Nandito ulit ako.
Kaharap ang aking kompyuter para muling magsulat at sabihin lahat - lahat-
lahat ng aking narinig, nakita, naranasan kanina, sa mga nakalipas na araw at sa mga susunod pang pagkakataon.
Simulan natin sa narinig ko kanina sa loob ng jip.Hindi ko mawari pero napaisip ako bakit kaya ganun...,,, "Sabi nun Miss sa driver, Manong, magkano ang Lourdes? ( as in sa Lourdes Hospital..) Hindi ko narinig kung ano ang sinabi ni Manong Driver pero sa isip ko...mukhang hindi kaya ata nun girl na bayaran o bilhin ang Lourdes Hospital..hehe,
haays...maski ako nagulo sa statement nya..pwede naman kse itanong na Manong, magkano po ang pamasahe hanggang sa Lourdes, ewan ko ba bakit kailngan kse e-short cut eh?! haays..kaya nagkakaroon ng misunderstanding eh...
sa Nakita ko naman...ummm, napansin ko pare-pareho ng porma mga teens ngayon..hehe, nagkakaiba lang sa mukha pero magkakahawig sa get-up..haha (kanina kse nasa isang university ako at dahil wala pa naman ang aking hinihintay. minabuti kong libangin ang aking sarili sa pamamagitan ng pagmamasid..at hindi naman nasayang ang aking oras, kaya nga napansin ko ito! hehe..ang bata sa ngayon iniisip lagi kung ano ang magandang porma..may ilan na bagay sa kanila...pero karamihan ay parang trying hard lamang bagama't hindi ko sila masisi dahil ito ang trend sa ngayon pero sana maisip lang din nila na mas magiging lapitin at mas mapapansin sila kung ang nakikita sa kanila ay ang kanilang mga values. (sounds legalistic pero ito lang naman ang aking opinyon..)( mahirap ito sa panahon ngayon pero naniniwala ako na mas effective ito kesa sa ang bigyan ng pansin ay pumorma lamang).
ummm...batay naman sa aking naranasan...ah ano ba ang aking masasabi?!
Kanina naranasan ko maghintay at makipag-usap sa isang Propesor para magtanong tungkol sa sitwasyon ng aking kapatid...mahirap kse ako bilang ate, kailngan ko ipagtanggol ang interes ng aking kapatid pero mas mahirap kse Titser din ako, alam ko rin ang sitwasyon ng aking kausap.
Marami nga ako gustong sabihin eh kso wala din naman ako magagawa kung siya na ang nagdesisyon.Alam kong mas alam niya ang kanyang ginawa.Kaya minabuti ko nang tumahimik!
Ito ang namimiss ko bakit ako ay nagbalik..ang magsulat, para magsulat at magsulat muli at ibahagi ang anuman na galing sa aking makulit na isip.
Maaaring ito ay narinig ko lamang,
nakita't naranasan...
......pero lahat ng ito ay di lamang sa layunin para magsulat ngunit dahil
gusto kong bumalik.........................
para
.......................magsulat.hehe :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment