Last Thursday, sa istasyon/terminal kung saan ako madalas sumakay ng jip papuntang iskul ay may nakasabay ako na dalawang babae na sa tingin ko ay may kaugnayan sa "callcenter". (Hindi ako galit sa mga taga-callcenter,dahil karamihan sa aking mga kaibigan ay nagttrabaho din bilang agent,nagkataon lang na may personal akong kwento re sa nakasabay ko sa loob ng jip na malamang ay mga agent din )
Noong una, ayoko talagang pansinin,kse iniisip ko sila naman yun at di ko business ang kanilang buhay.hindi ko rin sila pwedeng e-judge kse di ko sila lubos na kakilala pero ito lang ang tanging paraan para maibuhos at maisumbong ko ang lahat ng aking naramdaman sa mga oras na sila ay aking katabi sa loob ng jip.
Hindi ko kse talaga kayang tiisin eh! Asar talaga ako! nuong una i just take it na as if ang buhay ay sadyang masalimuot, na sa buhay natin minsan ay may mga kontrabida.hehe..
Okay lang sana ang magkwentuhan sa loob ng jip kse yun naman din talaga minsan ang ginagawa ko lalo pa't may nakasabay akong kaibgan,pero ang akin lang sana,kung kailngan hindi ito makksagabal sa kalayaan ng iba na nasa loob din ng jip,bakit hindi..as in kung maaari mahina lang ang usapan pero yun mga nakasabay ko,inangkin ang jip. Fine! (sa isip ko..tintin..pigil lang...baba din naman ako.)
Hindi sila natinag,pinag-usapan pa nila yun ka-chat nila tas ang masakit sa puso ko talaga na marinig ay ang sabihan pa nila ito ng " Ang Bobo MAG-INGLES."...sabay tawa.
Naku po! kung pwede lang talagang dumanak ng dugo sa mga oras na yun kso iniisip ko lang ulit na di ko business ang kanilang usapan pero sa totoo lang..sana bingi na lang ako sa mga oras na yun para hindi ko na narinig pa ang kanilang talks.Ang hindi pa maganda dun, sobra pa yun mga bad words nila na parang common na salita lang sa kanila yun.ewan ko kung "yabang effect" lang eh pero haaayyy...sobra talaga yun..di ko ma-take...tas ingles ulit sila,tas nilait ulit yun ibang people na encounter nila na di raw kayang mag-ingles...promise! gusto ng sumabat ng isip ko..at sabihin na "kung mgaling kayong mag-ingles sana ay hindi ko na naiintindihan pa ang mga sinabi niyo." pero pinipigilan talaga ako ng aking puso.
LUMILINGON na ako sa kanila kse gusto ko sanang pag nagkatinginan kame sabay iirapan ko pero hindi mangyari-yari,siguro nga kse bad at no need na gawin yun...pinilit ko talagang wag sila pansinin pero hindi ko kaya,nilingon ko ulit sila at duon ko napagtanto na hindi naman pala sila mga kagandahan..hehe,tas ang lakas pang mang-lait ng kapwa..naku! talaga..kung pwede lang sikmuraan ginawa ko na ...hehehe pero as always..ipanalangin na lang sila at magising sa katotohanan na mga panget sila.hehehe.joke! na hindi tama ang mang-alipusta ng kapwa.
Hindi ako sang-ayon sa ginawa nila, ako mismo ay nagsslita rin ng ingles pero wag naman sanang gamitin ito para lang e-down ang ibang tao..kse naniniwala ako na kahit gaano katalino o kagaling o kahusay mag-ingles ang isang tao kung hindi niya naiintindihan ang kanyang sinasabi at wala siyang concern sa kanyang kapwa,wala din itong silbi.( mas pathetic pa yun sa pinaka-pathetic.hehe.) Gusto ko sana silang lecturan hinggil sa sinabi ng isang iskolar na ang paggamit ng wikang banyaga ay kailngan para mabuhay sa pangkasalukuyan ngunit ang paggamit ng sariling wika ay higit na kailangan panghabangbuhay..pero i doubt if maintindihan nila ang ibig sabihin nito.hahahahha.
Asar lang talaga ako and at the same time it really saddens my heart sa mga ginawa nila. :(
...seryosong bagay ito para sa akin.
...hindi ako perfectionist na tao, batid ko na lahat ay may kahinaan,at sa kabila ng lahat ng ito ay dapat mahalin ang ating mga kapwa.Minsan mahirap gawin pero kailangan kse ang isipin lang na sa kabila ng aking mga kahinaan ay minamahal parin ako ng iba .Blessing na yun para sa akin.
Madalas ako sumakay ng jip pero sana lang hindi ko na sila muling makasabay pa....kse baka next time hindi na ako makapagpigil pa...at maging laman na lang sila ng balita..... hehe.
Naniniwala akong
...Masaya ang sumakay ng jip pero kung ganito na lang parati ang makakasabay ko mas mabuti pang lumipad na lang ako at sabayan ang mga ibon,kse sila..twit..twit..twit lang ang sinasabi.hehehe.
Enjoy pa ako! :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment