Biyernes.
alas dyis na ata ako nakapasok sa iskul.
pagdating,agad kong hinarap ang mga estudyanteng kukuha ng kanilang Blog ( yun kse ang prject nila sa akin at bilang paglalapat narin sa kanilang natutunan sa makrong pagsulat ).
May isang estudyante lumapit, umiiyak.pero sa mga sandaling iyon, nagpupuyos padin ang aking damdamin.bakit?
( kahapon kse ng umaga, nasa CEU ako para samahan ang lil sis. ko na mag-enrol...habang nakapila ako sa cashier.may nagtex sa akin, estudyante ko daw at kung pwedeng kunin na ang kanyang Blog., sabi ko nman afterlunch pa ako makakarating............haaaay utusan ba naman ako?! at sabihing kailangan na nya ang kanyang blog....actually madame pang sinabi eh...mabait ako sa mga estudyante pero kapag umabuso...pumapatol ako...at ganun na nga ang ginawa ko...
bagamat nagsorry yung bata..pero sarado ang isip ko sa mga oras na iyon.)
yung estudyante nasa fakulti na mismo at kaharap ako, umiiyak padin..gustong magpaliwanag.pero dahil mutant ako at naalala ko ang ginawa nya kahapon, nagsalita ako na lalo ata niyang ikinaiyak.hindi ako mabait kanina.at tanggap ko yun.walang duda!
( ito ang unang pagkakataon na nagpalit ako ng anyo as mutant para sa araw na ito.
_____
Bagong mananghalian, my lumapit na isang concern na friendship.my binulong sa akin.ilang sandali lang, mababanaag na ang kulay pulang mga mata, ang nanlilisik na mukha at mala-pacman na kamao.hihi.
( ito ang ikalawang pagkakataon na nagpalit-mutant ako.)
Impulsive pa nman ako. un tipong kapag galit talaga ako..galit ako, hindi ako mapipigilan, kung magsalita man ako batay sa nararamdaman ko magsasalita ako. Sa totoo lang, matapos ko marinig yung sinabi..gusto kong manapak, gusto kong manlait.( pinilit kong huminahon pero ..pero di ko talaga kaya lalo pa't kaharap ko yun taong yun khabang kumakain.mali man pero nagsimula akong magparinig at kitang-kita ko kung paano namutla yun taong kasangkot sa gulong ito.minsan lang ako magalit, alam nila yan..hindi ako nagrereact basta basta lang..
Galit ako pero may plano akong kausapin ang mga taong ito at e-confirm sa knila kung totoo ang kanilang mga sinabi.
Para lubusan ninyong maintindihan ang aking sinasabi..ganito ang scenario...Totoong mapagbiro akong tao, pero alam ko sa sarili ko ang aking limitasyon.ang hangganan ng aking mga biro.at tanging bibiruin ko lamang ay ang mga taong kakilala na ako as joker!
Pero may mga tao tlgang sadyang pinanganak na manhid para sa kapakanan ng kanilang kapwa..Mga taong trapo na maituturing.
..di ko napigilan ang aking sarili at kinausap ko yung taong involve dito..nagpaliwanag xa at ako'y nakinig.
Sa totoo lang, gusto kong manapak...talagang nakaramdam ako ng galit..kse inisip ko of all people naman ako pa ang ginanun...alam ko sa sarili ko na mabait ako pero wag lang akong babastusin lalo't di ako nakikipagbiruan dahil katulad ng sinabi ko..pumapatol ako.
di nman ako nananakot..pero ang pagiging patas sa kapwa mo ay mahalaga.
iniisip ko nga, ginagawa ko na nga lahat ng pagrespeto kahit pa sa tingin ko di na dapat erespeto tapos ganito pa ang isusukli sa akin...eh! talo-talo na tayo nyan!
nakakalungkot isipin pero ito ang realidad.
may nananakit.may nasasaktan.may biktima.may nasasakdal.may pinagbibitangan at may nagbinbintang.
( salamat na lang sa ilang mga kaibigan na nagpahayag ng suporta sa akin...)
kaya naparam ang galit ng mutant....tintinmode na ulit.
__________
ala-sais pasado na ata ng lumabas ako sa iskul.
Nagpunta ako ng megamall.( ksma ang mga kaibigan ).
naisip ko nga, kung kelan nman ako maglalaboy , ska nman may dala akong napsack na syang nagpapaskit ng aking likod.hehehe pero carry na din ;)
unang stopover sa kultura: teammanilagraphicdesign.hehehe.inalam ko kung anong bagong design nila.
ganun padin nman khit na may bago sa aking paningin.
dumaan sa nike...at sa iba pang store bago sa pc at gadgets world.
Salamat kay Patricia at sa kanyang asawa na si Marvin dahil ipinakilala nila sa akin ang notebookcooler..hehehe kaya bumili ako...pati pala ang sleeve.hehehe
pagkatapos
napagod kme..naghanap ng makakainan,
.naghahanap ng buffet style..yun tipong di kme malulugi sa binayad.hehehehe
ist choice: italianis 595 lang...
2nd: cabalen/dads 580 lang...
3rd: sbarro ...kse my chicago deep dish daw...?! lol
xempre kung ano ang huli sya ang nauuna.ganun na nga.
___ di ko naubos ang aking order.
pinatake out ko na lang kahit pa my ilang pizza at pasta din akong uwi.solb na ulit ako dun.
pagkatapos kumain, napagdesisyunan ng maghiwa-hiwalay...kse bukas nman sa CIBO greenhills kame magfufudtrip at matapos yun ay tatagay ulit ng kape.hehehe
naghiwalay na kme.
bago tuluyang umuwi ng bahay
dumaan pa ako sa bilihan ng kape para sa pasalubong ng aking ate at mama.
___ sa bahay...excited akong magkwento sa mga nangyari sa akin ngaung biyernes.
kwento.kwento.kwento.hangang sa magkwento ulit ako...
medyo napagod ako
pagkatapos uminom ng R.T.
humarap ako sa kompyuter para sumulat ng aking blog na ngaun ay binabasa mo na.
paalala:
hindi na ako mutant sa mga oras na ito
bakit?
kse naka smile na ako while writing....
hanggang sa susunod na pakikipagsapalaran ng isang mutant :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment