Tuesday, August 11, 2009

Adik!?!

Lulong sa isang bagay-yan ang ibig sabihin ng salitang ito. ( maaaring sa positibo o negatibong aspeto.)

Sa panahon ngayon, Adik na ata ako?!














OO.


Ako ay Adik.









Adik.....................................................................



sa.........................................................................



1. Games (Farmiville,Ranger Pixel,MiniGolfParty,Bowling Buddies,Typing Maniac,Waka-waka,atbp.sa madaling salita sa Facebook.hehe, nakakaya kong mag-games til 3 am na kung iiisipin ay may class me ng 730 am...the following day...ngayon ko lang naisip bakit ang mga bata adik sa dota.


2. BreadTalk esp. sa Floss, hay! naku po...kailngan ko pang magpunta ng megamall na ang tanging layon lang ay dahil dito.hehe..sarap.sarap.sarap.sarap.

3. Potato time..bago kong discovery, sa megamall padin mabibili, umm..di ko pa alam if sa ibang mall meron..pero sarap..sarap..sarap ulit.hehe


4. walang kamatayang maciatto, mapa-lokal man o starbucks..basta ito ang flavor...


5.orbit-melon.



6-10 atbp. (hehehe)


.........................sa lahat ng ka-adikang ito, alam ko na dapat my limitasyon dahil higit kaninuman man ako ang mahihirapan.Hindi rin lingid sa aking kaalaman na mas marami pang bagay ang mas makabuluhan na dapat pagtuunan ng pansin o ka-ADIKan ba?! kesa sa mga nabanggit ko.




............................... :(



I just pray na soon, ma-overcome ko lahat ng ito.

Tuesday, July 14, 2009

Bighug :)

Tuwing nakakahanap ako ng pagkakataon na maka-nap sa aking table, ginagawa ko at totoong masarap ang tulog ko kung may kayakap akong Unan.hehe BigHug ba?!

Oo. BigHug talaga!!!!

......................................................................................................................................................

"Every good and perfect gift comes from the Lord." Lagi kong naiisip ito.

Kahit pa sabihin ng marami na pataba ako ng pataba,Blessing kong maituturing na maraming tao ang nagsshare ng kanilang Blessing sa akin tru Foods.hehe.( for the last two weeks,wala ata akong ginawa kundi kumain sa mga fav's resto ko, eg shakeys,max's,cibo, including sa mga cafe house.) Bighug para sa inyo.

Blessing din para sa akin ang malaman na maraming taong nagtitiwala sa kakayahan ko sa iskul.Nararamdaman kong LOVE nila ako kaya Love ko din sila. ( Para sa Dean Dream Team.hehe...BigHug sa inyong lahat.)

Natutuwa din ako kse totoo palang may stock knowledge tayo.( bilang mga tao..hehe), wala lang feeling ko na-eenjoy ko talaga yun at pakiramdam ko nagagamit ko ngayon...( bagama't alam kong mahalaga parin na pag-aralan ang aking lesson )by God's grace and wisdom..that's why apart from him i can do nothing..BigHug lang talaga para sa mas maraming oras na pag-aaral at pananaliksik.

Bighug para sa mga kaibgang kong nagBday at mag-Bbday ngayong buwan ng Hulyo :) Siyempre dahil sa naalala nila ako, hindi dahil sa Libre, pero masaya sa puso ko na alalahanin nila ako sa kanilang BigDay,that's why cheers tayo dyan at e-BigHug ko kayo.

Bighug para sa mga kaibgan na malayo na sa aking piling at kahit di pa kami madalas magkita, alam kong hindi nila ako winawaglit sa kanilang mga puso. Para kay Hon, Isabel,Richel, at Mike.Mahal ko kayo, kahit man lang dito sa aking Blog mabanggit ko ang inyong pangalan.

Bighug para sa Tatay ko dahil walang humpay ang kanyang pagtetex sa akin kahit pa 2.50 per send.hehe, Maubos man ang aking load ang mahalaga, alam kong miss talaga nya ako.

Bighug para sa aking propesyon,hindi ko mawari bakit ko ito nasabi pero siguro sa simpleng dahilan na mas nararamdaman ko ang aking pagiging Guro sa mga panahong ito.Hindi ako mavisual aide ni pormal o malaprincipal kung mag-anyo pero naiintindihan ko ang salitang Guro at ito ang mahalaga higit sa lahat.

Bighug para sa aking FB account.enjoy lang ako dun.


Bighug para sa aking Mama...masarap lagi ang aking almusal,baon,dinner..at miryenda (kung minsan)hehe.Hindi biro maging isang Magulang (lalo na sa anak na tulad ko.hehe) at nakikita ko yun sa kanya.Hindi ko man magawang maghugas ng plato minsan ni mag-map ng madalas sa bahay pero ni isang segundo ata di nagkulang sa akin ang aking Mama para busugin ako ( literal ) at sa pagmamahal.

Bighug para sa PH care (aka Pinca's Helper w/ Care ) ang grupo ng mga mag-aaral na nagtiwala sa akin.It's been one year since naging studnyte ko sila,hindi ko inisip na magkakaroon ng ganitong grupo...( malay ko ba na may mauuto ako..hehe).Nagsimula lang sa simpleng pagtulong ng maging abala ako para sa timpalak ng talumpatian,hanggang sa maging Follower ko na sila.hehe.Noong second sem last yr. nag-request pa sila na ako ulit maging prof. nila.Kinuha nila akong speaker sa kanilang mga outreach program.Hindi sila nakalimot hanggang sa mga sandaling ito dahil muli ay pinagkatiwalaan nila ako sa panibagong program nila. ( PreMarital Sex naman ngayon ang Topic..) Kung iisipin ko,dagdag trabaho pa ito sa akin dahilan sa di ko na sila mga estudyante pero ang isiping naisip nila ako na kunin muli bilang kanilang speaker...Malaking bagay ito para sa akin.


PH CARE.....BIGHUG para sa inyo.


Marami pa sana akong i-ha-hug pero kulang narin ang aking oras.hehe kailngan ko pang mag-aral para sa klase ko bukas....


pero pahabol....sa lahat ng ito......................................................................................................




BIGHUG para sa BIG BOSS nating lahat.


Para sa Hari ng mga Hari. Hindi ko mararanasan ang malaking pagyakap na ito kundi dahil sa


mahigpit na pagyakap niya sa akin bilang kanyang anak.












Bighug para Kay Lord.


To GOD be the Glory and Praises! :)

Sunday, July 12, 2009

sa halagang 15 pesos.

15 pesos.

sa maniwala kayo't hindi. ito ang presyo ng sine ngayon sa mga sm cinema.hehe.

yun nga lang, old films na palabas pero sikat parin sa aking pananaw,sa isang tiyak na cinema lang ito pinapalabas heheone time viewing lang ( mautak parin sila kahit mababa ang presyo.hehe )sa aking obserbasyon...maraming natutuwa na pinoy,siyempre kasama na ako dun.hehe last sunday ang ist time ko tas kanina ulit.hehe...masaya kse 15 pesos lang..ang nakakatawa pa dun.mas mahal pa ang pagkain kong baon.hehe

Sad lang kse hanggang July 16 na lang itong promo na ito.huhu..











sana lang mabasa't marinig ito ng pamunuan ng sm...para hanggang july 16,2020 pa ma-extend.hahahahaha.pls.pls.pls.talaga. ammmmm beggggiiiinnnnggggg....waaaaa.


kung sinoman din sa miyembro ng sm group ang nakaisip nitong ideya na ito ay sana maisip ulit nya ng maraming-maraming beses na patok na patok ito para sa aming mahilig sa big screen.haha.





yun nga lang sana manatili paring 15 pesos at









sana may aircon parin.hehe









Tunay na mahalaga ang 15 pesos para sa akin.



nasa sm ka na,















may sine ka pa?













san ka pa?







here@ sm ka na.

hehe :)

Wednesday, July 1, 2009

Ang gaan-gaan ng Feeling :)

" Ang gaan-gaan ng feeling"...naging sikat na linya ito sa isang commercial ng shampoo ata kung di ako nagkakamali.....................................................................................................................................................

at ngayon, Thursday, July 2, 2009......




ako naman ang magsasabi nito.hehe

yes! talagang Magaan ang feeling dahil una,

di ko kailangan gumising ng maaga para maligo.hehe

pangalawa...nakapaglinis ulit ako ng bahay, yung favorite ko na mag-MAP, e nagawa ko ulit! wheee...gaang talaga ng Feeling.

pangatlo, nakapag net ulit akng matagal, kaya nga nakapag post ulit me dito sa blog eh.

pang-apat, nakapag-FB ako.hehehe..Masaya talaga :)


Sa isip ko nga sana tuwing Monday and Thursday, wala na lang pasok.hehehe.Sobra gaan sa feeling ang nasa bahay ka lang, namimiss ko ng manuod ng tv maghapon, ang humiga sa sahig pag tanghali at maligo ng hapon kse lagi na lang ako sa umaga naliligo.hehehe (tantrums??).




Palagay ko nga magiging masarap ang kain ko ngayon eh! dahil di ko kailngan magmadali para sa next class ko.Salamat kay Lord para sa araw na ito.



Tunay nga na ang gaan-gaan ng feeling :)

Monday, June 29, 2009

FB mania

Since 2004 ata kung di ako nagkakamali ay nagsimula na me mag join sa mga networking site sa internet...Friends lang talaga hanap ko and even sa mismong account ko di ako approve ng request hanggang sa makilala ko na kaibgan ko nga yun o kakilala talaga.hehe

Masaya naman.hehe

Wala lang..2009 na ngayon bukod sa aking twitter,myspace at fs account...

uo..







isa na rin ako sa mga




nahuhumaling sa facebook.


masaya ulit.

pangtanggal ng stress sa bago kong sched. ngayong semestre.



:()

Wednesday, May 13, 2009

SECRET natin ito.

Kahapon, after sa iskul nagpunta kami ng aking Buddy na si Mae sa Megamall para maghanap ng Bday Gift for her Mom.

Naglakad ng maraming beses hanggang sa wala naman kami nakita.hehe, hanggang nakarating kami sa atrium.( as if naman malayo talaga! ).
Siyempre,gutom na kami that's why we decided na kumain na...Bigla kong naalala ang isang kaibgan na guro na madalas kumain sa isang resto...and sa pagkkwentuhan namin my na-mention sya na twice nya nang napuntahan, itago na lang natin sa pangalang SECRET. hehe

Maganda ang ambiance...white and red ang theme nila. Siyempre sa tagong side kame pumuwesto,baka may makakita pa sa amin at magpalibre.hehe.
Natagalan kme sa pagpili ng menu...ummm..siguro dahil ist time namin dun kahit pa nasabi na sa akin kung ano ang bestseller nila.

We end up ordering 2 viands, including the award winning irish lamb stew and chicken cordon bleu, 2 plain rice plus the butter rice,caramel cheesecake and icetea.
While waiting sa mga order namin, were trying to remember the time na nasa CIBO kami..( kahit pasta lang yun order namin dun...GRABE! ( soooo yummy!) medyo mahal (para sa akin) pero sobrang sarap naman and talagang masasabi kong sulit...as in literal na hahanap-hanapin, nanamnamin at di lang ngunguyain.haha( those wer the times..hehe,ngayon kse crosscutting eh.....kaya sobrang miss ko na ang CIBO.).

Back to the story....

Funny kse ang ist na binigay sa amin ay caramel cheesecake, nagtanong pa yun waiter if serve later eh dala na nya..haayss...sabi ko na lang..thank you!

next ay irish lamb, ...( sa isip ko...kanina pa ako natatakam sa picture kaya sabi ko sa sarili ko..walang makakalagpas na bahagi ng lamb na di ko nanamnamin...as in..sarap to the bones ang dating), next ay yun cordon at rice and drinks.

....gusto kong sumigaw ng ....lets get ready to rumble..pero buti na lang naisip ko..nasa public place kami at sa isang resto, at wala sa bahay...



Nakabibinging Katahimikan ang sumunod....................





aprrox. ten to fifteen mins. lumipas.....



yes! sooooooo Disappointed.....

SECRET na buhay talaga!





Hindi kami magaling magluto pero alam namin ang masarap sa hindi.hehe, sad kami ni mae as in..parang ayokong maglabas ng pera sa bill namin kse wer not satisfied..as in...naisip ko nga mas masarap pa ata un caldereta ng red ribbon eh...pinipigilan namin ang aming mga sarili na mag-react....hindi ko alam if naramdaman ba nun mga waiters na sad kami...tinake-out na lang namin yun caramel cheesecake kse inisip namin baka ito ang way para bumawi sila sa amin.

Naapektuhan kami ng sobra kse my i-try pa sana kame new coffee shop sa may atrium din kso dahil nga sa trauma nmen dun sa SECRET na resto na yun eh we decided na sa dating coffee shop na lang kami tumambay at uminom ng kape.

..sa Coffee shop...try na namin ang caramel cheesecake but soooo Disappointed ulit....according sa kasama ko binili yun sa isang cheesecake haus na nakainan na nya at hindi nya recomend sa akin kse bukod sa mahal na eh hindi talaga masarap.( kahit pa lahat ng cheesecake sa mundo ay nandun)

Haaaysss....sa totoo lang nagi-guilty ako...kse nagtitipid kami but we spend so much for this and yet hindi namin nakuha yun gusto namin...mababaw na dahilan man pero ito ang nagpapasaya sa akin sa mga panahong ito...ang mga foods..hehe tas ito lang ang makukuha us...

SECRET na buhay talaga!!!

Nagpromise ako sa sarili ko na gagawan ko talaga ito ng blog...my way para ilabas ang aking hinaing at saloobin....and remind my friends na wag ng e-try ang SECRET resto na ito...


Napagtanto ko sa nangyaring ito na minsan talaga, nakikita natin ang kalamangan ng ibang resto because gutom na tayo....at dahil












nadadala tayo ng mga bugso ng ating damdamin.




hehe :)



Paalala:




SECRET natin ito ha?!

Friday, April 24, 2009

Busy Mode.

Still Busy.

Busy sa Research sa iskul.

Need ko ng maipasa ang clerance before April 30, pero nakaChapter one palang ako.huhuhu.

Summer nga pero araw-araw naman ako sa iskul...gustong gusto ko na magswimming pero kahit sa ilog pasig ata di ko magagawa sa sobrang busy .hehehe.

Basta Busy mode lang ako pero babawi ako sa dito.hehe

Monday, April 6, 2009

WiFi

Madalas ko lang makita o marinig ang salitang WiFi sa mga Coffee Shop at sa ilang Mall na meron nito........Excited ako lagi if maka-connect ako tru Wifi kse nakaka net lang ako sa bahay using my laptop kapag inurong ko ang aming pc ,( mapagpawisan ng ilang dram..kakausog )at hugutin ang cord ng aming brodband at ikabit ito sa gamit ko.hehe..

Naisip kong bumili ng Router pero nakakatamad dayuhin ang Gilmore knowing na kapag Sunday,yun place kung saan ako laging tambay ay kahanay lang nito.hehe

Naisip ko rin bumili ng tattoo-visibility ng globe para kahit saan pwede na me net pero naisip ko mas madame pa ako need buy samantalang pwede rin namn talaga ako mag-net sa bahay using our pc, nag-iinarte lang talaga ako dahil gusto ko naka-laptop...( naisip ko kse na pano na ang mga pictures ko sa picasa..hehehe )

.......

Happy, Excited, basta nag-uumapaw ang aking kasiyahan ngayong araw na ito dahil habang ginagawa ko itong entry na ito ay nasa taas na ako, i mean dito sa kwarto ko..hehe...di na ako kailngan bumaba, at magtulak ng aming pc dahil WIFI na sa bahay namen...yaaaahhhhhooooooooooooo....at yEHEeeeyyyy! hehehe

Astig lang kse kanina nakatanggap ako ng call from Globe na need na nilang palitan mga old modem, at dahil nga kabilang ang modem namen sa mga luma na kaya nagpunta dito mga technician nila para ayusin, hanggang sa sinabi na nila na pwede ko naman piliin ang modem na may wifi lalo pa't my laptop naman ako...well, nun una nag-isip pa ako..kse baka my hidden charges na lumabas sa bill, sken pa naman nakapangalan un , hehehe until na-explain sa akin mabuti that's why now na-eenjoy ko na ang aming wifi..hehehhe

Sorry na lang sa mga neighborhood kse my password kaya di rin sila maka-connect..hehehe.

Happy Lang talaga ako! Natatawa na naman ako at the same time Na-a-amaze sa nangyayari, kse parang nun isang araw lang sad ako re sa lovelife ko, tas ngayon happy na me dahil sa Wifi.hehehe

Naisip ko lang din bigla, atlis dito sa bahay kapag nag-kape ako, mura na ( wala pa ngang bayad eh )at naka-wifi pa at nasa comfort zone pa ako ( dahil dito me sa room ko )hehehehehe.

Salamat sa nakaimbento ng Wifi dahil








Napapagaan ninyo ang aking buhay.hehe

Saturday, April 4, 2009

same old story

Kung kausap ko man ngayon ang aking mga Kaibgan, malamang ito ang kanilang isasagot sa akin.." Tintin, wala na bang iba? same old story parin eh!."

Usaping Pag-ibig, Funny nga kse kamakailan lang Kinuha akong Speaker at topic na napunta sa akin ay True Love Waits and yet ito ang bagay na gumugulo sa akin ngayon.

.Nakakulong na naman ako sa sitwasyon na ito.Nahihirapan ako, Siguro kse umaasa ako sa bagay na alam kong hindi ko pwedeng pagbigyan and yet i-ne-entertain ko.

same old story,am weak.Alam kong hindi ito will sa akin ni Lord and yet i keep on holding sa bagay na ito.

I know wer i stand sa usaping ito, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi ako para sa kanya at siya para sa akin, pero naiinis ako sa sarili ko kse binibigyan ko sya ng pagkakataon.

am weak, pero alam ko nman ang gagawin ko para ma-overcome na ito pero wala akong aksyon na ginagawa.

Nasubukan ko na before na kalimutan siya, na mawalan ng kaugnayan sa kanya and yet nagpapatuloy ito.

same old story.Gusto ko ng matapos, kse alam kong hindi healthy for me na mag-isip ng ganito.

Kung meron mang talo sa aming dalawa ako yun, for i know in my heart na Feelings is deceitful above else.Ako ang talo kse alam kong hindi magiging masaya kailanman ang pag-ibig na pilit lamang.

same old me, pero i know it will just last for a month and after nito just like my same old story...realization na the Best is yet to come.Kung gagawin ko lang ulit na mag-focus at isipin na mas marami pang bagay ang dapat unahin kesa sa pag-ibig na ito.

Matatapos din ito at sana malapit na.

Monday, March 30, 2009

akoayBisi.

Final Week sa School.

Check ng Papers.

Encode ng Grades.

Check ng Papers ulit

Encode ulit ng Grades

tas mag-Chechek ulit ng gaBundok na mga papel.

PAULIT-ULIT, may papakinggan pa ako na mga radio play na ginawa ng bata, tapos mag-iisip kung dapat bang ipasa ang mga studyante.Torture ito para sa akin pero tulad ng nakagawian, mananalangin ulit ako.

Kung kelan matatapos ang lahat ng ito, hindi ko parin batid, ang alam ko lang AKOAYBISI.

Friday, March 13, 2009

am SICK.

Its been 2 days na sick ako...( dalawang dahilan lang ang nakikita ko bakit ako naging Sick, ist napapadalas ako magpuyat-dati pa naman eh kso ngayon naaadik ako manghiram sa video city ng mga dvds/vcd-tas pinapanuod ko sa haus kahit pa maaga pasok ko, 2nd (di ko alam if may kaugnayan, naisip ko lang- kumain ako sa chowking,inorder ko ay goto-tas nilagyan ko madami pepper, yun nagsimula na ako magkasipon )pero di ito hadlang para hindi ko ma- enjoy ang new discovery ko na coffee....ang caffe macchiato,hehe matagal na flavor na ito sa mga c.shop na pinupuntahan ko pero di ko try( dahil caffe latte ako lagi ) but after tasting it...sarap! babalik-balikan..hehehe, sa isang sikat na coffee shop, di ko feel ang taste but sa isang low profile na shop ( mas mura ng 20 pesos..)...yun ang masarap! sulit! basta...samahan pa ng bluberry cheesecake.

Funny kse kahit wala akong panlasa, masarap parin para sa akin. :)
..parang walang pagbabago.
Haaay ang life nga naman, Sick man ako o wala pero still my sense of tasting Rocks! hahahaha.

Weeee..Happy Mode :)

Friday, March 6, 2009

"overnight"

Thursday.
March 5,2009

Kapag ganitong araw, 5 pm ang uwian ko from iskul...pero sa araw na ito lumabas na ako ng past 9pm...hehe,hindi dahil overtime ako?! kundi dahil mag-oovernyt kami sa bagong bahay ng aming kaibgan na si Mam Noguera ( si Patricia o Mae ).Malapit lang sa iskul ang bahay nila at dahil nga invited me...kaya GO! ako.hehe

Masaya at Excited ako, kse nagkataon din na kailngan kong manuod ng maraming pelikula para sa paksa na itinuturo kong 'Panunuring Pampelikula'...Kaya hindi ko narin sinayang ang pagkakataon na ito, ksma ko ang isa ko pang kaibgan.

Dahil nga excited ako sa overnyt na ito,nagpa-member ako sa video city na malapit din sa aming iskul.hehe, nagrent ng mga posibleng ipanuod sa mga studs..( more on indie film ang kinuha ko)..pero xempre my kasamang para rin sa amin..hehe suspense/horror..hihi

9pm pa ang labas ni Mae sa iskul kaya need rin talaga namin maghintay...kaya while waiting,nanuod na kami sa fakulti...inumpisahan namin ng mga 2:30 pm.."Ploning" ang aming inuna, kso naman..nun nasa climax na..saka naman tumigil..grrrrrrrrrr.....tsk.tsk. talaga! akala ko naman pirated lang ang tumitigil, kahit pa pala nasa video city...asar!
Dahil sa nangyaring ito, pinalitan ulit namin..."Game of LOVE"..tungkol sa mga nagchchat at umaasang makakahanap silang ng tunay na Pag-ibig..hehe...tinapos namin kso nakktamad panuorin eh! ..yan ang observe ko sa ilang indie film,may ilang beses narin akong nakanuod sa galeria ng mga indie sine nila pero ilan lang talaga ang nagustuhan ko..hehe.Ang sumunod ay nun gabi na" Munting Tinig" ...ito ang nakapagpa-iyak sa akin..huhuhu as in, siguro dahil my touch ng pagiging isang Guro, isa talaga sa nag-encourage sa akin na bilang mga Guro, nasa atin din ang pag-asa ng mga bata, kahit sa simpleng pag impluwensya lamang na maari rin silang mangarap at kapag pinagbuti nila ang pag-aaral tiyak maabot din nila ang lahat.

Nag-out na kami.Naglakad papunta sa bahay nila Mae.
Nakikiramdam ako sa aking sarili kung talaga bang excited ako????...hehe

Sinalubong kami ng Asawa ni Mae, ( si Yeboy!!! hehehe, ito ang tawag ko sa kanya..hihi
( Marvin) ..Masarap siya magluto at xempre kaibgan ko..hihi.Menudo ang aming dinner with lumpia...hehehe. My side dish din pala..hihi
Pagkatapos nito, nagdemand na akong ilatag ang aming hihigaan.hihi, xempre sa malambot ako pumuwesto.hehe...
Naisip ko na ang unahin ay Suspense para matakot kami..hihi, mabuhayan ng dugo para sa movie marathon na aming gagawin..nagsimula na.....ilang minuto lang ay ako pala ang magmamarathon pabalik sa CR...huhuhu...di ko alam bakit ako nagLBM..yeeekkksss! asar nga eh! sa ibang bahay pa ako nagkalat.hehehe, pero friendly ang cr nila mae kaya sadyang nacomfort ako..hehe..Ang nakakatawa, dahil nga suspense/horror yun pinapanuod namin at nakakatakot talaga! ang ginawa ko habang nasa loob ako ng cr, binuksan ko ang gripo para di ko marinig..hehehe, kse nttakot ako!!! hhahahahahhahaha..joker talaga ako, kya siguro lalo akong lbm eh! hehe.

Matapos ang isang dekada na nasa loob ako ng cr...nagbalik ako sa aking higaan para tapusin ang movie, dahil nga weak na ako, kaya sleepy na me..Joker nga kami dahil isang pelikula palang eh taob na kami..hahahhaha, si Mae na lang ang nagpatuloy, nanuod pa xa ng anime, kami, ako lang pala eh snore na..hehehe
Nakailang beses din akong nagising, siguro nga ay dahil hinahanap hanap ko ang aking kama..hehehe.

7:30 AM ang Office time ko pag biyernes, pero 8 am na ng magising kami..hihi, kung kelan nman malapit lang ang aming lugar sa iskul..late parin ako.Natuwa ako kse yun damit ko na dala pambiyernes ay di nahalata kahit pa di ko na ito plantsa..hehe...Hindi na nmen ginising si Mae kse 5 am na siya nakatulog..hehe nag-iwan na lang kami ng note para sa kanya.

9:42 am na kami naka-in...naku po! late parin...hehe

Sa Fakulti.
3 Gatorade na ang aking nainom at isang piling na saging na ang aking nakain...pero di parin ako tumitigil sa marathon...hehe, asar! kung kelan pa naman maraming cake sa fakulti saka nman di ako makakain pero ganun talaga ang buhay.hehe

Haaayyyy..sadyang experience talaga sa akin ang aming pag-oovernyt.Hindi ko alam kung mauulit muli ito pero sana maulit muli minus the marathon.

Friday, February 27, 2009

TAKE 7.

Biyernes.

Take 1.....
730 am ang aking pasok...hindi man magandang sabihin pero hindi maganda ang araw ko sa lugar kung saan ako palagiang makikita,sa simpleng kadahilanan na may mga pampam na people...

3 sa kanila ang inaway ko..yep! bad me this day...

Nakakaasar kse eh! 1. dahil sa simpleng bagay lang pero dahil hindi mkatulog ng mahimbing ang kontrabida kaya ako bilang bida (hehe ) ay kailngan magtimpi ng husto pero kahit pa ganun ay di rin talaga napigilan ng aking isip na magsalita.

Impulsive pa naman ako pag galit...

Take 2....may pampam ulit..kso sa aking palagay hindi niya napangatawanan ang kanyang pagiging epalogs kaya...ending..dumanak ang dugo...nagdilim ang paligid,kahit pa kasisilay lang nga araw.

Take3....aka -D- this time ako na ang may sala...dahil nga sa mga naunang pangyayari kaya siguro medyo badtrip na talaga ako kaya kahit hindi dapat pang patulan....pinatulan ko! ...ako rin ang natalo dahil ako ang naunang nanghusga...

hindi na ako nagpaliwanag pa sa kanya....ni dinipensahan ang aking sarili...humingi na lang ako ng sorry.

Take 4....dahil nga sa mga sunud-sunod na pangyayaring ito, naisip kong mag-undertime..pero sayang...tinatamad akong magklase pero ang mganda ay umakyat parin ako sa room at nagpapapsalamat ako kse hindi naimpluwensyahan ng kahit anong negative vibes ang magandang discussion sa grupo ng polsci.Salamat na lang kse kahit ano pa ang bigat ng problema dala ng pagkainis sa paligid, di ito dapat maging hadlang sa pagtuturo sa mga bata.Kasi wala silang kasalanan para gamitin sila upang maging mgaan lang ang aking loob.

Take 5....my pizza sa loob ng opisina ni mabuting makapangyarihan,isa lang ang kinain ko.

Take 6...niyaya ako ng isa sa pinakamalapit kong kaibgan, nagpunta sa condo na rent nila mag-asawa, kumain at nakipagkulitan....at sa

Take 7....sulit!...tama ang desisyon kong sumama...bakit?? kse maganda pala ang movie na TAKEN...sobrang hanga ako sa movie na ito...sa totooo lang naiyak din ako sa ilang bahagai ng movie na ito...


kahit pang maraming hindi magandang take ang nangyari sa simula ng aking araw, lubos ang aking pasasalamat dahil sa huli..naging makabuluhan ang lahat.

Saturday, February 14, 2009

sa Araw ng mga Puso....

Sabado.
Araw ng mga Puso.

Umaga pa lang ay marami na akong nareceive na msgs. na geetings ng " Hearts Day".
Okay lang naman sa akin yun eh! hehe pero sa totoo lang simula ng magkaron ako ng celphone,tanging ang V-day lang ang di big deal sa akin...i mean, di ako nagfoforward ng greetings na happy V-day.hehehe.Di naman dahil sa bitter ako or what, pero natandaan ko kse ang sabi ng Tatay ko na araw-araw ay Valentines Day,mas mahalaga na iparamdam sa mga tao na LOVE mo sila,at di lang dahil may ganitong okasyon.

Totoong Happy ang feeling kapag nakatanggap ka ng flowers,chocolates, or card.Kilig sobra!
(pero may mas deep pa dito..hehe ).kapag sinamahan na ng value meal..hehehe.joke ito.

Sa araw ng mga puso...nasa bahay lang ako, pagkatapos maglinis ng bahay ay naligo at nanuod ng tv,kumain ng lunch at bumalik sa sofa para maupo at ipagpatuloy ang panunuod ng tv...hanggang sa naisipan kong patayin na ito at mag-nap...4pm na ng magising ako para panuorin ang fav. show ko kapag ganung oras, matapos iyon ay nagsimula na akong magcheck ng komposisyon ng aking mga studyante.....



Hanggang sa natapos ko ito at narealize ko na masarap pala gumawa kapag araw ng mga puso..hehehe..nakktapos ako ng mga paperworks..hihi..dahil sa ganito ang kinalabasan...dapat my gift ako sa aking sarili kaya di ko na pinatagal pa, nilasap ko ang sarap ng binili kong yogurt-icecream na strawberry...ummmm..yummy! talaga! hehehe


::::::::::::::::)))))))))))))))))))))))))))))

Sa araw ng mga puso.....nanuod ako ng isang movie..title ay "Fireproof"...

Nice ang pelikula, touching ba?! ..Very inspiring...

mas lalo akong na-encourage na maging faithful first kay Lord while am still waiting for the right time to come na magkaron ako ng husband..( heheh..di na boyfriend...) well, defintely am not in a hurry..masarap lang sa pakiramdam na soon if the Lords will na maging mabuti rin akong maybahay sa aking magiging asawa.

::::::::::::::)))))))))))))))))))))))))))))

Valentines Day....isa yan sa mga araw na pinakahihintay ng mga Lovers...tradisyon na ang pagccelebrate nito pero we should be reminded na yung Greatest LOVE ay naexperience na natin at yun ay dahil sa cross of calvary...The LORD LOVES us so much that he has given hes only son.

dapat lagi tayong grateful sa bagay na iyon..nagmamahal tayo ngayon kse una tayong minahal ng ating Panginoon.

" Love is patient,Love is kind.It does not envy,it does not boast,it is not proud.It does not dishonor others,it is not self-seeking,it is not easily angered,it keeps no record of wrongs.Love does not delight in evil but rejoices with the truth.It always protects,always trusts,always hopes,always perseveres.LOVE NEVER FAILS."

Tuesday, February 10, 2009

past days...

Nitong mga nakaraang araw....

xempre happy at grateful dahil sa mabait sa akin si Lord..hehe kahit pa minsan tintin is bad.hihi

Nitong mga nakaraang araw....Kilig si tintin..hahahahha..ummm bakit kaya?! Funny kase dahil my nareceive akong gift..na sobrang unexpected ko naman talaga..actually when someone called me para inform na my something for me..naisip ko agad na baka nike apparel yun or mug ng starbucks ( kse nga yun lang lam nya na mga favs ko ) but am really surprised when i open the gift...weeee...a gold chain (bracelet-at may "K" pa talaga..woooooo...sobrang gulat as in talaga ako...am not expecting kse!...honestly sinuot ko dat particular time after nabuksan ko, just to show Tita...( ang mami ng friend ko na nagbigay ) na i really appreciate...but unfortunately nakatago na sa box ko ngayon...hehehehe..sa simpleng dahilan na am not comfortable wearing gold jewelries.hehe..ill go for white gold eh..hehe for me mas simple mas nice.hehe..
Hindi sa pagiging demanding...pero yun lang talaga reason ko...well i texted nman my friend to say na receive ko na yung gift nya.
Naiisip ko bakit nya ako binigyan ng ganun?! xempre ayokong magIsip ng kahit ano pa.. kinilig lang ako siguro kse yung Mom pa nya personal na nag-abot sken..pero balik na naman sa homebase si tintin...-ang pagiging isang teacher na single..hehe..my fear ako...ewan..di ko rin maintindihan..kse yun pinsan nya ask me if what if ligawan ako nun..ummm di ko rin alam...hehehe...happy na muna ako sa ganito..soon na lang.hehehe..i mean friends na lang muna...

Nitong mga nakaraang araw...
kumain us sa AMICI sa may atrium ng mega...ummm sarap..mas mura kesa sa ibang pasta haus...hehe di ko lang natandaan ang mga kinain ko...hirap pronounce eh..hehehe

Nitong mga nakaraang araw...
nag-gigym ako..kasama ang ilang mga kaGuro...kanina nga lang kahit ala akong damit pampalit, napilitan parin mag-Gym dahil kasama ang ilang mga makapangyarihan na malapit sa akin.hehehe..wala akong nagawa kundi sumama kahit pa nakatsinelas lang ako( hiram lang din yun, kse usualy nakarubber shoes me kso nga ala me dala kaya nagtyaga ako sa tsinelas...at tshirt mula sa baul ni Dean.hehe )

Nitong mga nakaraang araw...
nagbalik kami sa TOSH..masarap ang SunDriedpesto w/Grilled Chicken..yummy! nagorder din me ng bluberry at apple cinamon cheesecake...tas naisip ko sayang yung pag-gym kaya malamang bukas isang oras ako dun para mag-burn ulit ng calories..hehehe
Salamat kay Jana Bebe..ang magandang gf ni Bokito...dahil libre nya kme ni Dean..at kahit gabi na ay rumarampa parin kmeng tatlo sa R.P. hehehe..bukas naman daw sa R.G. saya talaga!

Nitong mga nakaraang araw....
naayos ko nman ang aking oras..i mean, mas lalo kong nakikilala sarili ko dahil (* sa oras ), kapag ginusto ko ..naggawa ko talaga at kapag ayaw ko naman ay wala talaga me nasisimulan. eg sa pagchechek ng papel..pag-aayos ng documents etc.

Nitong mga nakaraang araw...
muli akong nagbalik sa GSIS, at kahit pa muntikang mabinbin na naman ang aking mga papel para sa ecard eh..salamat kay Lord dahil after 2wks. ay makukuha ko na ito.

Nitong mga nakaraang araw....
marami ako naramdaman na emotions..asar, inis,tuwa,lungkot,at saya..pero tunay na di ito magkakaroon ng kabuluhan kung di ko hinayaan na makita ang positive side ng mga pangyayari...yun naman ang mahalaga talaga eh..ang matuto at gumawa ng tama at higit sa lahat ay magpasalamat na may panibagong araw na naman na naghihintay para sa akin...sa atin...para next time ay may ma-e-kwento na nman ako sa inyo re sa mga nakaraang araw ko.hihi


Funny ang araw na ito, xempre late na nman ako.Bukod dun ay nakatapos ako ng aking exam para bukas.Plano ko talagang gumawa ng exam ngayong araw kaya kahit tamad pa akong dalhin ang aking laptop ay napilitan narin ako.hehe

Ilang oras din akong nagtagal sa paggawa ng midterm test...as in pinag-isipan ko ng kahit konti ang ggwin ko para naman d masayang ang binayad nila sa exam.

Saturday, February 7, 2009

SABADO ulit.

Salamat kay LORD para sa Sabadong ito. :)

Maaga akong nagising, hindi ko rin alam bakit?! madalas kasi ay alas dyis o alas onse ako nagigising kapag sabado pero ngayon ay iba.
Katulad ng nakagawian kapag sabado....kahit pa maaga ako nagising,business as usual parin.
(Linis bahay.)

Wala pa ang Mama ko, nagugutom na ako.Salamat na lang sa wheat bread na pasalubong kagabi ng ate ko kaya tingin ko ay buhay parin ako until ngayong mga oras na ito.hehe

Marami akong balak gawin ngayong araw, eg. magrecord,magbasa,maghugas ng pinggan at maligo ng matagal..gusto ko lang para maiba naman kse madalas 20 mins lang kung maligo ako.

Naalala ko kaya siguro ako maagang nagising kse excited akong magpunta sa bday ng isang kaibgan.hahahaha pero need ko pigilan sarili sa pagkain..ummm gagawin kong buffet style...hehe

Marami pa akong gustong sabihin kso inaatake na naman ako ng sakit kong pagkatamad..ummm kaya tatapusin ko na ito..basta ang mahalaga para sa akin sa araw na ito ay nagising parin ako at binigyan ng pagkakataong magsulat kahit pa nonsense.hehe

Sunday, February 1, 2009

sa MOTEL.

Madalas ay nadadaanan ko ang mga Motel.Marami rin akong naririnig hinggil dito..hehe,my stigma talaga sa mga tao kapag namention ito...pero ako naman dati pa naniniwala na pwede ka magmotel ng walang malice...kse ilan sa mga kaibgan ko, kesa mag hotel sila(* at mahal ang bayad ) nagMomotel after work lalo pa't naabutan na sila ng pagod at antok kaya dito sila dumederetso...Kaya natanim sa isip ko na di pala lahat ng nagpupunta dun ay para sa sex lang.hehe

Every sunday, nadadaan din ako sa mga Motel kse Sta.Mesa ang way ko going church, magkakatabi kaya ang mga motel dun.hehe, maski sa Centerpoint, i mean sa tabi nun nagtayo pa sila..haay hindi ako pabor dun..madalas ako sa SM Centerpoint pag linggo at hindi ako panatag na nagtayo sila dun kse naiisip ko na mas malapit sa mga tao ang tukso..hehe naisip ko yan, xempre pag galing mall. sakit mga paa nila kakalakad tas tabi lang naman ito kaya baka mapa kung ano pa sila... ..hehe ( bad isip ko...)( tama ba nman na e judge ko sila...e baka nga naman mag footrest lang sila dun.hehhe) pero ganun paman ayoko lang talaga nun ginawa nila na itabi pa nila ito sa mall.

Sabi ko sa sarili ko, hindi ako papasok ng Motel..kahit pa pilitin ako...( naisip ko naman, sino naman mamimilit sa akin..hehe..wala lang baka lang meron.hehehe) pero sa di inaasahang pagkakataon hindi ko natupad ang aking nasabi.uo..nagMOTEL ako.

...

Naglunch kme ng kapatid ko sa Tokyo2 sa centerpoint kanina after church, tas naglakad lakad hanggang sa my nakita naman kme na gusto namin at bumili kame..bukod dun, bumili ako ng shake sa BigChill, tas nagpalibre ako ng Sweetcorn sa Kingcorn at bumili ulit ng Fries sa Potato Corner.Pagkatapos nun ay lumabas na kami para maglakad pa-V.Mapa, sabi ng kapatid ko medyo sakit tiyan nya..hehe naubos nya kse un big red ice tea eh tas kung anu pa kinain..sabi ko naman magpray at madali na lang, makakauwi narin kmi.Sumakay kami ng Jip pa-Pasig, wala pang 5 mins. sabi nya di na talaga nya kaya...( lalabas na raw..hehe ) ,bakas sa kanyang mukha na nagsasabi sya ng totoo..hehe, naisip ko agad ang isang kaibgan na nakatira malapit sa PUP,kaya pagliko palang bumaba na kme para lakarin punta dun para maki-cr,pero di na talaga kaya ng kapatid ko...as in grabe ang mga sandali na yaon, hindi ko rin alam kung paano ako hahakbang upang mapabilis lang kami sa pagpunta sa kanila.Naisip kong lumipad pero naiwan ko nman ang bato sa aking tukador.hehehhe. NakakatAwa man pero talagang maski ako...pawisan narin sa kaba na baka any moment magkalat siya..hahahhaha, di ko na alintana pa ang isip ng mga tao, nun nakakita kme ng motel...pumasok kme dun tama naman na nandun ang guard at mga room boy ata..naku po..nakiusap ako..sobrang pakiusap para lang payagan kme mag cr...hehehe, nag explain pa ako ng konti hanggang sa pumayag sila..waaaaaaaaaaaaa...kumuha sila ng susi para ma open ang cr...sa madaling salita "SUCCESS" ang aking kapatid.waheheheh
Pagkatapos nun ay nagtawanan na lang kami magkapatid at walang humpay ang pasasalamt namin sa mga tao dun...( actually, puro sila lalaki..hehehe ) buti na lang bait sila, asikaso kami.sa totoo lang, di ko na inisip kung anuman inisip nila sa amin sa mga oras na yun, ang mhalaga sa akin ay ang tyan ng aking kapatid.hahahahha

Ibang klseng experience yung kanina, as in...nakasakay na kami sa jip pauwi pero natatawa parin ako sa aking isip na nakapasok ako sa Motel dahil sa kailngan mag-cr ang kapatid ko.heheehe...

Totoo nga ang sabi nila...ibang experience meron sa MOtel.hahahahahhahahahahahahhaaaa

Pagdating nmin sa bahay ay nagsimula na akong magkwento...tumawa at magkwento....tumawa ulit.Malamang ay bumalik ako/kami dun para magdala ng kung anuman token para sa mga tumulong sa amin ,di ko na kase naisip na magbigay ng kahit konting tip pang merienda man lang nila ....sa aking palagay kse maski sila ay nataranta sa amin...hehehe

Isang malaking experience ito para sa aming magkapatid.Tunay nga naman na maraming nangyayari sa Motel. hehe

Saturday, January 31, 2009

BdayniTatay :)

Happy Birhtday sa Tatay ko....
( sana mabasa nya ito ..hehe )

Nagkol na siya kagabi para mabati namin ng Happy Birthday..ang kulit diba?! kse siya ang nagccelbrate pero siya ang tumawag at nagbigay ng blowout.hihi..Salamat sa aking Tatay.
Salamat para sa Pansit ( na favorite nya, sa cake, icecream, lumpia at kaldereta,hehe..sobra ako busog... at sa 500 na binigay nya kse Bday raw nya..sabi ko nga..sana araw-araw celebration para laging my bread ako..hihi )

Tinex ko rin siya ngayong araw para ipaalam sa knya na Mahal na Mahal ko siya, Malaking Pagpapala na makasama pa namin siya bagama't malayo siya sa amin sa kanyang kaarawan.
Hindi mapapantayan ng kahit ilang bday cake na regalo ko sa kanya ang Pagmamahal na binibigay nya sa akin bilang kanyang anak.
Sabi ko kay Lord kahit hindi na ako makapag-asawa pa basta wag nya lang pababayaan ang aking Tatay sa malayong lugar.Sobrang Mahal ko siya.Mas gugustuhin ko na akuin ang anumang sakit,para lang sa kalusugan ng aking Tatay.
Mahal na Mahal ko ang aking Tatay at tunay na nandito lang ako parati bilang kanyang nag-iisang anak na lalaki.hehe
Happy Birthday TATAY. :)

BigBoss

aka BigBoss.

Madami ako nito.Masasabi kong Bless ako sa pagkakaroon ng mga BigBoss na mabubuti at mababait pero katulad na lang sa mga tauhan, hindi mawawala ang Kontrabida..hehe,
Naalala ko yun dati kong BigBoss, kahit pa matagal ko siyang sundin ay maluwag naman sa aking loob na tanggapin ang kanyang mga pinagagawa.Hindi ko sinasabi na matigas ang ulo ko bilang kanyang tauhan, Makulit lang siguro.hehe.Malaki ang aking pasasalamat sa kanya kse binigyan nya ako ng pagkakataon na magturo, kahit pa nung una nya akong nakita ay nakaraged ako ( as in maong pants,rubbershoes,tshirt at bodybag )...maaaring tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at inisip na sino ako at ano ang magagawa ko?! pero walang judgement na namutawi sa knyang bibig sa halip nakita niya ang aking kalooban, ang willingness kong magturo at makapasok bilang isang fakulti.

Batid ko na bawat BigBoss ay may kanya-kanyang karakter,istratehiya kung paano niya maeenganyo ang kanyang mga tauhan na magtrabaho ng mabuti.Maaring ang iba ay masungit, o approachable naman, may Oldies na at medyo Oldies pa lang pero ang ayoko sa lahat ay ARTISTA.
.
Sa totoo lang, hindi ko sinasabing tama ang aking persepsyon hinggil sa kanya pero gusto ko rin paniwalaan ang aking sarili dahil may nakikita akong hindi maganda.Masakit sa kalooban na malaman na ako, at kami bilang kanyang mga tauhan ay ipakilala sa iba sa hindi magandang pamamaraan para sa kanyang pansariling interes na maging mabango sa pangAmoy ng iba.Ito lang ang paraan ko para mabawasan ang pagkainis at pagkairita sa mga ginagawa niya sa aming lahat.Maaring may kahinaan talaga sa parte ng aking mga kasamahan ( sken din mismo siguro ...) pero hindi makatarungan na kamiy linlangin na kapag kaharap kami .Naisip kong manumbat kse ganun ang ginagawa nya kapag kami ay nakatalikod ! pero alam kong mali, na sana bago niya kami punahin at husgahan, ang ginagawa niya at ng kanyang ilang kasama ang kanyang itama.Hindi dahil sa siya'y nilagay sa kanyang posisyon ay maari nya na kaming hawakan na animo'y kanyang mga alagang hayop.
Gusto kong paniwalaan na may respeto ako sa kanya, kse BigBoss ko siya pero sana irespeto nya rin ako at ang aking mga kasama.Huwag siyang maging ARTISTA sa amin.Umarte siya ng may sinserdidad para naman mapaniwala nya ako higit kaninuman na mabuti ang kanyang layunin bilang isang BigBoss.

Nagsasalita ako ng ganito kse sobrang asar na ako eh! hehe...wala akong kapangyarihan para siya'y palitan.Ginagawa namin ang lahat para lang ipakita na tapat kami sa aming gawain..Ang mahirap kse nagmamagaling siya,ayaw nyang tanggapin na hindi nya mababago ang nakagawian ng isang segundo lamang.Hindi ko tinotolerate ang aking mga kasama, ( kung meron man syang nakikitang kahinaan, maging sa aking sarili ), sana lang maging fair sya sa pagtrato sa amin kse kasamahan nya kami.Kung gusto nyang makatanggap ng suporta, Siya mismo ang magpakita sa amin nito para ibalik din namin sa kanya.Hindi sa habang panahon ay nasa posisyon ang isang BigBoss...ang sa akin lang, nanggaling din siya sa pagiging timawa, kaya sana huwag siyang magpakita na animo'y Panginoon siya.

Mahal ko ang aking mga BigBoss, pero ang isang tulad niya ay walang puwang sa aking puso.

Friday, January 30, 2009

NO I.D. / NO ENTRY

Ang madalas na paskil sa mga tanggapan, opisina at sa mga eskwelahan man.

...........................................................................................................................................

Noong miyerkules ay nagpunta kme ng isang ka-guro sa GSIS.Medyo matagal ang aming byahe dahil nag Bus lang kami..hehe ( nagtitipid ata si kasama kaya ayaw mag-cab. ) hehe kaya yun....pero tinanggap ko na kse yun lang daw ang paraan...xempre di na ako nakipagtalo pa baka iwan ako, eh ist tym ko lang makakapunta dun at xa ang magiging tour guide ko.

Bumaba kami sa LRT, tas may shuttle na pala dun na maghahatid sa lugar kung saan namin matatagpuan si Ka Winston.hehe

Sa totoo lang, hindi ganun kaganda ang impression ko, hindi ko kse maramdaman na ito ay lugar na serbisyo publiko,siguro ay dahil nga sa loob nito ang siyang kaguluhan pero kahit pa..as in dead end ang dating sa akin..Basta, di ko maramdaman ang pressure na siksikan, maraming govt employee na dumayo pa dito tas nagpapaypay kahit pa malamig dahil sa tagal ng paghihintay.


Nasa loob na kami at pakuha na ng form para sa application ng aming EcardPlus ng biglang may nagsabing ang walang 2 valid ID's ay hindi makakaEntry sa susunod na proseso...Naku po! bigla akong napa-weeeeeeeeeeeeeeee...wala akong dalang id..ewan ko ba?! hindi ko man lang ito naisip, ang dala ko lang atm card..sinubukan kong makiusap at ipaliwanag na ako ay nanggaling pa sa lugar na malayo , na hindi pa umiinom ng tubig simula ng magbyahe at di pa nakakapag retouch... pero hindi ako pinakinggan.huhuhu....di na ako nagtangka pa muli kse ako rin my kasalanan.Haaysss

Ito ba talaga ang aking kapalaran..ang maging sawi na lamang lagi kapag my mga ganitong transaksyon. Kahit sa iskul, o sa ibang tanggapan, hindi atang hindi pwede ako makatapos ng walang nangyayaring aberya...sadyang mutant nga talaga ako! mas lalo lang naging maliwanag sa isip ko ang lahat kaya nga Itinawa ko na lang ang aking sama ng loob,kse liban dito wala na akong naiisip pang paraan para gumaan ang aking loob.

Totoo nga na ang Magbyahe ay matagal, ang magstay ay maikli..hehe ( inspired by Pablo Neruda yan ha?! ) waaaaaaaaaaa.....





Tuliro ang aking isip hanggang sa makasakay kme ng Bus pabalik sa iskul......Nang makarating kme ay agad kong hinanap ang mga Gwaryda Sibil at wala akong sinayang na sandali para itanong kung sino at ano ang dahilan bakit naimbento ang mga salitang ....................................................
..................................................................................................................................................................









" NO I.D. / NO ENTRY"

Thursday, January 29, 2009

"Ang Gaan-gaan ng Feeling"

"Ang gaan-gaan ng feeling".. isa ito sa mga naging tag line ng isang sikat na commercial sa taong 90's, at bigla ko lang naalala ulit.Naisip ko na ito ang angkop na pamagat para sa isusulat ko dito sa aking Blog.

>>>>>>
Magaan ang feeling...

Uo kse kung Monday at Thursday from 7:30 to 12:00 lang ang aking klase tas 12:00-5:00pm ay office time ko...( pwedeng magpetiks lang ako hanggang makauwi na ako o dili naman ay maging makabuluhan ang aking ilalagi sa loob ng fakulti.)
Minsan, lalo pa't ayokong magcheck ni magrecord ng mga papel ng mga bata ay umaalis ako...kung di man sa hideout ako tatambay ay lalagi ako sa isang lugar kung saan magaan ang aking feeling.
Kung sakali naman na sipagin ako at maisip ko na sayang ang oras, magsisimula na akong tumahimik at magbasa at magcheck ng mga papel, tapos ay magrecord at maglinis ng anumang kinalat ko...kaya mas magaan lalo ang feeling sapagkat hindi nawalan ng kabuluhan ang ipinasok ko.
>>>>>>
Magaan ang Feeling...

Esp. kapag may mga Estudyanteng seryoso sa buhay tas biglang mapapa-smile o tatawa sa kung anuman ang nasabi kong joke.Minsan di ko sinasadya iyon, pero sa puso ko may layunin na maging happy lang ang aking klase kaya masarap sa pakiramdam na ma-appreciate ng mga estudyanteng malimit lamang kung magpakita ng kasiyahan sa kanilang mga buhay.

>>>>>>
Magaan ulit ang Feeling...kapag hindi ako late sa iskul..hehe

>>>>>>
Magaan ang Feeling kapag alam ko sa aking sarili na naituro ko ng maayos ang isang lesson.Hindi ko rin maintindihan, madali akong madisturb kapag di naging maganda ang naging pagtuturo ko.Hindi ako sa nagmamagaling pero ito lang din kse ang alam kong sukli para sa mga tuition fee na kanilang ibinayad.Sa hirap ng buhay ngayon, alam kong hindi maganda ang manlamang sa kapwa.
>>>>>
Magaan ang Feeling...lalo pa't binawi ng isang tao ang anumang naging bintang o paratang niya tungkol sa akin.Sa totoo lang, struggle ko nitong mga nakaraang araw ang isang girlaloo na nagparatang sa akin na may gusto ako sa kanyang minamahal.Uo, nakakatawang isipin, at ito ang unang pagkakataon na masangkot ang aking pangalan sa ganitong klase ng kaguluhan....akalain mo, love triangle ang dating...naku po! ni minsan ata di ito pumasok sa aking balintataw...nagkataon lang na sa mga kaibgan ko lalo pa't matagal ko ng naksama, nag-iiloveu ako sa tex o sa telepono man lang pagkatapos mag-usap.( joke ko un sa kanila, kaya sila nagiiloveu na rin sa iba nming mga kaibgan..).Ayoko naring pahabain ang aking kwento dito, ang mahalaga narealize nun tao na off all people, hindi ang katulad ko ang aagaw sa kanyang minamahal.hehe..naku po ulit! nakakakilabot.Inisip ko na lang na ganun nya kamahal ang aking matalik na kaibgan at dumating sya sa puntong Paranoya.hehe. Ang pag-ibig nga naman...hahamakin ang lahat...hehe,mabuti na lang at madali akong kausap at malawak ang aking pang-unawa kundi..malamang dadanak ang dugo.hehe.

>>>>>
Magaan ang Feeling ulit kse ngayon alam ko am being serious sa pagkain ng tama..i mean proper diet..naks! hehe, surviving naman ako! no more soda and sweets..pero pwede parin tikim ng bluberry kung kailngan...hehe, xempre nman karapatan ko parin iyon.hahahhahaha!!! hanggat maari talaga magbawas ng timbang sa simpleng dahilan na nauubusan na ako ng mga damit..huhuhuhu..yun mga favs na tshirt ko, di ko na masuot at yung mga blouse ko na nice di narin..kaya seryoso ako dito sa aking ginagawa...pati mga pants ko..wahehehe, ayoko nman bumili ng bumili...kse sa pagkain ko na lang illgay un.hahhahahaha..pagkain parin.joke lang!

<<<<<
Masarap Mabuhay kahit pa may crisis sa bansa, kahit pa may mga umeeksenang hindi maganda sa ating buhay, o kahit pa may mga kontrabidang nagpapakilala sa atin.Hindi tayo kailangang panghinaan ng loob sa halip maging dahilan ito para mas maging positibo ang ating pananaw sa Buhay at patuloy na manalig sa ating Panginoon sapagkat siya ang dahilan bakit mas lalong Gagaan ang ating Feeling :)

Monday, January 26, 2009

Gender: F/M

Isa yan sa kalimitang tanong sa akin???...Ngayon ko lang ata ito seseryosohin.

Minsan, o madalas ay natatawa ako kapag my nagccoment na mga estudyante kung ano ba talaga ang Sexual Preference ko...Female or Male or Gay or Bi or Lesbian.hehe
Siyempre nman sa Female ako..hehe.totoo yun kahit pa marami ask y am comfortable wearing tshirt,jeans, rubber shoes...para sa akin naman...mas okay sken ang ganung porma..mas simple, mas astig.hehe,kung kailngan naman mag formal, bakit hindi-basta hinihingi ng pagkakataon.

Marami akong mga kaibgan, kabilang na sa mga set of friends ko ang mga nagpapanggap na lalaki aka tiboli.hehe

Ako, sa aking buhay ay minsan din naging katulad nila.Kung di ako nagkakamali, naramdaman ko rin na binata ako..ah! nagpapanggap na lalaki nun ako'y nasa 2nd yr. hiskul hanggang sa 2nd yr. college na ako..pero kahit pa ganito ang naging sitwasyon ko, mas pinili kong limitahan ang kilos ko sa simpleng dahilan na nakukunsensya ako.Alam ko kse na mali ang aking ginagawa eh...mali ang magpanggap bilang isang lalaki.

Ito ay bahagi ng aking nakalipas.Bahagi ng choice na minsan ay pinili k.
Nagbago na ako..hehe kaya pinatapon na ako sa lugar ng mga mutant. ( Honestly,By God's Grace and Mercy..i am a changed person now...hihi) wala ng pagpapanggap...open arms na accept ko na ako ay ginawa bilang isang babae at ang puso ay titibok para sa lalaki.hahahhahaha...pero awww!!!



Hindi ko rin siguro masisi ang ibang tao y they prefer na maniwala na tibo ako..pero kse para sa akin anuman nakikita nila sa physical na kaanyuan, higit na mas mainam ang laman ng puso.

Hindi ko aalisin ang nakaraan na yaon, sapagkat sa isang banda naging masaya ako...masarap sa pakiramdam na napagdaan ko yun, at nalagpasan ito ng maayos.

at ngayon..................................................................



ay kindda arte na me..girlalooo in some ways..hehe


Kung dati, confuse ako...ngayon mas malinaw sa akin na dalawa lang ang nilikha ng Diyos...Ang Lalaki at Babae.

Nirerespeto ko ang choice ng ibang tao na manatili sa gusto nilang kasarian....na baguhin ang kanilang kasarian...kse sila yun at ako ay iba.Naniniwala ako na my freewill tayo, bsta ang mahalaga..alam natin ang salitang Pananagutan.

Hindi ko kukundinahin ang mga nasa uring ito, nkse minsan ay naging kauri din nila ako ngunit hindi ko sinasabing ayon ako sa kanila...Nagkataon lang na Kapwa ko sila, na kailngan din nila ng respeto, pang-unawa at pagmamahal...at panalangin na isang araw, magigising sila sa kanilang mga panaginip.

Friday, January 23, 2009

am Back!

Tinski is Back.

Nasa Normal ng sitwasyon, moving forward.Salamat na lang sa word ni Lord " Forgetting what is behind and straining toward what is ahEAd. ", truly am inspired and grateful kse nasa Present time na ako...at alam kong my Future na nakahanda para sa akin.

Magulo this past few days dahil nga sa ilang simpleng bagay na pinalaki ng aking pag-iisip.Ayoko naman sisihin ang aking sarili sa nangyari kse alam kong kagustuhan ko rin ito pero totoo rin na lahat ay may hangganan.....kaya nga eto na muli ako eh, nasagad na rin ang aking paxenxia kaya minabuti ko munang huminga ulit bilang isang Tintin.-isang mutant na mahilig magmasid kundi man,ay nagkakape sa isang sulok ng kwarto at kumakanta ng " Para sa iyo, Para sa iyo ang laban na ito...wow! sounds good huh? hehe

Excited akong magsulat at magkwento sa inyo, kanina lang nga bago umuwi ay medyo napangiti ako hanggang tenga ng may magsabi sa akin na bihira daw ang isang tulad ko na dalaga na mag-uuwi o magdadala ng maraming pasalubong. ( sa akin nman, wala lang yun.basta mahalaga may mauwi.hehe
Sobrang pansin ko na
(...walang kaabug-abog na sinabi nyang dalaga ako...hehheheh gusto ko sana ask na...r u blind? hahahha kso di na lang, malamang kse hahaba pa ang toks...balik ako sa sinasabi ko)...kse nga naman pag friday excited akong mag-uwi ng Foods sa bahay, eg groceries or fruits or bread ..basta anything na makakain lalo pa't sabado kinabukasan..ummmm sarap makita sa lamesa pagising ang mga foods...hehehehe...sabi ko sa inyo eh! am Back na talaga kse foods na tok ko dito...hahhahaha.
Happy mode ulit.



Haayyy basta masasabi ko lang am truly back!

Natutuwa ako sa mga nangyayari sa akin ngayon, minsan bigla ako maiinis..hehe, gusto ko lang para iba naman.joke! alam kong mali iyon at di makakatulong sa ikauunlad ng Pilipinas, kaya kung pwedeng ngumiti na lang ako at magbuntunghininga ng mababaw ..gagawin ko na lang...para mas okay ang lahat.
......

biglang natigil ang isip ko sa pag-iisip kaya Goodbye muna.hehe basta gusto ko lang sabihin na Tinski is back!

Sunday, January 18, 2009

...ako.

Sa loob ng dalawang linggo,ako'y bilanggo ng mga alaala ng nakaraan.....................
......................................................................................................................................................
......................................................................................................................................................
......................................................................................................................................................
...........hanggang sa mga oras na ito.

pero katulad ng isang dahon, na nalalaglag sa kanyang kapanahuhan.............................
......................................................................................................................................................
.....................................................................................................................................................
..............may katapusan din ang aking nakaraan at sa isang banda ay ............................
....................................................................................................................................................
........................................................................................................................
nasa kasalukuyan na ulit ako.

Monday, January 12, 2009

His Name is Benjamin.

( The Curious Case of Benjamin Button. )
Ilang beses ko na ito nakita sa trailer hanggang sa mapanuod ko kanina lang sa moviehaus.

Sa pagkakaalam ko ay halaw sa isang short story at hindi sa novel...( ata?! hehe..para safe ) basta kahit pa saan ito galing, maganda para sa akin ang pelikula, sulit ang binayad ko sa ticket pati sa binayaran ko sa pagkain.

at first kaya ko lang naman gusto panuorin ay curious ako bakit matanda xa nun pinanganak pero habang tumatagal ako sa panunuod nito ay aking nalaman na may mas higit pa palang rason bakit gusto kong simulan at tapusin ang pelikulang ito dahilan sa may mas malalim pa pala akong madidiskubre na may kaugnay sa ating mga pansariling buhay and even sa buhay pag-ibig.

Gusto ko pang dagdagan ang komento ko sa pelikulang ito pero hindi sapat lahat ng nais kong sabihin para makumbinse ko ang aking sarili na iyon na ang lahat , siguro kung meron man ulit akong nais panuorin mamaya, bukas,sa susunod na bukas,hanggang sa susunod na linggo.......................................................................................................................................................















ito ulit,

TimeZone.

Sa Timezone ako madalas naglalaro ng Basketball(Shooting),Deal or NO deal, at House of the Dead 4.Hehe.

Happy lang talaga pag andito ako sa place na ito, kadalasan kasama ko ang magHoney.Enjoy talaga kami...masarap sa pakiramdam na nasa isang lugar ka na maaari mong gawin ang isang bagay na di ka mag-iisip kung may nakatingin ba sa iyo at e-judge ka na mali gawa mo sa halip ang layon mo lang sa paglalaro ay para entertain ang sarili at magkaroon ng bonding moments with friends..

Last Sunday, sa gateway ay naglaro ulit kami with my Close friends, ( ang mag-asawa na si Kuya Bhoy at RhoNA a.k.a magHoney at si Richelle at Dan na getting married na dis march...) ( at tsismis ko pa daw?! mabuti ng alam nu, ...oooopssss..wag ninyong isipin na alalay lang ang dating ko dahil hindi...hehe yun naman ang mabuti sa kanila, kse walang partner-partner na nagyayari...hahahhaha ramdam ko naman na BELONG ako sa group.hehe


Sa palagay ng iba, pag sinabing arcade, or timezone nga, iisipin na pampalipas oras lang ito, pero sken siguro depende parin yun kse ako mostly sa mga memorable scene ng aking buhay (kapag pinag-uusapan ay bonding moments with friends.), madalas dito mangyari at totoong nasasabi ko sa aking sarili na hindi lahat ay kayang bilhin ng pera...dahil ang mga simpleng kasiyahan na magtatagal ay nangyayari sa mga lugar na para sa ilan ay common na puntahan kapag gustong maglibang.
Hindi ko sinasabi na magpunta kayo sa TimeZone para maging happy...HINDI po yun ganun, kse kahit saan nman pwede maging memorable ang moment natin with good friends,its just that may bonding moment talaga na ngyayari everytime andun kami...hehe.sadyang di maipaliwanag ng sensya.hehe.

TimeZone....maraming games to play, maingay,makulay,maingay ulit,maraming tao, may bata, matanda, teenager, mga bata ulit,iba-iba ang japorms, lahat ng klase ng people ay matatagpuan mo rito




kabilang
















na











ako :)

Friday, January 9, 2009

T.G.I.S.

Yehey! Sabado bukas, di ako kailangan gumising ng maaga.hehe.
Tiyak susulitin ko ang aking kama, dadamhin ko ang sarap ng balot ng aking kumot at lambot ng aking mga unan...at higit sa lahat, di ako maiistorbo ng alarm clock.hehe.

Sana laging Sabado....para mas mahaba ang oras na gising ako kesa sa tulog, pag biyernes kase ng gabi mas relax ako dahil kahit abutin ako ng sabado ng umaga na naka-net okay lang dahil nandito lang naman ako sa bahay at di kailngan maging aligaga sa pag-aayos at pag-iisip at pagPlantsa ng aking isusuot para sa araw na iyon.Happy lang talaga!

Katulad ng mga nabanggit ko dito sa blog, marami akong routine kapag sabado sa loob ng bahay,liban na lamang kung may magyaya para kumain, manuod ng sine o makipagkwentuhan na nasa ibang lugar.hehe. ( malamang ay sipagin agad ang aking katawan para magbihis. )

Ilang araw ko ng namiss itong pagsulat, sa totoo nga marami akong kwento na gustong ibahagi dito, kabilang na ang muli naming pagkikita-kita ng aking mga hiskul friends..( ang bilis ng panahon..sampung taon na pala ang nakalipas...hehe,pero parang tulad parin kami ng dati kahit pa sabihin na may kanya-kanya na kaming buhay. )..my kwento talaga ako tungkol dito kso ang problema tamad pa akong e-share.hehe, isa pa sa nakaline up ay ang mga movies na gusto kong panuorin ngayong Linggo ( tulad ng pelikula ni Brad Pitt,isang Indie Film at isa pang pelikula na comedy tungkol sa kasal )at sa susunod pang mga araw, ganun din sana ang mga pelikulang aking napanuod ngayong season kso tamad parin akong isalaysay at gawan ng review.
May ilang issue din ako re sa iskul na nais talakayin kso lang,humahanap lang ako ng magandang tiempo kse baka maging bias ako sa pagkakataong ito kaya para maging fair naman sa mga taong involve sa issue 101 na ito.Mananahimik muna ako.hehe,sa totoo nga nito kahit ngayon na sumusulat ako, tinatamad parin ako eh! hehe...di ko nga alam if conect pa ito sa title ko,pero GO! lang ang Girl,ang mahalaga di nasasayang ang Brodban.hehe

AH! basta kahit pa tamarin ako ng maraming beses sa pagkkwento ng aking ilang pakikipagsapalaran sa mga panahong ito, alam ko na kahit kailan ay HINDI naman ako magsasawang magpasalamat............lalo pa't kapag Araw ng SABADO. :)


yun lang muna.....

Thursday, January 1, 2009

Pictures with Family :)

Kung meron man akong lubos na pinagpapasalamat ngayong New Year, yun ay mga pictures..hehe..more pictures with my Family naman talaga! hehe

Malapit kami sa mga Lola ko ( side ng Mama ko ) kse kapitbahay lang namin sila.hehe...at dahil dun mas napapahalagahan namin ang isa't isa.Simula sapul naman na magkaisip ako, sila na talaga ang madalas kong makasama, bagama't malapit din kami sa side ng pamilya ng aking Tatay.hehe.Masaya talaga kapag malapit sa isa't isa ang pamilya.Kasi mas madali ang magpapicture.hehe

Madalas ako at ang aking bunsong kapatid ang pasimuno sa lahat ng picture taking, sa anu mang okasyon ng aming mga buhay, pero ngayon ay ka-team ko na ang mga little cousins ko! hehe..kaya ayos sa olrite talaga ang aming mga pictures.hehe

Masaya ang kumuha ng picture at magpa-picture..ewan ko ba?! siguro nga ay dahil my dugo kaming artista...hahahaahhaha, kaya siguro di mawala ang iba't ibang anggulo sa amin.hehe.kse my bilugan, my payat at my parihaba din.hehe.joke! am happy everytime my mga pictures esp.kapag kasama ang aking pamilya.

Kaya malamang e-post ko dito sa aking Blog...at ito na nga ang mga sumusunod na pictures ng aking Family sa pagsalubong namin sa Bagong Taon.

Bagong Taon

5,4,3,2,1...........HapPPPPPppppppyyyyyyy Neeeewwwww Yeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeaaaar!!!

2009 na....and still The LORD is faithful.

Marami akong gustong sabihin at isulat dito pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan,naiiyak ang aking puso sa sobrang kagalakan dahil 2009 na at still rock and roll parin ako dito sa mundo.
Kaagapay ang aking Pamilya. (Ang Tatay ko na masipag na nagttrabaho sa ibang bansa upang tustusan ang aming pinansyal na pangangailangan.Ang aking Nanay na walang sawang nag-aaruga ng lahat ng aming pangangailangan sa araw-araw.Ang aking Ate na matiyaga ring nagttrabaho at nag-aaral muli ng panibagong kurso para sa amin, at ang aking bunsong kapatid na minamahal namin ng Lubos. Sa aking mga Lola at Lolo at Tita, Tito, mga Pinsan na aming mga kapitbahay.Sila ang dahilan bakit patuloy akong nagpapasalmat kay LOrd. )


Marami akong kahinaan ngunit tunay na tapat si Lord sa aking buhay sapagkat binigyan nya ako ng pagkakataon para mabuhay pa at damhin ang kanyang kalakasan.

Sa kabila ng mga ngiti, ay may mga problema rin akong hinaharap , ngunit si LOrd lang talaga ang tanging kasagutan.Lahat ng bagay ay posible sa kanya, kung kaya't hanggang ngayon ay nandito parin ako.Rock and Roll parin.hihi

Marami akong naging bagong kaibgan sa nagdaang taon, Kumpleto parin ang mga oldies na Friends pero higit kanino pa man, si Lord ang nakakaalam ng aking puso at iyon ang mahalaga para sa akin.

Tunay na ang buhay ay parang isang laro.Minsan ay talo, Madalas panalo.., maari rin naman na Minsan panalo, madalas talo...pero magkabaliktad man ang sitwasyon, may hindi nagbabago at yun ang pag-ibig ni Lord para sa akin, (sa atin)..Kung kaya't marami man ang dumating at darating na pagsubok sa aking buhay, alam kong may masisilayan parin akong liwanag at pag-asa mula sa kanya.

BAGONG TAON....( ummm....parang mas naging emosyonal ata ako??? hihi )

pero sa totoo lang

Gusto kong ipagsigawan sa lahat na Hinaharap ko ang Bagong Taong ito ng may buong tapang sapagkat alam ko sa aking sarili na kasama ko ang lumikha sa akin, ang nagbigay ng pagkakataon para magising pa ako ngayong Bagong Taon.