Tuesday, May 18, 2010

Expectation(s)

Lahat ata ng tao ay nag-eexpect, may mga expectations.Ako mismo, ay may ganoon ding pakiramdam- ang mag Expect at expect.Pero kung tutuusin, mahirap ito sapagkat walang kasiguraduhan ang magiging sagot sa iyo dahil nga ikaw ay sadyang nag-eexpect lamang.

Nitong mga nakalipas na araw ay nasubukan kong mag-expect at maging sa akin-may nag-eexpect din pala.tsk.totoong mahirap.walang kawala.

Simulan natin sa istorya na sa akin SILA ngayon nag-eexpect / mag-expect.

Hindi ito biro, dahil ako mismo ay nahirapan,dinaig pa ata nito ang init ng labanang Binay-Roxas.OO,ganun nga katindi.
Mahirap ang sitwasyon ko kasi nga ang laki ng expectation NILA sa akin.tsk.tsk.
Hindi ko rin alam bakit nagawa nilang mag-expect.

Kaya nga sa mga panahong ito,

nasa alapaap ako,

yun nga lang


nakabaliktad!


at kahit pa ganito na ang aking sitwasyon, sadyang maraming mga makapangyarihan na tao sa aking paligid ang patuloy na

Nag-eexpect.

at walang katapusang

Expectation.

Sana nga Expectation na lang ang pangalan ko.

waaaaaaaaaaaaaaaaaa :D

Isa pang istorya.
Ako naman ngayon ang kontrabida kasi ako ang nag-eexpect.

1. am expecting na magparamdam na sa aking ang isang malapit na kaibigan,pero bigo ako dahil hanggang ngayon wala parin siyang say. Ilang linggo narin ang expectation na ito at hindi narin nakakatulong para sa akin. Ang isipin na minsan na nga lang siya madalaw dito sa pinas, tapos kakalimutan pa niya ako. tsk.tsk.

Binulong ng isa pang kaibigan na baka e-surprise na lang ako.Hindi naman ako para sa magarbong selebrasyon eh, ang aking lang sandaling oras para sa makabuluhang pag-uusap.


... that's why am expecting.

2. am expecting na maging maayos ang load ko this first semester, yung tipong walang sabado class at walang 7:30 am na pasok...pls.pls.sa totoo lang ito naman lagi kong expect eh kso di nangyayari..huhuhu. Sana sa pagkakataong ito marinig ng mga makapangyarihan para solb na ang aking expectation at kung hindi ulit mangyayari, malamang may part 2 na ang aking expectations.

3. am expecting na magiging matipid na ako.Hindi padadala sa bugso ng damdamin sa pagbili.

4. am expecting na mababasa ko lahat ng bagong libro na mayroon ako para naman maging makabuluhan ang pagbili ko sa kanila.

5. am expecting na sana yun mga tao sa sinehan eh magkaroon ng sensitivity-yun tipong di magpapatong ng kanilang mga paa sa upuan para di naman mayugyog yun nasa unahan, minsan ko ng naranasan ito at nakakainis talaga.Ayaw mo ng gulo,pero gulo ang lalapit sa iyo.Dapat maisip nila na di lang sila ang nagbayad para mag-enjoy.
Na kaya mayroong upuan sa unahan nila ay dahil may mga posibleng umupo doon para manuod katulad nila, at hindi maging kasangkapan ng kanilang pansariling pagsasaya.

Am also expecting na magsasabi ng "excuse me" ang mga taong dapat magsabi nito.Marami kasi sa madalas ko makasalamuha ay di maalam sa mga pahayag na ito lalo pa't kailangan nilang sambitin.
Yun tipong,dadaan ka at dahil medyo masikip ay mag-eexcuse ka para kahit paano ay mag give way sila sa' iyo.Sa aking palagay minsan kailangan itong gawin para ipakita na nanatili parin sa ating ang pagiging magalang.

Am also expecting na ang mga tao ay marunong magsabi ng salitang "Salamat", maliit o malaking bagay man yan.Sa panahon ngayon, hindi ito dapat tinitipid.Kaya nga siguro madali akong maasar kapag nakatanggap ako ng mensahe sa tex na "T.Y."- tsk.tsk. simpleng salita pero malaking bagay sa makakatanggap.

Dahil sa maraming expectations na ito kaya ako ganito-Paranoya na ito!!!

Malamang ako na ang Mali, malay ba nila na dapat gawin o sabihin yun.tsk!

Mahirap ang mag-expect.Inuubos nito ang ating isip maging ang lakas pero wala tayong magagawa dahil minsan ito na ang kalakaran.


Gusto kong i-dahilan na tao lang naman kasi ako eh, may mga expectations-ngunit batid ko na lahat tayo ay may kanya-kanyang pili ng ugali. Kung mag expect ka man ngayon-OO-pwede- pero hindi dapat patagalin.Kung dapat ng itigil.Tigil.as in STOP!

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may sagot sa ating expectations kaya nga mahirap ang mag-expect kasi higit kanino man ang nag-eexpect ang siyang masasaktan.



__________________________________________________________________________________

Sa buhay na ito, may isang expectation ang sa aking palagay ay hindi lamang magiging expectation sa halip ay magiging makatotohanan, iyon ay kung titingin tayo sa ating Panginoon.

Nang sabihin niya sa kanyang salita na Hindi nya tayo kailanman pababayaan ni ipagkakanulo- wala nang expectation na magaganap, sa halip dadamhin na lang natin ang bunga nito.

Batid ko na may nais ituro sa akin si God, gusto nya lang malaman ko na hindi ako dapat na mag-expect ng mag-expect sa mga tao,dahil katulad ng isang pangako,maaring hindi ito matupad.

at

nais nya rin na paalalahanan ako

na


Kung dumating man ulit ang oras na sumagi sa aking isip ang mga Expectations na ito,



wala nang lugar ito sa akin maging ang hayaang patuluyin pa ito



sa halip ay isa na lamang ito sa maraming salita na madalas kong marinig na HINDI




dapat pagtuunan ng pansin.

2 comments:

Anonymous said...

minsan kc masarap magexpect. . .minsan mahirap....para saken kc expectation can be bad pag na-addict k n sa pageexpect. . . pero worst if it didn't met. . .tama k mam tin. . .marami n din nasisira at nasasaktan dahil jan sa expectation n yan. . .hehe!ako nga nasa rehabilitation ako ngaun para mawala n ung addiction ko sa salitang "expect". . .hehehe

TINSKI said...

thanks jhana sa pagbisita sa aking blog.

natural sa atin ang mag-expect pero yun bad side nito ay tayo talaga ang higit na apektado.Kaya kung magagawang hindi humantong sa too much expectation eh mas mainam.

Kay Lord ka na lang mag expect sa mga pagkakataong ito, kasi hindi ka mabibigo.