Matagal ko ng binalak na magsulat dito patungkol sa pakikipag-Kaibigan at sa wakas ito na ata ang simula sa maraming kong kwento.
Marami akong kaibigan, di ata ito kaila sa iba,masaya,makulit,seryoso,tamang trip, mapa-Nanay,Repapips,bata,minsan mga naging studyante, trysikel driver,mapa-propesyunal man o tambay atbp...Kaibigan na maituturing.
Gusto kong sabihin na mabait at mabuti akong kaibigan, pero alam kong hindi rin sa maraming pagkakataon.Pakiramdam ko nga iilan lang ang Bi-ni-bless ni Lord para matanggap ako bilang kaibigan.hehehe.
Friendship is for Life !!! am Grateful for my friends.
Salamat talaga kay Lord.
Isa sa mga dahilan bakit ako napasulat dito ay para narin sabihin kung ano ang laman ng aking puso tungkol sa ilang mga kaibigan na pinagkaloob sa akin.
Malungkot ako sa mga sandaling ito kse isa sa mga malapit kong kaibigan sa iskul ay pinili nang umalis upang mas bigyan ng pagkakataon ang kanyang sarili na alamin kung anong larangan ba talaga ang kanyang nais sa buhay. Noong una, sa isip ko di ito totoo kse lagi naman nya talagang sinasabi na aalis na siya pero di nangyayari hanggang sa ngayon.Emosyonal akong tao pagdating sa mga kaibigan esp.kung talagang masasabi ko na naging malapit sa akin.
Tribute ko na siguro ito para sa kanya kasi maaaring nagkukulitan kami madalas kapag sa iskul pero may mas malalim na relasyon pa kami na di nakikita ng aming mga kasamahan. Kung meron man isang taong lubos na nakakakilala sa akin, siya na yun! dahilan sa di nya ako kinilala bilang isang makulit na kaGuro sa halip hinayaan nyang makita ang isang bahagi ng aking pagkatao at lubos akong nagpapasalamat kasi tinanggap nya ako ng bilang ako.
Masasabi kong kawalan sya sa Fakulti.tsk.tsk.sayang! (maraming dahilan at kulang ang espasyo dito sa blogspot para ilahad lahat ng na-i-ambag niya at ang pwede pa nyang magawa para sa aming College/ Dept.) pero bilang kaibigan nya Suporta sa Panalangin ang aking magagawa sa kanyang desisyon at sa kanyang pamilya narin.
(mahirap man pero ito ang mas higit na kailangan nya sa mga oras na ito)
Malungkot ako. Dumarating ako sa puntong naiisip ko na haays..di ko na siya makikita araw-araw sa iskul , yung tipong di na ako magiging updated sa inaanak ko at sa buhay nya bilang may-asawa,at maging sa pagpapalitan namin ng mga opinyon sa mga isyu ng lipunan at maging sa usapin sa iskul.Bahagi na ata ito ng ating buhay-mga pakikipagsapalaran.
Natutunan ko na di lamang simpleng koleksyon ang mga kaibigan (marami man o konti lang) ang mahalaga, nakakatugon ka sa iyong responsibilidad bilang isang kaibigan.
Hindi lang sa oras ng kasiyahan at tagumpay ngunit mas lalo sa mga kabiguan at kahinaan.
Mahirap gawin pero ang tunay na kaibigan ay magiging kaibigan hanggang sa huli.
yes, Friendship is for life, maaring sa pisikal na aspeto ay di kami magkikita't magkasama pero sa puso ko nandun siya at lahat ng pinagsamahan namin at for life talaga yun!
walang magbabago
at
higit sa lahat
hindi ako panghihinaan ng loob
na
umasa na
sa
susunod na araw ay
magkikita ulit kami
at
katulad ng dati ay
magkaharap
kami
para pag-usapan ang mga nangyari sa aming mga
buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment