Thursday, January 1, 2009

Bagong Taon

5,4,3,2,1...........HapPPPPPppppppyyyyyyy Neeeewwwww Yeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeaaaar!!!

2009 na....and still The LORD is faithful.

Marami akong gustong sabihin at isulat dito pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan,naiiyak ang aking puso sa sobrang kagalakan dahil 2009 na at still rock and roll parin ako dito sa mundo.
Kaagapay ang aking Pamilya. (Ang Tatay ko na masipag na nagttrabaho sa ibang bansa upang tustusan ang aming pinansyal na pangangailangan.Ang aking Nanay na walang sawang nag-aaruga ng lahat ng aming pangangailangan sa araw-araw.Ang aking Ate na matiyaga ring nagttrabaho at nag-aaral muli ng panibagong kurso para sa amin, at ang aking bunsong kapatid na minamahal namin ng Lubos. Sa aking mga Lola at Lolo at Tita, Tito, mga Pinsan na aming mga kapitbahay.Sila ang dahilan bakit patuloy akong nagpapasalmat kay LOrd. )


Marami akong kahinaan ngunit tunay na tapat si Lord sa aking buhay sapagkat binigyan nya ako ng pagkakataon para mabuhay pa at damhin ang kanyang kalakasan.

Sa kabila ng mga ngiti, ay may mga problema rin akong hinaharap , ngunit si LOrd lang talaga ang tanging kasagutan.Lahat ng bagay ay posible sa kanya, kung kaya't hanggang ngayon ay nandito parin ako.Rock and Roll parin.hihi

Marami akong naging bagong kaibgan sa nagdaang taon, Kumpleto parin ang mga oldies na Friends pero higit kanino pa man, si Lord ang nakakaalam ng aking puso at iyon ang mahalaga para sa akin.

Tunay na ang buhay ay parang isang laro.Minsan ay talo, Madalas panalo.., maari rin naman na Minsan panalo, madalas talo...pero magkabaliktad man ang sitwasyon, may hindi nagbabago at yun ang pag-ibig ni Lord para sa akin, (sa atin)..Kung kaya't marami man ang dumating at darating na pagsubok sa aking buhay, alam kong may masisilayan parin akong liwanag at pag-asa mula sa kanya.

BAGONG TAON....( ummm....parang mas naging emosyonal ata ako??? hihi )

pero sa totoo lang

Gusto kong ipagsigawan sa lahat na Hinaharap ko ang Bagong Taong ito ng may buong tapang sapagkat alam ko sa aking sarili na kasama ko ang lumikha sa akin, ang nagbigay ng pagkakataon para magising pa ako ngayong Bagong Taon.

No comments: