Tuesday, July 14, 2009

Bighug :)

Tuwing nakakahanap ako ng pagkakataon na maka-nap sa aking table, ginagawa ko at totoong masarap ang tulog ko kung may kayakap akong Unan.hehe BigHug ba?!

Oo. BigHug talaga!!!!

......................................................................................................................................................

"Every good and perfect gift comes from the Lord." Lagi kong naiisip ito.

Kahit pa sabihin ng marami na pataba ako ng pataba,Blessing kong maituturing na maraming tao ang nagsshare ng kanilang Blessing sa akin tru Foods.hehe.( for the last two weeks,wala ata akong ginawa kundi kumain sa mga fav's resto ko, eg shakeys,max's,cibo, including sa mga cafe house.) Bighug para sa inyo.

Blessing din para sa akin ang malaman na maraming taong nagtitiwala sa kakayahan ko sa iskul.Nararamdaman kong LOVE nila ako kaya Love ko din sila. ( Para sa Dean Dream Team.hehe...BigHug sa inyong lahat.)

Natutuwa din ako kse totoo palang may stock knowledge tayo.( bilang mga tao..hehe), wala lang feeling ko na-eenjoy ko talaga yun at pakiramdam ko nagagamit ko ngayon...( bagama't alam kong mahalaga parin na pag-aralan ang aking lesson )by God's grace and wisdom..that's why apart from him i can do nothing..BigHug lang talaga para sa mas maraming oras na pag-aaral at pananaliksik.

Bighug para sa mga kaibgang kong nagBday at mag-Bbday ngayong buwan ng Hulyo :) Siyempre dahil sa naalala nila ako, hindi dahil sa Libre, pero masaya sa puso ko na alalahanin nila ako sa kanilang BigDay,that's why cheers tayo dyan at e-BigHug ko kayo.

Bighug para sa mga kaibgan na malayo na sa aking piling at kahit di pa kami madalas magkita, alam kong hindi nila ako winawaglit sa kanilang mga puso. Para kay Hon, Isabel,Richel, at Mike.Mahal ko kayo, kahit man lang dito sa aking Blog mabanggit ko ang inyong pangalan.

Bighug para sa Tatay ko dahil walang humpay ang kanyang pagtetex sa akin kahit pa 2.50 per send.hehe, Maubos man ang aking load ang mahalaga, alam kong miss talaga nya ako.

Bighug para sa aking propesyon,hindi ko mawari bakit ko ito nasabi pero siguro sa simpleng dahilan na mas nararamdaman ko ang aking pagiging Guro sa mga panahong ito.Hindi ako mavisual aide ni pormal o malaprincipal kung mag-anyo pero naiintindihan ko ang salitang Guro at ito ang mahalaga higit sa lahat.

Bighug para sa aking FB account.enjoy lang ako dun.


Bighug para sa aking Mama...masarap lagi ang aking almusal,baon,dinner..at miryenda (kung minsan)hehe.Hindi biro maging isang Magulang (lalo na sa anak na tulad ko.hehe) at nakikita ko yun sa kanya.Hindi ko man magawang maghugas ng plato minsan ni mag-map ng madalas sa bahay pero ni isang segundo ata di nagkulang sa akin ang aking Mama para busugin ako ( literal ) at sa pagmamahal.

Bighug para sa PH care (aka Pinca's Helper w/ Care ) ang grupo ng mga mag-aaral na nagtiwala sa akin.It's been one year since naging studnyte ko sila,hindi ko inisip na magkakaroon ng ganitong grupo...( malay ko ba na may mauuto ako..hehe).Nagsimula lang sa simpleng pagtulong ng maging abala ako para sa timpalak ng talumpatian,hanggang sa maging Follower ko na sila.hehe.Noong second sem last yr. nag-request pa sila na ako ulit maging prof. nila.Kinuha nila akong speaker sa kanilang mga outreach program.Hindi sila nakalimot hanggang sa mga sandaling ito dahil muli ay pinagkatiwalaan nila ako sa panibagong program nila. ( PreMarital Sex naman ngayon ang Topic..) Kung iisipin ko,dagdag trabaho pa ito sa akin dahilan sa di ko na sila mga estudyante pero ang isiping naisip nila ako na kunin muli bilang kanilang speaker...Malaking bagay ito para sa akin.


PH CARE.....BIGHUG para sa inyo.


Marami pa sana akong i-ha-hug pero kulang narin ang aking oras.hehe kailngan ko pang mag-aral para sa klase ko bukas....


pero pahabol....sa lahat ng ito......................................................................................................




BIGHUG para sa BIG BOSS nating lahat.


Para sa Hari ng mga Hari. Hindi ko mararanasan ang malaking pagyakap na ito kundi dahil sa


mahigpit na pagyakap niya sa akin bilang kanyang anak.












Bighug para Kay Lord.


To GOD be the Glory and Praises! :)

Sunday, July 12, 2009

sa halagang 15 pesos.

15 pesos.

sa maniwala kayo't hindi. ito ang presyo ng sine ngayon sa mga sm cinema.hehe.

yun nga lang, old films na palabas pero sikat parin sa aking pananaw,sa isang tiyak na cinema lang ito pinapalabas heheone time viewing lang ( mautak parin sila kahit mababa ang presyo.hehe )sa aking obserbasyon...maraming natutuwa na pinoy,siyempre kasama na ako dun.hehe last sunday ang ist time ko tas kanina ulit.hehe...masaya kse 15 pesos lang..ang nakakatawa pa dun.mas mahal pa ang pagkain kong baon.hehe

Sad lang kse hanggang July 16 na lang itong promo na ito.huhu..











sana lang mabasa't marinig ito ng pamunuan ng sm...para hanggang july 16,2020 pa ma-extend.hahahahaha.pls.pls.pls.talaga. ammmmm beggggiiiinnnnggggg....waaaaa.


kung sinoman din sa miyembro ng sm group ang nakaisip nitong ideya na ito ay sana maisip ulit nya ng maraming-maraming beses na patok na patok ito para sa aming mahilig sa big screen.haha.





yun nga lang sana manatili paring 15 pesos at









sana may aircon parin.hehe









Tunay na mahalaga ang 15 pesos para sa akin.



nasa sm ka na,















may sine ka pa?













san ka pa?







here@ sm ka na.

hehe :)

Wednesday, July 1, 2009

Ang gaan-gaan ng Feeling :)

" Ang gaan-gaan ng feeling"...naging sikat na linya ito sa isang commercial ng shampoo ata kung di ako nagkakamali.....................................................................................................................................................

at ngayon, Thursday, July 2, 2009......




ako naman ang magsasabi nito.hehe

yes! talagang Magaan ang feeling dahil una,

di ko kailangan gumising ng maaga para maligo.hehe

pangalawa...nakapaglinis ulit ako ng bahay, yung favorite ko na mag-MAP, e nagawa ko ulit! wheee...gaang talaga ng Feeling.

pangatlo, nakapag net ulit akng matagal, kaya nga nakapag post ulit me dito sa blog eh.

pang-apat, nakapag-FB ako.hehehe..Masaya talaga :)


Sa isip ko nga sana tuwing Monday and Thursday, wala na lang pasok.hehehe.Sobra gaan sa feeling ang nasa bahay ka lang, namimiss ko ng manuod ng tv maghapon, ang humiga sa sahig pag tanghali at maligo ng hapon kse lagi na lang ako sa umaga naliligo.hehehe (tantrums??).




Palagay ko nga magiging masarap ang kain ko ngayon eh! dahil di ko kailngan magmadali para sa next class ko.Salamat kay Lord para sa araw na ito.



Tunay nga na ang gaan-gaan ng feeling :)