Saturday, December 13, 2008

Pelikula101.

HAPPY ako kapag nanunuod ako ng mga pelikula, ingles o filipino man, bago man o luma na,walang problema, ang mahalaga para sa akin di lang ako ma -entertain dahil sikat ang mga artistang gumanap dito ngunit ang mas mahalaga ay may aral akong napulot na pwedeng magsilbing rema sa aking buhay.

Movie buff ba ako? ummm....siguro,pwede. hehe. Minsan may pagkakataon na ayokong manuod pero madalas gusto ko talaga. Sa bigscreen ( sana ),pero kung minsan out of budget at kung walang time minsan nauuwi ang lahat sa vcd o dvd.

Solb narin ako dun,mahalaga nakanuod ako ng gusto kong pelikula..hihi

Medyo mahina ako this week,2 pelikula lang ang aking napanuod pero ganun paman sulit sa mata,isip at puso ang mga mga ito.Una ay ang pelikulang "100" (indie film).Nice ang movie na ito, Ang istorya ay tungkol sa isang babae na tinaningan ng doktor ng 100 araw para mabuhay( dahil sa sakit na kanser ) at dahil narin dito ay gumawa siya ng listahan na naglalaman ng 100 mga bagay para gawin niya bago siya mamatay.Funny ang movie.Relaxing on my part, Bilang manunuod,marami akong nakuhang lesson.Kung tutuusin nga napaka simple ng pelikulang ito pero malaman.Animo'y Salamin na laging nagpapakita sa atin kung ano ang ating ayos bilang mga tao na pwede pang mabago kse nakikita natin ang di-pa maayos, at related din ito sa " Games" , my start at di pwedeng mawala ang " game over" at "Finish"/ " Ending" sa hulihan.

( Buti na lang at konti ang mga tao sa loob ng sinehan kaya naging madali ang lahat para sa akin ...hehe madali kse akong umiyak sa mga scene na may topic re sa mga mahal natin sa buhay.) Dinaan ko na nga lang sa pag-inom ng tubig at pagkain ng maraming popcorn.hihi



******

Ikalawa, sa aking napanuod ay ang " Twilight" . Lahat ata ay nakapanuod na, ako ay hindi pa kaya nang medyo tumahimik na ang usapan hinggil dito, that's d time i decided na panuorin na, at ng ako mismo ang makasaksi at mag-kritik base sa aking pagkakaunawa at hindi sa narinig ko lang dahil may nagkwento. (Kahit sa mga pelikula, iba parin talaga if ikaw mismo ang nakapanuod,kse mas madaling magbigay ng opinion sa nagtatanong. )

Naisip ko lang bigla, siguro iba talaga kung nabasa ko yun novel, kse yun pelikula nice na eh what more pa if nabasa ko db?! pero Nice talaga para sa akin,parang inlove na nga ako eh! ? hehe. ( di kay edward ?! ) hehe,pero sa mismong sumulat ng pelikulang ito.iniisip ko nga ulit..parang common ang istorya pero masasabi kong malalim ang nilalaman.May side ng isip ko na na-iimposiblihan sa ganitong uri ng pagmamahalan, pero sabi nga sa Florante, kapag "Ang PAG-IBIG ay pumasok sa puso ninoman,hahamakin ang lahat masunod lamang ito." awwwwwwww!!! haaayyyys.iba talaga kung inlove ang isang tao.kaya ako hangga't maari laging inlove, inlove sa mga foods.hehehe.basta in-love.wala ng kokontra pa?!













***

Dalawang mag-kaibang pelikula ( kse un isa ay local, yun isa nman international ang dating ) pero isa lang para sa akin ang nais ipunto nito, na lahat tayo ay may sariling Desisyon/ "Pili" -choices , anuman ang pinagdaraanan natin sa kalye ng ating mga buhay.

Sa "100", she decided to live as if na di pa xa mamamatay..i mean, sa sarili niyang pamamaraan ay nabuhay niya ang kanyang sarili sa kabila ng relidad na alam nyang 100 days to live na lang xa nun.Optimist yun naging katangian nya.( iyon ang bunga ng kanyang desisyon o choice.)



Sa " twilight" naman, Isabella decided to love Edward kahit pa nalaman nya na vampire ito.Whatever it takes ng kanilang pagmamahalan, she is willing to do everything...(because its her choice.) Ganun din sa part ni Edward ( kahit pa vampire xa ), at kahit umiwas parin xa, Its His choice to love and protect Bella.

Ganun din sa mga buhay naten, we may have diff. situations or problems na kinahaharap but we do have a CHOICE. A Decision to make para sa ating buhay.Dalawa lang nman lagi iyan eh, kung piliin nten na magdecide, well pwede negative ang kalabasan,pwede rin na positive,ang mahalaga naman talaga when we decide, pinag-isipan at ipinalangin muna natin ito kse posible na di lang sarili ang maapektuhan sa halip ay pati ang ibang tao.


I am thankful kse the Lord give us the freedom to choose and to decide.Nagagamit ko talaga ito sa aking pangkasalukuyang sitwasyon ( sa aking Buhay ).



Marami ang mga bagay na ating kailngang pagdesisyunan, pero kailngan ng maingat na pili nang sa gayo'y walang pagsisisi na mangyari,Kumbaga sa larong chess/dama na katulad sa ating mga Buhay, may mga urong at sulong,pero kailngan ng maingat na galaw para manalo.

P162 man ang bayad sa sine, o bumili ka ng dvd/vcd na nasa 100+, hindi na ito ang isyu kundi kung ano ang maibibigay sa atin ng mga pelikulang ating pinapanuod.

No comments: