Friday, February 27, 2009

TAKE 7.

Biyernes.

Take 1.....
730 am ang aking pasok...hindi man magandang sabihin pero hindi maganda ang araw ko sa lugar kung saan ako palagiang makikita,sa simpleng kadahilanan na may mga pampam na people...

3 sa kanila ang inaway ko..yep! bad me this day...

Nakakaasar kse eh! 1. dahil sa simpleng bagay lang pero dahil hindi mkatulog ng mahimbing ang kontrabida kaya ako bilang bida (hehe ) ay kailngan magtimpi ng husto pero kahit pa ganun ay di rin talaga napigilan ng aking isip na magsalita.

Impulsive pa naman ako pag galit...

Take 2....may pampam ulit..kso sa aking palagay hindi niya napangatawanan ang kanyang pagiging epalogs kaya...ending..dumanak ang dugo...nagdilim ang paligid,kahit pa kasisilay lang nga araw.

Take3....aka -D- this time ako na ang may sala...dahil nga sa mga naunang pangyayari kaya siguro medyo badtrip na talaga ako kaya kahit hindi dapat pang patulan....pinatulan ko! ...ako rin ang natalo dahil ako ang naunang nanghusga...

hindi na ako nagpaliwanag pa sa kanya....ni dinipensahan ang aking sarili...humingi na lang ako ng sorry.

Take 4....dahil nga sa mga sunud-sunod na pangyayaring ito, naisip kong mag-undertime..pero sayang...tinatamad akong magklase pero ang mganda ay umakyat parin ako sa room at nagpapapsalamat ako kse hindi naimpluwensyahan ng kahit anong negative vibes ang magandang discussion sa grupo ng polsci.Salamat na lang kse kahit ano pa ang bigat ng problema dala ng pagkainis sa paligid, di ito dapat maging hadlang sa pagtuturo sa mga bata.Kasi wala silang kasalanan para gamitin sila upang maging mgaan lang ang aking loob.

Take 5....my pizza sa loob ng opisina ni mabuting makapangyarihan,isa lang ang kinain ko.

Take 6...niyaya ako ng isa sa pinakamalapit kong kaibgan, nagpunta sa condo na rent nila mag-asawa, kumain at nakipagkulitan....at sa

Take 7....sulit!...tama ang desisyon kong sumama...bakit?? kse maganda pala ang movie na TAKEN...sobrang hanga ako sa movie na ito...sa totooo lang naiyak din ako sa ilang bahagai ng movie na ito...


kahit pang maraming hindi magandang take ang nangyari sa simula ng aking araw, lubos ang aking pasasalamat dahil sa huli..naging makabuluhan ang lahat.

Saturday, February 14, 2009

sa Araw ng mga Puso....

Sabado.
Araw ng mga Puso.

Umaga pa lang ay marami na akong nareceive na msgs. na geetings ng " Hearts Day".
Okay lang naman sa akin yun eh! hehe pero sa totoo lang simula ng magkaron ako ng celphone,tanging ang V-day lang ang di big deal sa akin...i mean, di ako nagfoforward ng greetings na happy V-day.hehehe.Di naman dahil sa bitter ako or what, pero natandaan ko kse ang sabi ng Tatay ko na araw-araw ay Valentines Day,mas mahalaga na iparamdam sa mga tao na LOVE mo sila,at di lang dahil may ganitong okasyon.

Totoong Happy ang feeling kapag nakatanggap ka ng flowers,chocolates, or card.Kilig sobra!
(pero may mas deep pa dito..hehe ).kapag sinamahan na ng value meal..hehehe.joke ito.

Sa araw ng mga puso...nasa bahay lang ako, pagkatapos maglinis ng bahay ay naligo at nanuod ng tv,kumain ng lunch at bumalik sa sofa para maupo at ipagpatuloy ang panunuod ng tv...hanggang sa naisipan kong patayin na ito at mag-nap...4pm na ng magising ako para panuorin ang fav. show ko kapag ganung oras, matapos iyon ay nagsimula na akong magcheck ng komposisyon ng aking mga studyante.....



Hanggang sa natapos ko ito at narealize ko na masarap pala gumawa kapag araw ng mga puso..hehehe..nakktapos ako ng mga paperworks..hihi..dahil sa ganito ang kinalabasan...dapat my gift ako sa aking sarili kaya di ko na pinatagal pa, nilasap ko ang sarap ng binili kong yogurt-icecream na strawberry...ummmm..yummy! talaga! hehehe


::::::::::::::::)))))))))))))))))))))))))))))

Sa araw ng mga puso.....nanuod ako ng isang movie..title ay "Fireproof"...

Nice ang pelikula, touching ba?! ..Very inspiring...

mas lalo akong na-encourage na maging faithful first kay Lord while am still waiting for the right time to come na magkaron ako ng husband..( heheh..di na boyfriend...) well, defintely am not in a hurry..masarap lang sa pakiramdam na soon if the Lords will na maging mabuti rin akong maybahay sa aking magiging asawa.

::::::::::::::)))))))))))))))))))))))))))))

Valentines Day....isa yan sa mga araw na pinakahihintay ng mga Lovers...tradisyon na ang pagccelebrate nito pero we should be reminded na yung Greatest LOVE ay naexperience na natin at yun ay dahil sa cross of calvary...The LORD LOVES us so much that he has given hes only son.

dapat lagi tayong grateful sa bagay na iyon..nagmamahal tayo ngayon kse una tayong minahal ng ating Panginoon.

" Love is patient,Love is kind.It does not envy,it does not boast,it is not proud.It does not dishonor others,it is not self-seeking,it is not easily angered,it keeps no record of wrongs.Love does not delight in evil but rejoices with the truth.It always protects,always trusts,always hopes,always perseveres.LOVE NEVER FAILS."

Tuesday, February 10, 2009

past days...

Nitong mga nakaraang araw....

xempre happy at grateful dahil sa mabait sa akin si Lord..hehe kahit pa minsan tintin is bad.hihi

Nitong mga nakaraang araw....Kilig si tintin..hahahahha..ummm bakit kaya?! Funny kase dahil my nareceive akong gift..na sobrang unexpected ko naman talaga..actually when someone called me para inform na my something for me..naisip ko agad na baka nike apparel yun or mug ng starbucks ( kse nga yun lang lam nya na mga favs ko ) but am really surprised when i open the gift...weeee...a gold chain (bracelet-at may "K" pa talaga..woooooo...sobrang gulat as in talaga ako...am not expecting kse!...honestly sinuot ko dat particular time after nabuksan ko, just to show Tita...( ang mami ng friend ko na nagbigay ) na i really appreciate...but unfortunately nakatago na sa box ko ngayon...hehehehe..sa simpleng dahilan na am not comfortable wearing gold jewelries.hehe..ill go for white gold eh..hehe for me mas simple mas nice.hehe..
Hindi sa pagiging demanding...pero yun lang talaga reason ko...well i texted nman my friend to say na receive ko na yung gift nya.
Naiisip ko bakit nya ako binigyan ng ganun?! xempre ayokong magIsip ng kahit ano pa.. kinilig lang ako siguro kse yung Mom pa nya personal na nag-abot sken..pero balik na naman sa homebase si tintin...-ang pagiging isang teacher na single..hehe..my fear ako...ewan..di ko rin maintindihan..kse yun pinsan nya ask me if what if ligawan ako nun..ummm di ko rin alam...hehehe...happy na muna ako sa ganito..soon na lang.hehehe..i mean friends na lang muna...

Nitong mga nakaraang araw...
kumain us sa AMICI sa may atrium ng mega...ummm sarap..mas mura kesa sa ibang pasta haus...hehe di ko lang natandaan ang mga kinain ko...hirap pronounce eh..hehehe

Nitong mga nakaraang araw...
nag-gigym ako..kasama ang ilang mga kaGuro...kanina nga lang kahit ala akong damit pampalit, napilitan parin mag-Gym dahil kasama ang ilang mga makapangyarihan na malapit sa akin.hehehe..wala akong nagawa kundi sumama kahit pa nakatsinelas lang ako( hiram lang din yun, kse usualy nakarubber shoes me kso nga ala me dala kaya nagtyaga ako sa tsinelas...at tshirt mula sa baul ni Dean.hehe )

Nitong mga nakaraang araw...
nagbalik kami sa TOSH..masarap ang SunDriedpesto w/Grilled Chicken..yummy! nagorder din me ng bluberry at apple cinamon cheesecake...tas naisip ko sayang yung pag-gym kaya malamang bukas isang oras ako dun para mag-burn ulit ng calories..hehehe
Salamat kay Jana Bebe..ang magandang gf ni Bokito...dahil libre nya kme ni Dean..at kahit gabi na ay rumarampa parin kmeng tatlo sa R.P. hehehe..bukas naman daw sa R.G. saya talaga!

Nitong mga nakaraang araw....
naayos ko nman ang aking oras..i mean, mas lalo kong nakikilala sarili ko dahil (* sa oras ), kapag ginusto ko ..naggawa ko talaga at kapag ayaw ko naman ay wala talaga me nasisimulan. eg sa pagchechek ng papel..pag-aayos ng documents etc.

Nitong mga nakaraang araw...
muli akong nagbalik sa GSIS, at kahit pa muntikang mabinbin na naman ang aking mga papel para sa ecard eh..salamat kay Lord dahil after 2wks. ay makukuha ko na ito.

Nitong mga nakaraang araw....
marami ako naramdaman na emotions..asar, inis,tuwa,lungkot,at saya..pero tunay na di ito magkakaroon ng kabuluhan kung di ko hinayaan na makita ang positive side ng mga pangyayari...yun naman ang mahalaga talaga eh..ang matuto at gumawa ng tama at higit sa lahat ay magpasalamat na may panibagong araw na naman na naghihintay para sa akin...sa atin...para next time ay may ma-e-kwento na nman ako sa inyo re sa mga nakaraang araw ko.hihi


Funny ang araw na ito, xempre late na nman ako.Bukod dun ay nakatapos ako ng aking exam para bukas.Plano ko talagang gumawa ng exam ngayong araw kaya kahit tamad pa akong dalhin ang aking laptop ay napilitan narin ako.hehe

Ilang oras din akong nagtagal sa paggawa ng midterm test...as in pinag-isipan ko ng kahit konti ang ggwin ko para naman d masayang ang binayad nila sa exam.

Saturday, February 7, 2009

SABADO ulit.

Salamat kay LORD para sa Sabadong ito. :)

Maaga akong nagising, hindi ko rin alam bakit?! madalas kasi ay alas dyis o alas onse ako nagigising kapag sabado pero ngayon ay iba.
Katulad ng nakagawian kapag sabado....kahit pa maaga ako nagising,business as usual parin.
(Linis bahay.)

Wala pa ang Mama ko, nagugutom na ako.Salamat na lang sa wheat bread na pasalubong kagabi ng ate ko kaya tingin ko ay buhay parin ako until ngayong mga oras na ito.hehe

Marami akong balak gawin ngayong araw, eg. magrecord,magbasa,maghugas ng pinggan at maligo ng matagal..gusto ko lang para maiba naman kse madalas 20 mins lang kung maligo ako.

Naalala ko kaya siguro ako maagang nagising kse excited akong magpunta sa bday ng isang kaibgan.hahahaha pero need ko pigilan sarili sa pagkain..ummm gagawin kong buffet style...hehe

Marami pa akong gustong sabihin kso inaatake na naman ako ng sakit kong pagkatamad..ummm kaya tatapusin ko na ito..basta ang mahalaga para sa akin sa araw na ito ay nagising parin ako at binigyan ng pagkakataong magsulat kahit pa nonsense.hehe

Sunday, February 1, 2009

sa MOTEL.

Madalas ay nadadaanan ko ang mga Motel.Marami rin akong naririnig hinggil dito..hehe,my stigma talaga sa mga tao kapag namention ito...pero ako naman dati pa naniniwala na pwede ka magmotel ng walang malice...kse ilan sa mga kaibgan ko, kesa mag hotel sila(* at mahal ang bayad ) nagMomotel after work lalo pa't naabutan na sila ng pagod at antok kaya dito sila dumederetso...Kaya natanim sa isip ko na di pala lahat ng nagpupunta dun ay para sa sex lang.hehe

Every sunday, nadadaan din ako sa mga Motel kse Sta.Mesa ang way ko going church, magkakatabi kaya ang mga motel dun.hehe, maski sa Centerpoint, i mean sa tabi nun nagtayo pa sila..haay hindi ako pabor dun..madalas ako sa SM Centerpoint pag linggo at hindi ako panatag na nagtayo sila dun kse naiisip ko na mas malapit sa mga tao ang tukso..hehe naisip ko yan, xempre pag galing mall. sakit mga paa nila kakalakad tas tabi lang naman ito kaya baka mapa kung ano pa sila... ..hehe ( bad isip ko...)( tama ba nman na e judge ko sila...e baka nga naman mag footrest lang sila dun.hehhe) pero ganun paman ayoko lang talaga nun ginawa nila na itabi pa nila ito sa mall.

Sabi ko sa sarili ko, hindi ako papasok ng Motel..kahit pa pilitin ako...( naisip ko naman, sino naman mamimilit sa akin..hehe..wala lang baka lang meron.hehehe) pero sa di inaasahang pagkakataon hindi ko natupad ang aking nasabi.uo..nagMOTEL ako.

...

Naglunch kme ng kapatid ko sa Tokyo2 sa centerpoint kanina after church, tas naglakad lakad hanggang sa my nakita naman kme na gusto namin at bumili kame..bukod dun, bumili ako ng shake sa BigChill, tas nagpalibre ako ng Sweetcorn sa Kingcorn at bumili ulit ng Fries sa Potato Corner.Pagkatapos nun ay lumabas na kami para maglakad pa-V.Mapa, sabi ng kapatid ko medyo sakit tiyan nya..hehe naubos nya kse un big red ice tea eh tas kung anu pa kinain..sabi ko naman magpray at madali na lang, makakauwi narin kmi.Sumakay kami ng Jip pa-Pasig, wala pang 5 mins. sabi nya di na talaga nya kaya...( lalabas na raw..hehe ) ,bakas sa kanyang mukha na nagsasabi sya ng totoo..hehe, naisip ko agad ang isang kaibgan na nakatira malapit sa PUP,kaya pagliko palang bumaba na kme para lakarin punta dun para maki-cr,pero di na talaga kaya ng kapatid ko...as in grabe ang mga sandali na yaon, hindi ko rin alam kung paano ako hahakbang upang mapabilis lang kami sa pagpunta sa kanila.Naisip kong lumipad pero naiwan ko nman ang bato sa aking tukador.hehehhe. NakakatAwa man pero talagang maski ako...pawisan narin sa kaba na baka any moment magkalat siya..hahahhaha, di ko na alintana pa ang isip ng mga tao, nun nakakita kme ng motel...pumasok kme dun tama naman na nandun ang guard at mga room boy ata..naku po..nakiusap ako..sobrang pakiusap para lang payagan kme mag cr...hehehe, nag explain pa ako ng konti hanggang sa pumayag sila..waaaaaaaaaaaaa...kumuha sila ng susi para ma open ang cr...sa madaling salita "SUCCESS" ang aking kapatid.waheheheh
Pagkatapos nun ay nagtawanan na lang kami magkapatid at walang humpay ang pasasalamt namin sa mga tao dun...( actually, puro sila lalaki..hehehe ) buti na lang bait sila, asikaso kami.sa totoo lang, di ko na inisip kung anuman inisip nila sa amin sa mga oras na yun, ang mhalaga sa akin ay ang tyan ng aking kapatid.hahahahha

Ibang klseng experience yung kanina, as in...nakasakay na kami sa jip pauwi pero natatawa parin ako sa aking isip na nakapasok ako sa Motel dahil sa kailngan mag-cr ang kapatid ko.heheehe...

Totoo nga ang sabi nila...ibang experience meron sa MOtel.hahahahahhahahahahahahhaaaa

Pagdating nmin sa bahay ay nagsimula na akong magkwento...tumawa at magkwento....tumawa ulit.Malamang ay bumalik ako/kami dun para magdala ng kung anuman token para sa mga tumulong sa amin ,di ko na kase naisip na magbigay ng kahit konting tip pang merienda man lang nila ....sa aking palagay kse maski sila ay nataranta sa amin...hehehe

Isang malaking experience ito para sa aming magkapatid.Tunay nga naman na maraming nangyayari sa Motel. hehe