













Kasal ng aking kaibgan at clasmate nun college sa may Bicutan Taguig kaninang umaga.Ayoko sanang umatend kso naisip ko rin na masaya ito.
Isa pang dahilan na nag-convince sa akin ay dahil makikita ko ulit ang mga people na kasama ko sa kapana-panabik na pakikipagsapalaran ng aking buhay kolehiyo.
Hindi nasayang ang P180 na metro na binayaran ko sa taxi.hehe ( lakas ng loob kong magtaxi alone...hehe,may kasamang dibdibang panalangin dyan. Kaya safe akong nakarating sa place.)
Happy ang feeling kapag nasa kasal ako...lalo pa't kasal ng isang kaibgan.
Happy.Happy.Happy Together.
Maraming pictures,Maraming kwento.Halos lahat sila ay nagtuturo sa Highschool..at may asawa na..hehe..eh parang ako na lang ang wala pero sa isip ko rock and roll parin naman ako kahit walang kabiyak.hehehe.ang mahalaga busog ako.hahahahhaha.
After ng wedding...kailngang ituloy ang happy-happy together, kaya minabuti namen na magpunta ng isang mall.kumain.nagpapicture.nagkwentuhan tungkol sa buhay-buhay.
( maraming revelations, maraming chika, at higit sa lahat marami akong natutunan mula sa kanilang mga karanasan. )
Hindi nakaligtas ang siesta tym sa lugar kung saan ako tumatagay ng kape,ang mahirap lang xempre ako ang taya sa kape kse ako naman ang may gusto at nagyaya, kaya kahit mahirap sa kalooban ko.hehe...inisip ko na lang na pagkatapos ng 6 na taon ay ngayon ko na lang ulit sila mkksama kaya GO! na rin ako...xempre kung anong flavor ang gusto ko...yun na rin order nila...ang pumalag..walang libreng kape.hehehe. ( minsan talaga kailngang magbanta para OO na lang ang sagot nila.hehe )
Happy lang talaga ulit...naisip ko nga na may kanya-kanya talagang istorya ang bawat isa sa amin...naiiyak ako within,siguro dahil nga emotional akong tao at di ako makapaniwala na kaharap ko ulit sila na parang nag-uusap-usap lang kame kapag may break time sa iskul.
May ikakasal ulit sa 16 at sa 18 nitong buwan..hehehe..more kainan pala sa isip ko, kung kelan nman nagdidiet na ako saka naman maraming tukso....haaay.ang buhay nga nman.sadyang mapaglaro.hehehe
Sana matuloy ulit yung plano na gimik,kundi sa isang lugar pambata ay sa probinsya ng isa kong kaibgan.weee..excited ako.
Grateful ako na kaibgan ko parin sila until now...na kahit may kanya-kanyang trabaho/buhay/problema ay walang magiging hadlang para tawaging kaibgan ang bawat isa.
...Totoo nga na sa buhay natin, ang mga kaibgan ay kayamang maituring at kapag minahal at pinahalagahan mo sila ay tiyak na tutumbasan din nila ito.
Salamat sa aking mga kaibgan.Isa kayo sa dahilan kung bakit ako nagiging mabuting kaibigan sa iba, kung bakit mas madalas akong magpasalamat at kung bakit kuntento ako sa buhay ko ngayon.AsAhan ninyo na kaibgan ako hanggang sa huli.

No comments:
Post a Comment