Friday, October 3, 2008

sa jip....


2 linggo na akong sumasakay ng jip papunta sa iskul..( dati kse trysikel lang tlga mula sa bahay nmen hanggang sa aking pinapasukan..) pero dahil madalas akong ma-late ngaung mga panahong ito..kya ung short cut ang pinili ko kahit pa madalas malaki pa ang pamasahe ko kesa sa panliwaliw ko..hehe.

as usual...late na ako ng 30 mins.~ kya d ko na nagawang mag- ayos pa..ang alam ko lang kumpleto ang gamit ko sa bag...larga na agad.

trysikel hanggang sta.clara.

trysikel hanggang sa robinsons pioneer.

baba.

sakay ng jip pa-gabbys( ata ) di ko na kse inaalam..basta mahalaga dadaan ito sa skul..

my nakita pa akong konting espasyo kya sumakay na ako...late na kse eh!

ang katabi ko ay isang lalaki sa kaliwa at isang medyo matanda na babae sa kanan nman. yung nasa harap..bading...hehehe..un katabi, ang natatandaan ko..maganda ang bangs! hehehhe

ilang minuto pa lang ako na nakasakay ng jip medyo na-concious na ako sa katabi kong nasa kaliwa spagkat tingin sya ng tingin sken..hindi man kme magkaharap pero sa gilid ng aking mga mata...alam kong nakatingin...

hindi ko alam kung bakit...natawa nga ako kse naisip ko baka may muta ako?! hehe..kya sumimple akong punas...ilang saglit lang tingin na nman sya...naisip ko...naku po! may sipon nga pala ako..baka d ko namalayan natuluan ko na cya...yeeekkks! kya simpleng labas ng tisue....at simpleng pahid me...pero wala nman.

sa isip ko...y o y? ...ang alam ko nman bago ako umalis nag- cologne ako...pang baby pa nga ang ginamit ko para di masangsang ang amoy...( naisip ko nga baka naalala nya ang kanyang baby sken..hehehe) pero hindi eh..iba tlga ung kanina sa jip..i mean yung tingin...isa pang naisip ko baka nagandahan sa hikaw ko o kya sa relo ko...

naisip ko nga na hubarin ito, kse bigay pa ng tatay ko..baka mmya sumigaw ng hold-up. pero wala nman. sa isip ko baka sa pelikula lang iyon ngyayari.hehehe

malapit nang dumaan sa tunnel....sa isip ko ulit..baka mmya hawakan ang kamay ko..kse pag dumaan sa tunnel..madilim...hahahahhahaha ( baka wala akong laban...hihihi)


pero buti n lang c manong driver okay sa olrite kse nun malapit na sa tunnel..enopen nya ang ilaw...haaaayyyy nakahinga ako ng malalim.

malapit na akong bumaba...at medyo bumwelo na ako...

c katabing nasa kaliwa..nakatingin padin sken...di ko na mapigil tlga ang sarili o..gusto ko na etanong bakit naman sa lahat ng pasahero sken cya nakatingin..di nman ako artista...artistahin lang..hehehhe( pangarap un! )wahehehhe

hanggang bumaba ako sa jip...pag lingon ko...nakatunghay padin cya sken...

chek ko nga baka bukas zipper ko..pero hindi nman..

inisip ko baka nagadahan sa polo ko..naisip ko nga din di kya inisip nun na muka akong lalake..hehehe

wag nman sana!!? hehehhe ( kundi..katulad din c=sya ng karamihan..)

hanggang sa pumasok ako sa iskul..nagpatest na ako sa mga studyante ko...at nakauwi na ako sa bahay...ung katabi ko padin sa jip kaninang umaga ang laman ng isip ko...( pinakiramdaman ko nga kung tatalon ang puso ko eh...baka skaling may iba akong maramdaman..kso mas tumalon pa mga intestines ko sa tyan..hudyat na tomjones na nman ako..)

butunhininga.

nag-isip ulit ako ng malalim.

di kaya xa na ang hinahanap ko?! hahahahahhahahahahahha

ang aking soulmate...wahehheheheh..joke ko na lang ,( dagdag ko na lang sa kwento ko! hehehe)

pero ganun paman....nagutom ako sa kakaisip hingil sa bagay na un..


sabado bukas...malamang di kme magkkita...

sa lunes ulit.

kung sakaling makasabay ko cya..

maglalakas loob akong magtanong.....hahahahhaha

ettanong ko...na? guy? gaano kadalas ang minsan? hehehhe






2 comments:

Anonymous said...

...galing ninyo naman po...masaya talagang sumakay ng dyip...para nga sa akin ito ang isa sa mga pinaka-exciting na natutunan ko sa buhay -- ang sumakay ng dyip. Kapag kasi nasa loob ako nito, nagagawa kong mag-isip. Ang wirdo po, pero totoo. Nagagawa kong kausapion ang sarili ko, nakapagsasaulo ako ng isang tula, nakakabuo ng mga kaisipan dahil sa iba't ibang mukha ng buhay ng mga taong nakikita ko. Yun nga lang, kailangang magtiis minsan, kung hindi man madalas, kapag nasa loob ng dyip...

TINSKI said...

yep! happy kapag nasa loob ng jip.katulad din yan kapag nasa mrt ang isang tao na mahilig mag-obserba, kse marami kang makukuhang kaisipan mula sa kanila ...bagama't may mga hindi rin magagandang experience pero stil ang pasalamat padin ay nakauwi ka sa bahay.hehehe