Madalas ay nadadaanan ko ang mga Motel.Marami rin akong naririnig hinggil dito..hehe,my stigma talaga sa mga tao kapag namention ito...pero ako naman dati pa naniniwala na pwede ka magmotel ng walang malice...kse ilan sa mga kaibgan ko, kesa mag hotel sila(* at mahal ang bayad ) nagMomotel after work lalo pa't naabutan na sila ng pagod at antok kaya dito sila dumederetso...Kaya natanim sa isip ko na di pala lahat ng nagpupunta dun ay para sa sex lang.hehe
Every sunday, nadadaan din ako sa mga Motel kse Sta.Mesa ang way ko going church, magkakatabi kaya ang mga motel dun.hehe, maski sa Centerpoint, i mean sa tabi nun nagtayo pa sila..haay hindi ako pabor dun..madalas ako sa SM Centerpoint pag linggo at hindi ako panatag na nagtayo sila dun kse naiisip ko na mas malapit sa mga tao ang tukso..hehe naisip ko yan, xempre pag galing mall. sakit mga paa nila kakalakad tas tabi lang naman ito kaya baka mapa kung ano pa sila... ..hehe ( bad isip ko...)( tama ba nman na e judge ko sila...e baka nga naman mag footrest lang sila dun.hehhe) pero ganun paman ayoko lang talaga nun ginawa nila na itabi pa nila ito sa mall.
Sabi ko sa sarili ko, hindi ako papasok ng Motel..kahit pa pilitin ako...( naisip ko naman, sino naman mamimilit sa akin..hehe..wala lang baka lang meron.hehehe) pero sa di inaasahang pagkakataon hindi ko natupad ang aking nasabi.uo..nagMOTEL ako.
...
Naglunch kme ng kapatid ko sa Tokyo2 sa centerpoint kanina after church, tas naglakad lakad hanggang sa my nakita naman kme na gusto namin at bumili kame..bukod dun, bumili ako ng shake sa BigChill, tas nagpalibre ako ng Sweetcorn sa Kingcorn at bumili ulit ng Fries sa Potato Corner.Pagkatapos nun ay lumabas na kami para maglakad pa-V.Mapa, sabi ng kapatid ko medyo sakit tiyan nya..hehe naubos nya kse un big red ice tea eh tas kung anu pa kinain..sabi ko naman magpray at madali na lang, makakauwi narin kmi.Sumakay kami ng Jip pa-Pasig, wala pang 5 mins. sabi nya di na talaga nya kaya...( lalabas na raw..hehe ) ,bakas sa kanyang mukha na nagsasabi sya ng totoo..hehe, naisip ko agad ang isang kaibgan na nakatira malapit sa PUP,kaya pagliko palang bumaba na kme para lakarin punta dun para maki-cr,pero di na talaga kaya ng kapatid ko...as in grabe ang mga sandali na yaon, hindi ko rin alam kung paano ako hahakbang upang mapabilis lang kami sa pagpunta sa kanila.Naisip kong lumipad pero naiwan ko nman ang bato sa aking tukador.hehehhe. NakakatAwa man pero talagang maski ako...pawisan narin sa kaba na baka any moment magkalat siya..hahahhaha, di ko na alintana pa ang isip ng mga tao, nun nakakita kme ng motel...pumasok kme dun tama naman na nandun ang guard at mga room boy ata..naku po..nakiusap ako..sobrang pakiusap para lang payagan kme mag cr...hehehe, nag explain pa ako ng konti hanggang sa pumayag sila..waaaaaaaaaaaaa...kumuha sila ng susi para ma open ang cr...sa madaling salita "SUCCESS" ang aking kapatid.waheheheh
Pagkatapos nun ay nagtawanan na lang kami magkapatid at walang humpay ang pasasalamt namin sa mga tao dun...( actually, puro sila lalaki..hehehe ) buti na lang bait sila, asikaso kami.sa totoo lang, di ko na inisip kung anuman inisip nila sa amin sa mga oras na yun, ang mhalaga sa akin ay ang tyan ng aking kapatid.hahahahha
Ibang klseng experience yung kanina, as in...nakasakay na kami sa jip pauwi pero natatawa parin ako sa aking isip na nakapasok ako sa Motel dahil sa kailngan mag-cr ang kapatid ko.heheehe...
Totoo nga ang sabi nila...ibang experience meron sa MOtel.hahahahahhahahahahahahhaaaa
Pagdating nmin sa bahay ay nagsimula na akong magkwento...tumawa at magkwento....tumawa ulit.Malamang ay bumalik ako/kami dun para magdala ng kung anuman token para sa mga tumulong sa amin ,di ko na kase naisip na magbigay ng kahit konting tip pang merienda man lang nila ....sa aking palagay kse maski sila ay nataranta sa amin...hehehe
Isang malaking experience ito para sa aming magkapatid.Tunay nga naman na maraming nangyayari sa Motel. hehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment