aka BigBoss.
Madami ako nito.Masasabi kong Bless ako sa pagkakaroon ng mga BigBoss na mabubuti at mababait pero katulad na lang sa mga tauhan, hindi mawawala ang Kontrabida..hehe,
Naalala ko yun dati kong BigBoss, kahit pa matagal ko siyang sundin ay maluwag naman sa aking loob na tanggapin ang kanyang mga pinagagawa.Hindi ko sinasabi na matigas ang ulo ko bilang kanyang tauhan, Makulit lang siguro.hehe.Malaki ang aking pasasalamat sa kanya kse binigyan nya ako ng pagkakataon na magturo, kahit pa nung una nya akong nakita ay nakaraged ako ( as in maong pants,rubbershoes,tshirt at bodybag )...maaaring tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at inisip na sino ako at ano ang magagawa ko?! pero walang judgement na namutawi sa knyang bibig sa halip nakita niya ang aking kalooban, ang willingness kong magturo at makapasok bilang isang fakulti.
Batid ko na bawat BigBoss ay may kanya-kanyang karakter,istratehiya kung paano niya maeenganyo ang kanyang mga tauhan na magtrabaho ng mabuti.Maaring ang iba ay masungit, o approachable naman, may Oldies na at medyo Oldies pa lang pero ang ayoko sa lahat ay ARTISTA.
.
Sa totoo lang, hindi ko sinasabing tama ang aking persepsyon hinggil sa kanya pero gusto ko rin paniwalaan ang aking sarili dahil may nakikita akong hindi maganda.Masakit sa kalooban na malaman na ako, at kami bilang kanyang mga tauhan ay ipakilala sa iba sa hindi magandang pamamaraan para sa kanyang pansariling interes na maging mabango sa pangAmoy ng iba.Ito lang ang paraan ko para mabawasan ang pagkainis at pagkairita sa mga ginagawa niya sa aming lahat.Maaring may kahinaan talaga sa parte ng aking mga kasamahan ( sken din mismo siguro ...) pero hindi makatarungan na kamiy linlangin na kapag kaharap kami .Naisip kong manumbat kse ganun ang ginagawa nya kapag kami ay nakatalikod ! pero alam kong mali, na sana bago niya kami punahin at husgahan, ang ginagawa niya at ng kanyang ilang kasama ang kanyang itama.Hindi dahil sa siya'y nilagay sa kanyang posisyon ay maari nya na kaming hawakan na animo'y kanyang mga alagang hayop.
Gusto kong paniwalaan na may respeto ako sa kanya, kse BigBoss ko siya pero sana irespeto nya rin ako at ang aking mga kasama.Huwag siyang maging ARTISTA sa amin.Umarte siya ng may sinserdidad para naman mapaniwala nya ako higit kaninuman na mabuti ang kanyang layunin bilang isang BigBoss.
Nagsasalita ako ng ganito kse sobrang asar na ako eh! hehe...wala akong kapangyarihan para siya'y palitan.Ginagawa namin ang lahat para lang ipakita na tapat kami sa aming gawain..Ang mahirap kse nagmamagaling siya,ayaw nyang tanggapin na hindi nya mababago ang nakagawian ng isang segundo lamang.Hindi ko tinotolerate ang aking mga kasama, ( kung meron man syang nakikitang kahinaan, maging sa aking sarili ), sana lang maging fair sya sa pagtrato sa amin kse kasamahan nya kami.Kung gusto nyang makatanggap ng suporta, Siya mismo ang magpakita sa amin nito para ibalik din namin sa kanya.Hindi sa habang panahon ay nasa posisyon ang isang BigBoss...ang sa akin lang, nanggaling din siya sa pagiging timawa, kaya sana huwag siyang magpakita na animo'y Panginoon siya.
Mahal ko ang aking mga BigBoss, pero ang isang tulad niya ay walang puwang sa aking puso.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment