Tuesday, December 2, 2008

"T at F"

Tuesday- Friday.
730am-730pm

(Studs: Polsci,Bio,Polsci,Psycho,Polsci,Psycho)
..Yan ang isked ko sa mga araw na ito.Kung iisipin,TIRING talaga pero masasabi ko na worth it naman pag natapos ang buong klase lalo pa't alam ko na kung ano ang energy ko nun umaga ganun din hanggang sa matapos ang huling klase ko. ( Salamat kay Lord, sa saging na lagi kong kinakain at sa isa pa ulit na saging.hehe )

Iniisip ko nga kung may espesyal bang nangyayari kapag sa mga araw na ito dahil ito ang naisip ko bigla habang kaharap ang aking kompyuter.....

sabay-sabay nating tuklasin...ready?

1
2
3



..........game.
Siguro kung meron man iba na espesyal sa mga araw na ito ay dahil sa isang room lang ang ginagamit ko mula sa umaga hanggang sa gabi,oo nga't my break naman kso parang sadyang kakaiba lang na sa mga ganitong araw, maari kong angkinin talaga ang room na yun sa 3rd floor ng mab bldg.

Posible din naman na makukunsider na espesyal ang mga araw na ito kse 3 sa dati kong mga pangkat ng studyante ay mga students ko ulit.happy ako xempre, kse naisip ko comfortable na sila sa akin at ganun din ako sa kanila.Naging malinaw naman sa kanila nun simula ng semestreng ito na hindi dahil ako ulit ang titser ay magiging petiks na lang sila, gayundin nman ay encourage ko sila na kung C ang grade na nakuha nila nun unang sem. ay posible nman itong maging A kung mas lalo silang magsusumikap.

Funny lang din kse na sa mga araw na ito, 3 section ng polsci studs. ang hawak ko at si G. Head ng Polsci lagi akong dinadalaw sa room ( ...yung pagdalaw nya ay part ng simpleng pagmamasid sa akin bilang titser ng kanyang mga anak...xempre alam ko yun kaya nga minsan late ako kung dumating.hahaha, alam ko kse na observahan nya ako...eh..ayoko nga.hahahha) hehe.natatawa lang ako kse laging may pahaging sa akin kapag dumdalaw xa, minsan sa Opis ng Dekana nagkkwento...pero dahil makulit ako...mas kinukulitan ko pa talaga.hehe.

Nagbanta xa na kung di ako magtuturo sa mga anak nya, malalaman nya rin naman..eh pamatay ko kahit minsan late ako pumasok o aga dismiss, sinisiguro ko nman na nagtuturo ako at may natutunan ang aking mga estudyante.kaya kahit pa magsumbong sila sa presidente ng mga TODA eh magkita-kita na lang kme sa baranggay.hehe...kaya naman si G.Head ng Polsci napapangiti na lang.hihi.at napapa-wow! wahehehe.

( Sa totoo lang, nakakataba ng puso na pinagkatiwalaan ako ng mga Heads ng mga taga-CAS para pagsilbihan ang kanilang mga anak. )

....

May nagsabi dati na dahil nga sa iisang room lang use ko kapag sa ganitong araw, bakit pa daw kailngang e- erase ko ang mga nakasulat sa blackboard. sa totoo lang, sinubukan ko nA wag ng erase ang mga nauna kong lesson kse ang susunod ay studs ko padin kso parang sad ang feeling kse ni hindi ko man lang na-motivate ( o na- prepare ang isip ng mga bata para sa next lesson ba?! ) , yun ay dahil nakahain na agad ang kanilang kakainin para sa araw na iyon..kaya minabuti kong mag-stick sa nais kong mangyari na kahit nakakapagod ang mag-erase at sumulat muli ay need gawin kse nga unfair para sa ibang studyante. ( Salamat ulit kay Lord at sa mga saging na madalas kong kainin para may lakas padin.hehe.minsan nga naghahanap na ako ng gubat eh.hahahah )

.../( Sadyang pakikipagsapalaran ang TF ko na isked. pero taong happy padin. Salamat kay Lord at sa saging. )

Pag ganitong araw din, hindi ko magawang makarelax bebe..hehehe, kse parang sandali lang agad ang break tapos time na ulit para magKlase..wahehehe... MINSAn naisip ko na baguhin ang orasan kso di ko naman maabot.hehe. ( kapag may bad talaga na gagawin, hindi pinahihintulutan./hehe )

May pangkat na mga studs na aktibo at bibo ...may pagkakataon naman na istak- up at need ko pa maging payaso para lang buhayin ang kanilang mga natutulog na ugat.hehe. minsan naman eh bumebenta, pero madalas akong nagagamit.hahaha
( kaya nga pinapaalalahan ko sila na hindi ako laruan sa halip titser ako .hihi ..okay nman ang response..parang tambay lang.joke! ) pero sa totoo lang, challenging para sa akin ang himukin ang mga studs na sumagot at magparticipate sa klase, lagi kong sinasabi na sayang nman ang oras na inupo nila sa klasrum tas wala din silang naiambag man lang sa anuman ang ginawa namen at napag-aralan....happy ulit kse kahit lumipas ang isang dekada, may mga nag-iingay na din na mga tahimik na studs.para sa akin malaking bagay na yun.

Actually marami pang kwento sa mga araw na ito pero medyo wala na akong masabi pa, inaalala ko nga pero siguro dala narin ng antok kaya minabuti kong tapusin na ang entry na ito kse baka mamaya ay makatulog ako ng tuluyan dito sa harap ng pc..mahirap na kse at baka lahat ng vibes ng pc ay malipat sa aking isip.malamang ng eh tumakbo pa ako ng pagka presidente sa 2010. ayoko nga! gusto ko..simpleng mamayan lang ng bansang ito.para mas simple mas rock and roll bebe.


















Basta ang alam ko lang kapag tuesday and friday class talaga, pagod ang aking katawan pero hindi ang aking puso para sa mga estudyante. ")

No comments: