Thursday, May 20, 2010

Kahapon sa Centerpoint.

Kung mayroon mang Mall na madalas kong napupuntahan at pamilyar na sa akin-ito ay walang iba kundi ang SM CENTERPOINT.

Kahapon bago ako magpunta sa aming simbahan ay gumala muna ako dito.

Ikot-ikot lang hanggang mahilo at bumili ng Quickly-Taro-Taro.hehe

Last stop ko bago umalis ay ang Dept.Store, at nagkataon naman na nakita ko yun naging studyante ko.

Iba ang pakiramdam-lalo pa't nagsimula na syang magkwento.Akalain ko ba na ngayon ang kausap ko ay isa naring ganap na Guro.Wow! Tanda ng feeling! haha.

Saglit nga akong natigilan eh! Mabuti talaga si Lord.

Mahabang kwentuhan ang napagpalitan namin, at sa ganoong pagkakataon hindi ko mailarawan ang aking nararamdaman. Binalikan nya rin ang mga oras na naging titser nya ako..haha.Nakakatuwa lang. Magaan sa loob ang alalahanin ng mga studyante.

Ang tanging naging reklamo nya lang-mababa daw ang sahod, kaya sinabi ko sa kanya na hindi ako nagtitser para yumaman.Mababaw man pero kahit paano siguro naintindihan nya na ang kanyang tinahak na landas ay hindi madali pero may ibang saya na hinding-hindi kayang bilhin ng mataas na sweldo.


Kung meron man siyang pinagpasalamat sa akin ay mas lalo ako, kasi minsan pa ay naging daan ito para mas pagbutihin at mahalin ko ang propesyon na aking pinili.


at magkaroon ulit ng dahilan bakit masayang balikan ang kahapon





sa





Centerpoint.

Tuesday, May 18, 2010

Expectation(s)

Lahat ata ng tao ay nag-eexpect, may mga expectations.Ako mismo, ay may ganoon ding pakiramdam- ang mag Expect at expect.Pero kung tutuusin, mahirap ito sapagkat walang kasiguraduhan ang magiging sagot sa iyo dahil nga ikaw ay sadyang nag-eexpect lamang.

Nitong mga nakalipas na araw ay nasubukan kong mag-expect at maging sa akin-may nag-eexpect din pala.tsk.totoong mahirap.walang kawala.

Simulan natin sa istorya na sa akin SILA ngayon nag-eexpect / mag-expect.

Hindi ito biro, dahil ako mismo ay nahirapan,dinaig pa ata nito ang init ng labanang Binay-Roxas.OO,ganun nga katindi.
Mahirap ang sitwasyon ko kasi nga ang laki ng expectation NILA sa akin.tsk.tsk.
Hindi ko rin alam bakit nagawa nilang mag-expect.

Kaya nga sa mga panahong ito,

nasa alapaap ako,

yun nga lang


nakabaliktad!


at kahit pa ganito na ang aking sitwasyon, sadyang maraming mga makapangyarihan na tao sa aking paligid ang patuloy na

Nag-eexpect.

at walang katapusang

Expectation.

Sana nga Expectation na lang ang pangalan ko.

waaaaaaaaaaaaaaaaaa :D

Isa pang istorya.
Ako naman ngayon ang kontrabida kasi ako ang nag-eexpect.

1. am expecting na magparamdam na sa aking ang isang malapit na kaibigan,pero bigo ako dahil hanggang ngayon wala parin siyang say. Ilang linggo narin ang expectation na ito at hindi narin nakakatulong para sa akin. Ang isipin na minsan na nga lang siya madalaw dito sa pinas, tapos kakalimutan pa niya ako. tsk.tsk.

Binulong ng isa pang kaibigan na baka e-surprise na lang ako.Hindi naman ako para sa magarbong selebrasyon eh, ang aking lang sandaling oras para sa makabuluhang pag-uusap.


... that's why am expecting.

2. am expecting na maging maayos ang load ko this first semester, yung tipong walang sabado class at walang 7:30 am na pasok...pls.pls.sa totoo lang ito naman lagi kong expect eh kso di nangyayari..huhuhu. Sana sa pagkakataong ito marinig ng mga makapangyarihan para solb na ang aking expectation at kung hindi ulit mangyayari, malamang may part 2 na ang aking expectations.

3. am expecting na magiging matipid na ako.Hindi padadala sa bugso ng damdamin sa pagbili.

4. am expecting na mababasa ko lahat ng bagong libro na mayroon ako para naman maging makabuluhan ang pagbili ko sa kanila.

5. am expecting na sana yun mga tao sa sinehan eh magkaroon ng sensitivity-yun tipong di magpapatong ng kanilang mga paa sa upuan para di naman mayugyog yun nasa unahan, minsan ko ng naranasan ito at nakakainis talaga.Ayaw mo ng gulo,pero gulo ang lalapit sa iyo.Dapat maisip nila na di lang sila ang nagbayad para mag-enjoy.
Na kaya mayroong upuan sa unahan nila ay dahil may mga posibleng umupo doon para manuod katulad nila, at hindi maging kasangkapan ng kanilang pansariling pagsasaya.

Am also expecting na magsasabi ng "excuse me" ang mga taong dapat magsabi nito.Marami kasi sa madalas ko makasalamuha ay di maalam sa mga pahayag na ito lalo pa't kailangan nilang sambitin.
Yun tipong,dadaan ka at dahil medyo masikip ay mag-eexcuse ka para kahit paano ay mag give way sila sa' iyo.Sa aking palagay minsan kailangan itong gawin para ipakita na nanatili parin sa ating ang pagiging magalang.

Am also expecting na ang mga tao ay marunong magsabi ng salitang "Salamat", maliit o malaking bagay man yan.Sa panahon ngayon, hindi ito dapat tinitipid.Kaya nga siguro madali akong maasar kapag nakatanggap ako ng mensahe sa tex na "T.Y."- tsk.tsk. simpleng salita pero malaking bagay sa makakatanggap.

Dahil sa maraming expectations na ito kaya ako ganito-Paranoya na ito!!!

Malamang ako na ang Mali, malay ba nila na dapat gawin o sabihin yun.tsk!

Mahirap ang mag-expect.Inuubos nito ang ating isip maging ang lakas pero wala tayong magagawa dahil minsan ito na ang kalakaran.


Gusto kong i-dahilan na tao lang naman kasi ako eh, may mga expectations-ngunit batid ko na lahat tayo ay may kanya-kanyang pili ng ugali. Kung mag expect ka man ngayon-OO-pwede- pero hindi dapat patagalin.Kung dapat ng itigil.Tigil.as in STOP!

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may sagot sa ating expectations kaya nga mahirap ang mag-expect kasi higit kanino man ang nag-eexpect ang siyang masasaktan.



__________________________________________________________________________________

Sa buhay na ito, may isang expectation ang sa aking palagay ay hindi lamang magiging expectation sa halip ay magiging makatotohanan, iyon ay kung titingin tayo sa ating Panginoon.

Nang sabihin niya sa kanyang salita na Hindi nya tayo kailanman pababayaan ni ipagkakanulo- wala nang expectation na magaganap, sa halip dadamhin na lang natin ang bunga nito.

Batid ko na may nais ituro sa akin si God, gusto nya lang malaman ko na hindi ako dapat na mag-expect ng mag-expect sa mga tao,dahil katulad ng isang pangako,maaring hindi ito matupad.

at

nais nya rin na paalalahanan ako

na


Kung dumating man ulit ang oras na sumagi sa aking isip ang mga Expectations na ito,



wala nang lugar ito sa akin maging ang hayaang patuluyin pa ito



sa halip ay isa na lamang ito sa maraming salita na madalas kong marinig na HINDI




dapat pagtuunan ng pansin.

Sunday, May 16, 2010

blangko.

blangko.
kung sa papel-walang sulat.

blangko.
kung sa pagitan ng kausap na nagtatanong -walang maisagot.


at


isa pang blangko.




-----ako.


Kasi sa mga oras na ito,wala akong maisip.


pero bakit may naisusulat ako kung talagang wala akong maisip- kung talagang pakiramdam ko ay blanGko ako?!?



( isang tanong,na di ako rin masagot )



...kaya nga nasabi ko na ako ay blangko.





Sana mamaya,hindi na ako ganito.


















---blangko.





at kung sakali naman na Blangko parin ako....



wala na akong magagawa kundi



ang tumahimik at isipin




bakit may salitang



-blangko.

Friday, May 14, 2010

tsk.tsk.tsk. -mga kwentong pang-asar lang.

Kahit saang lugar-maraming kwentong pang-asar lang,tipong gusto ka lang maasar para magkaroon ng silbi ang salitang ASAR, at ito na ata ang ilan para sa akin....

Sa loob ng jip- malakas akong kumain.aminado ako pero hindi sa loob ng isang pampasaherong jip.siguro kung iinom ako ng tubig pwede pa pero ang kumain ng mangga, mais o anuman na medyo makalat ay di kaya ng aking powers.hahaha, may ilan akong nakasabay na kung kumain ay animo'y nasa kusina lang nila..haays..tsk.tsk.pag ganito ang aking nakikita,talagang nagdadasal agad ako para sa mahabang pasensya lalo pa't matagal-tagal ang byahe..Kasi kung ako lang nakupo! malamang nasa baranggay na kami at kung tatagal pa,eh malamang nasa Korte Suprema na ang beauty ko.

Ang isa pang bagay na masakit tanggapin,ay ginamit na nga ang jip bilang lamesa't kusina, pati ba naman ang naiwang kalat ay basta lamang itatapon sa ilalim ng upuan..grabe! okay lang sana kung bata ang gumawa eh (kahit pa nga bata eh,hindi parin tama) pero mga ka-edaran ko lang at di man lang nagdalawang isip na ito'y gawin knowing na maraming pasahero sa loob ng jip ang nakamasid sa kanila.tsk.tsk.Sa isip ko maganda lang sila-pero walang mga values.tsk.tsk.haays!!!

sa Edsa Central-Ganun din ang minsan na may nasa unahan kong lalaki habang naglalakad , noong una natutuwa ako dahil nakikita ko kung paano napawi ng gulaman ang iritasyon na kanyang nadarama mula sa matinding sikat ng araw, pero nang matapos nyang inumin ay bigla niya itong tinapon sa mismong nilalakaran nya-kabog! sa mga oras na yun ay gusto ko sana siyang habulin at sabihin na Stop! Kuya.Anak ng teteng naman oh,di ba pedeng maghanap ka ng basurahan para itapon ang kalat mo.haays. tingin ko naman di yun ikasisira ng pagka-lalake nya.Sobra naman! malalim na butunghininga na lang ang aking nagawa sa mga sandaling iyon.Animo'y pinagsakluban ako ng langit at lupa.hahaha eksaherado ito! hihi


Ganun din ang kwento ng mga taong kumakain ng kendi tas itatapon na lang sa hangin yung pinagbalatan..waaaaaa..gustong-gusto kong sumigaw sa mga oras na yun! kung pwede nga lang ibalik ulit ng hampas ng hangin sa kanilang mga mukha para ipaalam sa kanila na kahit maliit ang kalat na iyon,ito parin ang nagiging simula o dahilan bakit gabundok na ang mga basura sa ating bansa.

Sa mall ( sa loob ng isang Bookstore) -Hindi masama magsalita ng Ingles, ako mismo ay gumagamit ng wikang banyaga lalo pa't kailangan, pero tingin ko dapat matutunan din ng iba na di dahil nagsasalita ka nito eh masasabing -IN- ka na sa lipunan na kinabibilangan mo. Hindi kasi magandang pakinggan lalo pa't pilit lang ang pagkakagamit, minsan ay may nakatabi akong Nanay sa Bookstore-salita sya ng salita ng Ingles as in super,hinanap ko agad ang kanyang kausap-anak nya pala ang batang lalaki,pilit kong inobserbahan at tahimik kong pinakinggan ang mga sinasabi ng Nanay sa kanyang anak.
Sa totoo lang malakas ang pakiwari ko na hindi naiintindihan ng bata ang sinasabi ng kanyang Nanay.Bakit ko nasabi?! kasi walang pagtugon na nangyari eh!
Sa mga oras na yun gusto kong lapitan si Nanay Ingles Speaking, para sabihin na pinahihirapan nya lang ang kanyang anak maging ang kanyang sarili at maging kami na nakakapakinig sa mga sinasabi nya.Maari naman nya kasing kausapin ang anak na gamit ang "common na wika" para lubos silang magkaintindihan.Mabuti na lamang at napigil ako ng aking konsensya at pinaalalahan na kaya ako nandun sa bookstore ay para bumili ng libro hindi para bilhin ang kanilang sitwasyon at pakialaman ang buhay ng iba.hehe, tama nga naman.tsk.tsk.naging makulit lang ulit ang aking imahinasyon.


Balik tayo sa may Edsa Central- sa may parke naman.(hehe)

Nang minsang magdaan ako dun,nakaramdam ako ng konting inggit kasi lahat ng andun may ka-partner.hahaha,inisip ko tuloy ano ba ang kulang sa akin? hahahahahaha..pero sa totoo lang nanaig ang emosyon na pagka-asar sa akin ,di dahil sa ala akong kahawak-kamay pero ang isipin naman na masyadong PDA na yun ginagawa ng karamihan dun ay mahigpit kong tinutuligsa't tinututulan, I mean-lets face the reality ,public place parin yun, di naman ito yung tipong tago na parke eh..nasa gitna kayo ng mga kainan at transpo,baka naman pwede kahit paano na makaramdaM sila dahil hindi lang dalawang mata ang nakamasid sa kanila.Kung ako ang lalaki,hindi sa ganitong lugar ko dadalhin ang aking kasintahan kahit pa sabihin na nagtitipid kami at mahalaga ay magkasama kami sa mga sandaling iyon! duh?!? at kung ako naman ay babae, pipiliin kong sabihan ang aking kasintahan kesa pagpiyestahan kami ng mga taong makakakita sa amin.Walang masama na magdate sa Mall, o sa mga parke, o kahit pa saang lugar na pampubliko pero sa akin lang naman ay magkaroon ng limitasyon sa pagpapakita ng nararamdaman sa bawat isa.Kaya maraming nagaganap na krimen sa panahon ngayon ay dahil halos binibigay na yung pagkakataon para masaluhan sila.tsk.tsk.at ito ang malungkot na katotohanan.
Ito ay pawang saloobin ko lamang,naapektuhan ako para side ng babae pero siguro nga kanya-kanyang trip lang yan,nagkataon lang na ang gusto nila ay ayaw ko.


Sa iskul- Marami sa mga incoming freshmen students ang aking nakasalamuha sa mga nakaraang araw.Ang pinagtataka ko lang ay bakit ang bilis naman ata ng kanilang pagtanggap sa mga bagong kakilala, ang nais kong puntuhin ay ang aking naging obserbasyon.Nang pumasok ako sa Fakulti noong miyerkules ay nakita ko agad ang mahabang pila ng mga studyante na naghihintay na ma-assess at control.Tumungo ako agad sa aking lamesa at nagsimulang magbukas ng libro,ilang minuto lang ang lumipas at nakarinig ako ng ingay-tipong harutan,biruan at bungisngisan.Pinilit ko parin na huwag pansinin ang mga bagay na ito pero pilit parin hinanap ng aking pandinig.Nakita ko na lang ang aking sarili na nasa gitna ng mga batang ito,Naging mahinahon naman ako, tinanong ko kung sila ba ay mga first year-kung magkakaibigan ba sila-laking gulat ko ng sabihin nila na hindi at kakikilala palang sa bawat isa,yun na ang naging mitsa para mapagsabihan ko sila,sa akin naman simple lang-gusto ko lang naman maging malinaw na wala sila sa palengke sa halip ay nasa loob sila ng Fakulti room...

katahimikan ang sumunod na nangyari, sa madaling salita,natapos ng maaga ang aking paghihirap.hehe

Kahit saang lugar-maraming kwentong pang-asar lang.Itinadaha na ata para makita natin na sadyang magkakaiba tayo bagama't magkakapareho lang.

Batid kong hindi na dapat pang palakihin ang mga kwentong ito.Kung tutuusin nga ay mas marami pang dapat bigyan ng pansin at isipin ngunit pinili ko paring isalaysay dito ang mga kwentong tsk.tsk.tsk at kwentong pang-asar dahil ito



ang laman ng aking isip sa mga oras na ito at




dahil alam ko na ang mga kwentong ito ang nagbibigay kulay para sa aking bilang isang blogger


sapagkat


kung wala ang mga eksenang ito...
(mga tsk.tsk.moments, at kwentong pang-asar lang)




...malamang ay

wala akong maisusulat dito


at siguradong wala rin kayong





mababasa



at


posibleng


matamlay ang buhay kung


wala ang mga



tsk.tsk.tsk.at



mga kwentong pang-asar :D

"Friendship is for life." (ikatlong kwento)

"Friendship is for life."

Iba naman ang kwento ko ngayon bagama't ang paksa ay tungkol parin sa pagkakaibigan.Masasabi kong iba sa nauna,dahil siguro bago palang ang aming Friendship pero sa totoo lang pakiramdam ko matagal ko na siyang kaibigan.

Itago natin siya sa pangalang " Lover Boy" hahaha..nakupo! mababasa kaya nya ito..tingin ko naman,hindi pa sa ngayon pero kung sakali man-may proteksyon ka parin sa karamihan dahil malamang di ka nila makikilala agad kasi mas pinili ko itong alyas mo kesa sa isa.(lusot parin ako.)

am Happy na naging Kaibigan ko siya.hahaha...sa simpleng dahilan na gusto ko siyang maging kaibigan kahit pa noong una ay wala akong interes sa kanya.hehe pero totoo nga na lahat nga ng nangyayari sa ating buhay ay may dahilan.

"Friendship is for life."

at gusto kong paniwalaan na ang aming pagkakaibgan ay magtatagal habang buhay.

Kaiba sa marami ang naging dahilan bakit sa aking palagay ay kaibigan ko ang taong ito...

Pinili kong makinig sa kanya kasi alam ko na higit na epektibo ang pakikipagKomunikasyon kung may ganitong proseso.

Pinili kong iparamdam sa kanya na kaisa ako sa anumang sitwasyon na meron siya dahil alam kong suporta lamang at di pagtuligsa ang kanyan kailangan.

at

Pinipili kong maging Kaibigan sa kanyang hanggang sa mga sandaling ito dahil isang paraan ito para ipakita sa kanya na may mga taong handang tumanggap at tatanggap pa sa kanya sa kabila ng kanyang kahinaan bilang isang tao,at dahil sa may kahinaan rin ako kaya mas nauunawaan ko siya.

Noong una, masasabi ko na ang alam ko lang ay kulitin siya dahil ito naman talaga ang naturalesa ko bilang kaibigan ngunit sadya nga namang mabuti ang ating Panginoon kasi hindi nya hinayaang maging ganoon lamang ang ituring ko sa kanya sa halip ay makita ang mas malalim na dahilan bakit sa dinami-dami ng mga tao sa mundong ginagalawan namin ay ako pa ang pinili para maging malapit sa kanya.
Hindi ko masasabing madali kong natanggap ang lahat, akala ko rin tanggap ko na ang lahat sa kanya pero dumarating sa punto na hindi parin pala hanggang sa marinig ko mula sa isang kaibigan din na ang tunay na pakikipagkaibigan ay hindi lamang dahil napapangiti ka dahil sa mga kwento nya higit ay ang matutunang tanggapin o maka-relate sa anumang emosyon na kaakibat ng kanyang magiging kwento.( hindi ito yun tipo na kung galit siya ay galit ka narin, o dahil feeling inlove siya ay ikaw feeling inlove narin- maaring sa kabilang banda,may punto ito pero higit yung pag-suporta sa emosyon na meron siya sa partikular na araw na iyon) sa madaling salita hindi ka nadadala ng kanyang emosyon upang maka-response lamang sa emosyon na meron siya kundi ikaw ay ang kanyang katulong upang aluin ang kanyang nararamdaman.)

Mula sa mga pahayag na yun ay unti-unti kong hinimay ang sitwasyon na meron ako sa kanya...inisip kong mabuti kung hanggang sa anong aspeto ba ako makikinig sa aking kaibigan at iintindihin ang kanyang nararamdaman.Natanong ko rin sa aking sarili kung sapat ba na ako ang naging kaibigan nya.

Sa madaling salita, marami akong naging tanong pero simpleng sagot lang ang lumalabas sa aking bibig, isip at puso- OO, gusto ko siyang maging Kaibigan ngayon at sa mga susunod pang bukas. naks! pero ito ang totoo! Hindi ko alam kung matutupad ko ito, pero isa lang ang maari kong panghawakan, na hindi ako ang bibitiw sa pakikipagkaibigan sa kanya.

Minsan sa aming pag-uusap ay nasabi niyang nagtataka nga siya bakit ako nakakatyaga sa kanya..actually napa-isip ulit ako noon eh!oo nga naman bakit ba napag-ttyagaan ko siya pero simple lang ulit ang naging sagot sa tanong na iyon, dahil ako rin mismo ay napagttyagaan ng aking mga kaibigan at sino ako para tumanggi.

Dati kapag nagbibigay ako ng advice pakiramdam ko pawang opinionated lamang,siguro nga dahil saloobin ko lang naman talaga ang hinihingi eh pero dahil sa kanya nagawa kong magbigay pa ng advice ng may pinaghuhugutan na mas makatotohanang pahayag-yun ay dahil sa salita ng Diyos.Hindi ko sinasabing "Holy" na ako..ngek! sobra layo pa..pero i know sa puso ko na may kapangyarihan ang salita ni Lord kesa sa maaari kong sabihin.

Isa pang bagay na natutunan ko ay maging mas faithful sa aking mga panalangin. I mean lahat tayo pwedeng manalangin ngunit ang tamang puso na kung kalooban nya ay siyang mananaig hindi ang sa atin lamang na interes.
Sa bagay na ito, lubos kong pinagkakatiwala kay Lord ang sitwasyon ng aking kaibigan, kung sa kanya at sa akin man ay maaring malabo, pero tiyak kong mas malinaw pa sa sikat ng araw ang kanyang kaparaanan.

Maaring maraming tanong si Lover Boy sa kanyang isip ngayon patungkol sa kanyang pakikipagsapalaran pero hindi ako titigil sa pagpapaalala sa kanya bilang kaibigan na tapat ang ating Panginoon,kung magkataon man na tumahimik ako hindi nangangahulugan na nagpasakop ako sa kanyang paniniwala pero para iparamdam na nirerespeto ko ang kanyang pinili.

Gusto kong maging kaibigan si Lover Boy sa habang buhay kasi gusto ko siyang kaibigan, di dahil sa sikat sya at maraming nahuhumaling sa kanya na kababaihan kundi dahil binigyan nya ako ng pagkakataon na makita ang kabilang side ng buhay na sa kabila ng pagod at pakikibaka at sakit na kanyang nararamdaman ay pinipili parin niyang mabuhay.Na sa kabila ng marami niyang sinasabi at hinaing, alam kong alam nya ang kasagutan sa lahat nang ito.Hindi ko alam if a-agree siya sa mga nasabi ko,pero good heart siya na tao at pasasaan ba't matatapos din ang ito, by God's mercy and grace.


Friendship is for life-



kaya pinipili kong


maging kaibigan para sa'yo


Lover Boy at

naniniwala ako


na sa susunod kong sulat

dito patungkol sa iyo


eh ibang-iba na ang magiging kwento mo.



Malamang masayang pakikipagsapalaran na.

....maski ako ay excited na.


Maraming Salamat
sa
pagkakataon na maging kaibigan sa isang katulad ko.

at

asahan mo

na magiging kaibigan mo ako


hanggang sa huli.

" Friendship is for Life " (ikalawang kwento)

It seems na maganda ang aking mood sa araw na ito kasi ikalawang kwento na ito tungkol sa "Friendship", sa totoo lang marami pa akong gustong isalaysay sa inyo.hehe

Nakatanggap ako ng mensahe mula sa Facebook re sa gimik para bukas sa metrowalk, mga klasymeyt sa highschool ang kasama.Sabi nga ng marami, ang Highschool days daw ang pinakamasayang yugto ng pag-aaral.Agree naman ako! walang duda.Totoong masarap balikan ang kabanatang iyon.Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga dahilan pero tiyak kong alam nyo rin kung bakit.

Marami akong naging Kaibigan at ang ilan sa kanila ay kaibigan hanggang ngayon, may komunikasyon parin kami at kung minsan ay nagkakasama sa mga Gimik.

"Friendship is for Life."

Hindi hadlang ang layo para masabing magkaibigan nga kayo,pero siguro may mga pagkakataon na dahil narin sa rason na ito kaya nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan.

Ang kaibigan na ito ay malapit sa akin maging sa aking pamilya.Elementary days palang eh magkasama na kami at noong nag-highschool kami lalo kami naging
"Best of Firends."

Masaya.
Masaya ulit
at
Masaya lang.

Maraming sandali ang kapag binalikan muli ay pawang ngiti sa labi ang maidudulot.

Ang umagang napag-desisyunan namin magbasketball at mag-ehersisyo tapos ay umuwi sa bahay nila para kumain ng maraming pandesal at itlog.hahaha

Ang kumain ng walang humpay sa may Eastwood.

Ang magkape at magkwentuhan tungkol sa mga nakaraang pag-ibig niya.

Ang balikan ang sandaling nagpapatatag ng aming pagkakaibigan-sadyang masaya at masaya lang.

pero siguro nga darating din sa pagkakataon na mas susubukin ng tadhana ang bawat samahan para alamin ang aming magiging katayuan at paniniwala.

Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng di kami mag-usap.mababaw man ang naging ugat pero sa totoo lang ito na ata ang dahilan kung bakit sa unang pagkakataon ay hindi nya ako nabati sa aking kaarawan, ito na ata ang unang pasko at bagong taon na walang mensahe na nagmula sa kanya at unang uwi nya dito sa pinas na wala akong pasalubong.hehe ( naalala ko lang kasi dati halos madaling araw ay nag-ring ang aking Cellphone dahil siya ang tumawag at para itanong kung anong gusto kong perfume na pasalubong...pero kahit cologne ngayon eh wala.huhuhu ..sayang din yun! tsk.tsk.hihi )

Masakit isipin na ganito ang sitwasyon namin.
Malungkot kasi ang dami kong nababalitaan na siya ang pasimuno ng gimik bukas and yet hindi ako pinasabihan knowing na maraming kaibigan ang nag-eexpect na darating ako dahil alam nilang Bestfriend ko siya.

It hurts kaya! super..emo nga ang dating ko ngayon ?! ang pakiramdam na ganun lang ba kadali ang limutin ang pinagsamahan namin dahil sa mababaw na dahilan na kahit ata mga tambay sa kanto ay mapapailing sa babaw at maging mga pantas na tao ay mapapa-duh?!?

Mababaw na dahilan pero mabigat ang naging kapalit.

Sa totoo lang, kapag ganitong usapin matapang ako, kasi alam kong hindi ako ang may mali.Nagkataon lang siguro na naging bahagi siya ng aking buhay kaya't binigyan ko ng oras para i-kwento at isulat dito sa aking blog.

Nanghihinayang kasi ako.Hindi ang ganitong bagay lamang ang magbibigay tuldok sa sa aming pagkakaibigan.

Gusto kong umaasa na sa kanyang pagbabakasyon dito sa pinas ay maalala nya akong tawagan o e-tex man lang at sabihin na magkita't mag-usap kami...kasi talagang "OO" ang aking magiging sagot.

Friendship is for Life.

Naniniwala
ako
na ang pakikipagKaibigan
ko sa kanya ay
panghabang-buhay
at


sana hindi pa huli ang lahat para sa amin.


at


sana

mabigyan ng pagkakataon na ituloy ang sinimulan namin pagkakaibigan




para


higit na maging makapangyarihan ang paniniwalang


"Friendship is For Life."

Thursday, May 13, 2010

" Friendship is for Life "

Matagal ko ng binalak na magsulat dito patungkol sa pakikipag-Kaibigan at sa wakas ito na ata ang simula sa maraming kong kwento.

Marami akong kaibigan, di ata ito kaila sa iba,masaya,makulit,seryoso,tamang trip, mapa-Nanay,Repapips,bata,minsan mga naging studyante, trysikel driver,mapa-propesyunal man o tambay atbp...Kaibigan na maituturing.

Gusto kong sabihin na mabait at mabuti akong kaibigan, pero alam kong hindi rin sa maraming pagkakataon.Pakiramdam ko nga iilan lang ang Bi-ni-bless ni Lord para matanggap ako bilang kaibigan.hehehe.

Friendship is for Life !!! am Grateful for my friends.
Salamat talaga kay Lord.

Isa sa mga dahilan bakit ako napasulat dito ay para narin sabihin kung ano ang laman ng aking puso tungkol sa ilang mga kaibigan na pinagkaloob sa akin.

Malungkot ako sa mga sandaling ito kse isa sa mga malapit kong kaibigan sa iskul ay pinili nang umalis upang mas bigyan ng pagkakataon ang kanyang sarili na alamin kung anong larangan ba talaga ang kanyang nais sa buhay. Noong una, sa isip ko di ito totoo kse lagi naman nya talagang sinasabi na aalis na siya pero di nangyayari hanggang sa ngayon.Emosyonal akong tao pagdating sa mga kaibigan esp.kung talagang masasabi ko na naging malapit sa akin.

Tribute ko na siguro ito para sa kanya kasi maaaring nagkukulitan kami madalas kapag sa iskul pero may mas malalim na relasyon pa kami na di nakikita ng aming mga kasamahan. Kung meron man isang taong lubos na nakakakilala sa akin, siya na yun! dahilan sa di nya ako kinilala bilang isang makulit na kaGuro sa halip hinayaan nyang makita ang isang bahagi ng aking pagkatao at lubos akong nagpapasalamat kasi tinanggap nya ako ng bilang ako.
Masasabi kong kawalan sya sa Fakulti.tsk.tsk.sayang! (maraming dahilan at kulang ang espasyo dito sa blogspot para ilahad lahat ng na-i-ambag niya at ang pwede pa nyang magawa para sa aming College/ Dept.) pero bilang kaibigan nya Suporta sa Panalangin ang aking magagawa sa kanyang desisyon at sa kanyang pamilya narin.
(mahirap man pero ito ang mas higit na kailangan nya sa mga oras na ito)
Malungkot ako. Dumarating ako sa puntong naiisip ko na haays..di ko na siya makikita araw-araw sa iskul , yung tipong di na ako magiging updated sa inaanak ko at sa buhay nya bilang may-asawa,at maging sa pagpapalitan namin ng mga opinyon sa mga isyu ng lipunan at maging sa usapin sa iskul.Bahagi na ata ito ng ating buhay-mga pakikipagsapalaran.

Natutunan ko na di lamang simpleng koleksyon ang mga kaibigan (marami man o konti lang) ang mahalaga, nakakatugon ka sa iyong responsibilidad bilang isang kaibigan.
Hindi lang sa oras ng kasiyahan at tagumpay ngunit mas lalo sa mga kabiguan at kahinaan.
Mahirap gawin pero ang tunay na kaibigan ay magiging kaibigan hanggang sa huli.

yes, Friendship is for life, maaring sa pisikal na aspeto ay di kami magkikita't magkasama pero sa puso ko nandun siya at lahat ng pinagsamahan namin at for life talaga yun!

walang magbabago

at

higit sa lahat


hindi ako panghihinaan ng loob

na

umasa na

sa

susunod na araw ay


magkikita ulit kami


at



katulad ng dati ay


magkaharap

kami

para pag-usapan ang mga nangyari sa aming mga

buhay.