Friday, January 9, 2009

T.G.I.S.

Yehey! Sabado bukas, di ako kailangan gumising ng maaga.hehe.
Tiyak susulitin ko ang aking kama, dadamhin ko ang sarap ng balot ng aking kumot at lambot ng aking mga unan...at higit sa lahat, di ako maiistorbo ng alarm clock.hehe.

Sana laging Sabado....para mas mahaba ang oras na gising ako kesa sa tulog, pag biyernes kase ng gabi mas relax ako dahil kahit abutin ako ng sabado ng umaga na naka-net okay lang dahil nandito lang naman ako sa bahay at di kailngan maging aligaga sa pag-aayos at pag-iisip at pagPlantsa ng aking isusuot para sa araw na iyon.Happy lang talaga!

Katulad ng mga nabanggit ko dito sa blog, marami akong routine kapag sabado sa loob ng bahay,liban na lamang kung may magyaya para kumain, manuod ng sine o makipagkwentuhan na nasa ibang lugar.hehe. ( malamang ay sipagin agad ang aking katawan para magbihis. )

Ilang araw ko ng namiss itong pagsulat, sa totoo nga marami akong kwento na gustong ibahagi dito, kabilang na ang muli naming pagkikita-kita ng aking mga hiskul friends..( ang bilis ng panahon..sampung taon na pala ang nakalipas...hehe,pero parang tulad parin kami ng dati kahit pa sabihin na may kanya-kanya na kaming buhay. )..my kwento talaga ako tungkol dito kso ang problema tamad pa akong e-share.hehe, isa pa sa nakaline up ay ang mga movies na gusto kong panuorin ngayong Linggo ( tulad ng pelikula ni Brad Pitt,isang Indie Film at isa pang pelikula na comedy tungkol sa kasal )at sa susunod pang mga araw, ganun din sana ang mga pelikulang aking napanuod ngayong season kso tamad parin akong isalaysay at gawan ng review.
May ilang issue din ako re sa iskul na nais talakayin kso lang,humahanap lang ako ng magandang tiempo kse baka maging bias ako sa pagkakataong ito kaya para maging fair naman sa mga taong involve sa issue 101 na ito.Mananahimik muna ako.hehe,sa totoo nga nito kahit ngayon na sumusulat ako, tinatamad parin ako eh! hehe...di ko nga alam if conect pa ito sa title ko,pero GO! lang ang Girl,ang mahalaga di nasasayang ang Brodban.hehe

AH! basta kahit pa tamarin ako ng maraming beses sa pagkkwento ng aking ilang pakikipagsapalaran sa mga panahong ito, alam ko na kahit kailan ay HINDI naman ako magsasawang magpasalamat............lalo pa't kapag Araw ng SABADO. :)


yun lang muna.....

No comments: