Tuesday, August 24, 2010

isyu 101

Hostage sa Maynila,

Ms.Universe 2010,

PNoy sa aming iskul,

at

Iba't ibang

PAGBABAGONG

nararanasan

ko

sa kasalukuyan

( sa pamilya, sa personal na aspeto, sa aking trabaho at maging sa relasyon ng pagkakaibigan atbp.)





ang ilan lamang sa mga paksang nais kong talakayin sa mga susunod na araw dito sa aking blog.

Naghihintay lamang ako ng tamang oras upang maisambulat ko ang nilalaman ng aking puso hinggil dito.

Konting panahon lang at sinisiguro ko na hindi masasayang ang oras na pinaghintay ninyo at maging sa pagdalaw sa aking Blog.

Monday, August 9, 2010

Isang Gabi sa RedMango.

Hindi ko alam paano sisimulan ang pagsulat ko, siguro ay dahil medyo hindi maganda ang ibabahagi kong kwento na nakita ko kanila lamang, ganun pa man ay hindi ko rin talaga mapigilan ang aking sarili na isalaysay dito sa aking blog,naisip kong siguro ay dahil sa paborito kong tambayan naganap ang lahat.

Sa RED MANGO,

Kanina na lang ulit ako nakadalaw kasama ang isang malapit na kaibigan, masarap talagang mag-relax lalo pa't original flavor ng frozen yogurt ang aking order na may toppings na strawberry o peaches. Masaya lang talaga ang pakiramdam.hehe. Ngunit sabi nga nila may mga pagkakataon nga naman na 'di inaasahang mangyari.tsk.tsk.at ito na nga iyon.haaays.

Malapit nang mag-close ang store ng RedMango ng may mga humabol pang mga customer na bibili ng frozen yogurt, sa pagkakatanda ko isang pamilya sila.Masasabi kong may-kaya sila sa buhay.Ang isa sa kanila ay may dala o kargang "baby" at siyempre kasunod nito ang yaya o katulong nila,Ngunit hindi na nila ito sinama pa sa loob.

Sa totoo lang habang nilalasap ko ang sarap ng yogurt ay hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa lugar kung saan nakatayo ang katulong nila Sa labas ng store ng RedMango,nagkataon kasi na ang pwesto namin ng aking kaibgan ay malapit sa entrance kaya madaling sipatin siya. Kahit pa matakaw ako sa pagkain nito ay hindi ko magawang ituloy habang nakikita ko yun sitwasyon na iyon.( na naiwan sa labas yung katulong habang bitbit ang mga gamit at stroller ng baby at ang kanyang mga "amo" ay nasa loob na upang matikman ang sarap ng frozen yogurt. Nakalulungkot isipin na talagang nangyayari ang ganito.

Pinilit kong huwag pansinin ang sitwasyon pero hindi kinaya ng powers ko lalo na nang lumabas yun isang girl sa red mango at umalis, akala ko naman ay kung saan pupunta,nagulat na lang kami ng kaibigan ko nang iniabot ng babaeng umalis dun sa katulong ang isang sundae cone mula sa mcdo (10.00 pesos ang halaga kung hindi ako nagkakamali) HeavY men!!! grabe talaga! Nanghina naman ako dun, parang nakadudurog ng puso na makita naman na binigyan lang ng isang icecream na nasa cone yun kasama nilang katulong habang sila ay pasasa sa pagkain ng frozen yogurt.Sa isip ko php 80.00 lang naman yun small size ng kinakain nila bakit hindi na lang nila binili pa, na sa tingin ko naman ay hindi ikababawas ng yaman o ikahihirap nila. Hindi rin maganda na kung kailan magsasara na ang store eh saka lang nila naisip na papasukin yun katulong,para sa akin mas okay na sigurong nasa labas siya kesa mas maramdaman naman nya na magkaiba ang antas nila sa lipunan kasi ang kinakain niya ay kaiba sa kinakain ng lahat ng nasa loob ng RedMango kasama na ang kanyang mga "amo" dun.

Nakapanlulumo ang ganoong sitwasyon.Hangga't maari ay ayoko sanang husgahan ang pamilya na iyon kasi iniisip ko baka naman marami naring nagawa sila para sa kanilang katulong pero hindi ko rin malubos maisip na sa simpleng pagkain lamang ay magiging dahilan pa para ipakita ang agwat na mayroon sila.Oo nga't hindi naman siya nakalimutan dahil nga sa binilhan siya ng sundaecone pero naman, ang ipakita na magkaiba sila ng kinakain ay isang lantad na panghahamak sa kapwa at mariin ko itong titutulan.Nasasabi ko ang mga bagay na ito dahil sa ang realsyon nila ay mag-amo at Masakit lang talaga isipin na ito ang sistema at kalakaran ng ilan.

Dahil "Mam" o "Sir" siya- dapat may espasyo laban sa utusan.Wala namang dapat ipagatubili sa estado nila ngunit kahit paano ay may pagpapahalaga naman.

Mas mainam na di na lang sila dumaan pa sa redmango, eh 'di sana mas nag-enjoy pa ako ng husto sa pagkain ng yogurt,pero sa kabilang banda naisip kong may mga sandaling magbibigay sa atin ng dismaya,pagkainis o lungkot pero ito ay magiging dahilan para mas lalo natin makita ang kabilang "side" o realidad ng buhay. Na may nagsisilbi at pinagsisilbihan pero mas mahirap ang gawain ng isang nagsisilbi o katulong-dahil hindi ito matatapos lamang sa bahay kung saan nakatira ang kanyang mga amo ngunit hanggang sa lugar kung saan sila tatapak, dadayo, mananahan at magpapatuloy ang pag-angkin nila sa kanila.

Totoong may halaga rin naman ang sundaecone na iyon ngunit mas mahalaga na binigyan pansin ang posibleng damdamin na manaig sa panig ng katulong kaysa magpakita lamang ng bagay para maging pamatid-uhaw lamang niya.


Totoong malungkot.Totoong totoo na masalimuot ang kanilang kapalaran ngunit isa lang ang sigurado ko hindi kailanman magiging totoo na ang mga katulong ay katulong lamang dahil maging sila ay may karapatan na tratuhin at pakisamahan ng maayos kahit saang lupalop pa sila magpunta o makarating.

Sa ibang bansa man, sa bulubundukin o sa Lungsod,sa pampublikong palengke o kahit sa Red Mango pa yan.