Thursday, January 29, 2009

"Ang Gaan-gaan ng Feeling"

"Ang gaan-gaan ng feeling".. isa ito sa mga naging tag line ng isang sikat na commercial sa taong 90's, at bigla ko lang naalala ulit.Naisip ko na ito ang angkop na pamagat para sa isusulat ko dito sa aking Blog.

>>>>>>
Magaan ang feeling...

Uo kse kung Monday at Thursday from 7:30 to 12:00 lang ang aking klase tas 12:00-5:00pm ay office time ko...( pwedeng magpetiks lang ako hanggang makauwi na ako o dili naman ay maging makabuluhan ang aking ilalagi sa loob ng fakulti.)
Minsan, lalo pa't ayokong magcheck ni magrecord ng mga papel ng mga bata ay umaalis ako...kung di man sa hideout ako tatambay ay lalagi ako sa isang lugar kung saan magaan ang aking feeling.
Kung sakali naman na sipagin ako at maisip ko na sayang ang oras, magsisimula na akong tumahimik at magbasa at magcheck ng mga papel, tapos ay magrecord at maglinis ng anumang kinalat ko...kaya mas magaan lalo ang feeling sapagkat hindi nawalan ng kabuluhan ang ipinasok ko.
>>>>>>
Magaan ang Feeling...

Esp. kapag may mga Estudyanteng seryoso sa buhay tas biglang mapapa-smile o tatawa sa kung anuman ang nasabi kong joke.Minsan di ko sinasadya iyon, pero sa puso ko may layunin na maging happy lang ang aking klase kaya masarap sa pakiramdam na ma-appreciate ng mga estudyanteng malimit lamang kung magpakita ng kasiyahan sa kanilang mga buhay.

>>>>>>
Magaan ulit ang Feeling...kapag hindi ako late sa iskul..hehe

>>>>>>
Magaan ang Feeling kapag alam ko sa aking sarili na naituro ko ng maayos ang isang lesson.Hindi ko rin maintindihan, madali akong madisturb kapag di naging maganda ang naging pagtuturo ko.Hindi ako sa nagmamagaling pero ito lang din kse ang alam kong sukli para sa mga tuition fee na kanilang ibinayad.Sa hirap ng buhay ngayon, alam kong hindi maganda ang manlamang sa kapwa.
>>>>>
Magaan ang Feeling...lalo pa't binawi ng isang tao ang anumang naging bintang o paratang niya tungkol sa akin.Sa totoo lang, struggle ko nitong mga nakaraang araw ang isang girlaloo na nagparatang sa akin na may gusto ako sa kanyang minamahal.Uo, nakakatawang isipin, at ito ang unang pagkakataon na masangkot ang aking pangalan sa ganitong klase ng kaguluhan....akalain mo, love triangle ang dating...naku po! ni minsan ata di ito pumasok sa aking balintataw...nagkataon lang na sa mga kaibgan ko lalo pa't matagal ko ng naksama, nag-iiloveu ako sa tex o sa telepono man lang pagkatapos mag-usap.( joke ko un sa kanila, kaya sila nagiiloveu na rin sa iba nming mga kaibgan..).Ayoko naring pahabain ang aking kwento dito, ang mahalaga narealize nun tao na off all people, hindi ang katulad ko ang aagaw sa kanyang minamahal.hehe..naku po ulit! nakakakilabot.Inisip ko na lang na ganun nya kamahal ang aking matalik na kaibgan at dumating sya sa puntong Paranoya.hehe. Ang pag-ibig nga naman...hahamakin ang lahat...hehe,mabuti na lang at madali akong kausap at malawak ang aking pang-unawa kundi..malamang dadanak ang dugo.hehe.

>>>>>
Magaan ang Feeling ulit kse ngayon alam ko am being serious sa pagkain ng tama..i mean proper diet..naks! hehe, surviving naman ako! no more soda and sweets..pero pwede parin tikim ng bluberry kung kailngan...hehe, xempre nman karapatan ko parin iyon.hahahhahaha!!! hanggat maari talaga magbawas ng timbang sa simpleng dahilan na nauubusan na ako ng mga damit..huhuhuhu..yun mga favs na tshirt ko, di ko na masuot at yung mga blouse ko na nice di narin..kaya seryoso ako dito sa aking ginagawa...pati mga pants ko..wahehehe, ayoko nman bumili ng bumili...kse sa pagkain ko na lang illgay un.hahhahahaha..pagkain parin.joke lang!

<<<<<
Masarap Mabuhay kahit pa may crisis sa bansa, kahit pa may mga umeeksenang hindi maganda sa ating buhay, o kahit pa may mga kontrabidang nagpapakilala sa atin.Hindi tayo kailangang panghinaan ng loob sa halip maging dahilan ito para mas maging positibo ang ating pananaw sa Buhay at patuloy na manalig sa ating Panginoon sapagkat siya ang dahilan bakit mas lalong Gagaan ang ating Feeling :)

No comments: