Friday, May 14, 2010

"Friendship is for life." (ikatlong kwento)

"Friendship is for life."

Iba naman ang kwento ko ngayon bagama't ang paksa ay tungkol parin sa pagkakaibigan.Masasabi kong iba sa nauna,dahil siguro bago palang ang aming Friendship pero sa totoo lang pakiramdam ko matagal ko na siyang kaibigan.

Itago natin siya sa pangalang " Lover Boy" hahaha..nakupo! mababasa kaya nya ito..tingin ko naman,hindi pa sa ngayon pero kung sakali man-may proteksyon ka parin sa karamihan dahil malamang di ka nila makikilala agad kasi mas pinili ko itong alyas mo kesa sa isa.(lusot parin ako.)

am Happy na naging Kaibigan ko siya.hahaha...sa simpleng dahilan na gusto ko siyang maging kaibigan kahit pa noong una ay wala akong interes sa kanya.hehe pero totoo nga na lahat nga ng nangyayari sa ating buhay ay may dahilan.

"Friendship is for life."

at gusto kong paniwalaan na ang aming pagkakaibgan ay magtatagal habang buhay.

Kaiba sa marami ang naging dahilan bakit sa aking palagay ay kaibigan ko ang taong ito...

Pinili kong makinig sa kanya kasi alam ko na higit na epektibo ang pakikipagKomunikasyon kung may ganitong proseso.

Pinili kong iparamdam sa kanya na kaisa ako sa anumang sitwasyon na meron siya dahil alam kong suporta lamang at di pagtuligsa ang kanyan kailangan.

at

Pinipili kong maging Kaibigan sa kanyang hanggang sa mga sandaling ito dahil isang paraan ito para ipakita sa kanya na may mga taong handang tumanggap at tatanggap pa sa kanya sa kabila ng kanyang kahinaan bilang isang tao,at dahil sa may kahinaan rin ako kaya mas nauunawaan ko siya.

Noong una, masasabi ko na ang alam ko lang ay kulitin siya dahil ito naman talaga ang naturalesa ko bilang kaibigan ngunit sadya nga namang mabuti ang ating Panginoon kasi hindi nya hinayaang maging ganoon lamang ang ituring ko sa kanya sa halip ay makita ang mas malalim na dahilan bakit sa dinami-dami ng mga tao sa mundong ginagalawan namin ay ako pa ang pinili para maging malapit sa kanya.
Hindi ko masasabing madali kong natanggap ang lahat, akala ko rin tanggap ko na ang lahat sa kanya pero dumarating sa punto na hindi parin pala hanggang sa marinig ko mula sa isang kaibigan din na ang tunay na pakikipagkaibigan ay hindi lamang dahil napapangiti ka dahil sa mga kwento nya higit ay ang matutunang tanggapin o maka-relate sa anumang emosyon na kaakibat ng kanyang magiging kwento.( hindi ito yun tipo na kung galit siya ay galit ka narin, o dahil feeling inlove siya ay ikaw feeling inlove narin- maaring sa kabilang banda,may punto ito pero higit yung pag-suporta sa emosyon na meron siya sa partikular na araw na iyon) sa madaling salita hindi ka nadadala ng kanyang emosyon upang maka-response lamang sa emosyon na meron siya kundi ikaw ay ang kanyang katulong upang aluin ang kanyang nararamdaman.)

Mula sa mga pahayag na yun ay unti-unti kong hinimay ang sitwasyon na meron ako sa kanya...inisip kong mabuti kung hanggang sa anong aspeto ba ako makikinig sa aking kaibigan at iintindihin ang kanyang nararamdaman.Natanong ko rin sa aking sarili kung sapat ba na ako ang naging kaibigan nya.

Sa madaling salita, marami akong naging tanong pero simpleng sagot lang ang lumalabas sa aking bibig, isip at puso- OO, gusto ko siyang maging Kaibigan ngayon at sa mga susunod pang bukas. naks! pero ito ang totoo! Hindi ko alam kung matutupad ko ito, pero isa lang ang maari kong panghawakan, na hindi ako ang bibitiw sa pakikipagkaibigan sa kanya.

Minsan sa aming pag-uusap ay nasabi niyang nagtataka nga siya bakit ako nakakatyaga sa kanya..actually napa-isip ulit ako noon eh!oo nga naman bakit ba napag-ttyagaan ko siya pero simple lang ulit ang naging sagot sa tanong na iyon, dahil ako rin mismo ay napagttyagaan ng aking mga kaibigan at sino ako para tumanggi.

Dati kapag nagbibigay ako ng advice pakiramdam ko pawang opinionated lamang,siguro nga dahil saloobin ko lang naman talaga ang hinihingi eh pero dahil sa kanya nagawa kong magbigay pa ng advice ng may pinaghuhugutan na mas makatotohanang pahayag-yun ay dahil sa salita ng Diyos.Hindi ko sinasabing "Holy" na ako..ngek! sobra layo pa..pero i know sa puso ko na may kapangyarihan ang salita ni Lord kesa sa maaari kong sabihin.

Isa pang bagay na natutunan ko ay maging mas faithful sa aking mga panalangin. I mean lahat tayo pwedeng manalangin ngunit ang tamang puso na kung kalooban nya ay siyang mananaig hindi ang sa atin lamang na interes.
Sa bagay na ito, lubos kong pinagkakatiwala kay Lord ang sitwasyon ng aking kaibigan, kung sa kanya at sa akin man ay maaring malabo, pero tiyak kong mas malinaw pa sa sikat ng araw ang kanyang kaparaanan.

Maaring maraming tanong si Lover Boy sa kanyang isip ngayon patungkol sa kanyang pakikipagsapalaran pero hindi ako titigil sa pagpapaalala sa kanya bilang kaibigan na tapat ang ating Panginoon,kung magkataon man na tumahimik ako hindi nangangahulugan na nagpasakop ako sa kanyang paniniwala pero para iparamdam na nirerespeto ko ang kanyang pinili.

Gusto kong maging kaibigan si Lover Boy sa habang buhay kasi gusto ko siyang kaibigan, di dahil sa sikat sya at maraming nahuhumaling sa kanya na kababaihan kundi dahil binigyan nya ako ng pagkakataon na makita ang kabilang side ng buhay na sa kabila ng pagod at pakikibaka at sakit na kanyang nararamdaman ay pinipili parin niyang mabuhay.Na sa kabila ng marami niyang sinasabi at hinaing, alam kong alam nya ang kasagutan sa lahat nang ito.Hindi ko alam if a-agree siya sa mga nasabi ko,pero good heart siya na tao at pasasaan ba't matatapos din ang ito, by God's mercy and grace.


Friendship is for life-



kaya pinipili kong


maging kaibigan para sa'yo


Lover Boy at

naniniwala ako


na sa susunod kong sulat

dito patungkol sa iyo


eh ibang-iba na ang magiging kwento mo.



Malamang masayang pakikipagsapalaran na.

....maski ako ay excited na.


Maraming Salamat
sa
pagkakataon na maging kaibigan sa isang katulad ko.

at

asahan mo

na magiging kaibigan mo ako


hanggang sa huli.

No comments: