sumabay at sumama sa aking Mama pa-kapitolyo para malibre ng pasahe tas hihingan pa ako ng bente...di naman ata fair sken yun.hehehehe )
..in a nice way ko naman sinabi sa kanya na wala na din akong pera kaya di ko na madadagdagan pa...nag-smile naman si Manong..tas funny pa kse ask pa nya wer kme ppunta...pero di na namen sinabi pa sa halip nagpaalam na kame at nagwikang...sana ay matagpuan na nya ang kanyang mga nawawalang mga kasamahan at makarating sa lugar nya ng safe...
( gusto ko pa sanang bigyan ng note na..Keepsafe Manong! . with smiley face...kso baka bigyan nya ng malice eh! hehehe mahirap na...)
Medyo nakalayo na kme ng Mama ko na muli ko xang lingunin kso wala na si Manong Brown.hehe ( ngaun ko lang naalala, d man lang nmen ask name nya..haay kaya ito na lang a.k.a ko sa kanya, kse naka-ol brown xa ng makilala namen..kaya Manong Brown ang bagay sa kanya..hihi)
..naisip ko na baka nakasakay na nga sya ng jip at nasa terminal na ng bus at malamang enjoy na nya ang snow sa TATE.hehehe ( kaya nga may tayutay na pagmamalabis eh ..hehe)
..tapos na ang transaksyon nmen sa Bangko pero si Manong Brown padin ang laman ng aking isip..nagtatanong kse ang aking mga nerves if totoo kaya un o simpleng raket lang ..kung arte man nya ito..masasabi kong magaling xang aktor..kse napaniwala nya kme ni Mama kaya nga kame nakapagbigay ng p64.oo ...pero sa akin hindi nman issue kung maliit o malaking amount yun naibigay sa kanya sa halip ang mas worried ako kung sincere ba talaga si Manong sa kanyang mga sinabi.
...Inaalala ko si Manong Brown, sana lang ay hindim pawang pagbabalatkayo lamang ang lahat, sana totoo yun mga salaysay nya kse naniniwala ako na kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay babalik din sa iyo yun.Minsan gusto nating makalamang sa ating mga kapwa, pero hindi natin batid na mas marami pala ang nawawala sa atin.
Kung nasaan man xa ngayon..sana lang maalala nya rin ako ( at ang Mama ko na nagbigay sa kanya ng pamasahe ) ...kse sa mga oras na ito, siya ang laman ng aking isip.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment