Kapag Pasko,happy me dahil mAraming Foods at may mga REgalo (tiyak).hehe
Pagbibigayan talaga ang theme kapag sumasapit ang okasyon na ito.
Naniniwala rin nman ako na its better to give than to receive,pero kung may magbbigay well welcome sobra..hehe siguro ako na yun tipong kahit ibigay sken rags for as long na gift ito para sa akin,i will be grateful for that kse isip ko na naalala ako.
Honestly, naging issue ito para sa aking sarili, kse as i observe my ilan na kakilala ko na mahirap silang magbigay ng regalo kapag pasko, hindi ko dinedemand na magregalo sila pero sa akin lang talaga, sa lahat naman ng natatanggap namen bakit hindi magbigay db?! ( ito talaga ang nirarason ng aking isip kse kapag nakikita ko na ganun, naapektuhan talaga ako.One time nga, my kasama akong kaibgan while eating our lunch, napag-usapan nmin yung tungkol sa pagbibigay ng regalo at sinabi ko sa kanya ang aking saloobin hinggil sa bagay na bumabagabag sa akin.Salamat na lang dahil kaibgan ko ito, kung kaya't naiintindhan nya ako..tas pinaalalahan nya ako na hindi lahat ng tao madaling magbigay..napa-oo na lang ako sa sinabi nya.kse alam kong totoo ito. :)
Masaya ako kapag nagbbigay ng mga REGALO. Hindi ko alam kung gaano, pero hindi matatanggal ang ngiti sa aking mga labi kapag nagawa ko ito.Pangalawang beses na ata ako nag-ccram sa paghanap ng mga regalo tuwing Christmas, pero happy naman ako kse alam kong kahit nagmamadali na ako, ang ibinibigay ko ay gamit na talagang magagamit nila at kahit simple ito,hinanap ko naman ito only for that particular person na pagbibigyan ko sealed with love .hihi
Ngayong pasko, marami akong natanggap na REGALO...hehe, thats y happy me not because of the material things na nakuha ko pero yun isipin na naalala ako nitong tao na ito,haay malaking bagay talaga ito para sa akin.siguro sa iba, masyadong mababaw ang aking kaligayahan pero sa puso ko sobra ang kagalakan at nag-uumapaw na pasasalamat.Minsan lang sa isang taon ang pasko, at naniniwala ako na isa sa pinaka diwa nito ay ang pagbibigay sa ating kapwa at pamilya.
Gusto ko e-share dito sa aking BLOG ang ilan sa mga REGALONG natanggap ko ngayong pasko na...Simple gifts pero talagang naging Happy me.
1. Organizer ng starbucks.
( kahit pa isipin na free lang ito kapag naka-16 coffee ang nainom u,well para sa akin yun total lang ng price..waheheh..mahal na, at kahit umiinom pa ako dun wala din akong balak punuin yun card ko just to get the organizer, kaya happy me nun my magREGALO sa akin..xempre black un thats y am more happy , sa totoo lang di ako nag-oorganizer kse para sa akin kahit sa simpleng notebuk lang ilagay ang mga reminders,o notes na dapat ko alalahanin ay okay na, so now na may ganito na ako, i'll try na magamit.hehe.Salamat para sa REGALONG ito at sa effort na bigyan ako nito dahil narin siguro alam nyang mahilig akong mag-kape.
2. TUBAO / TUBAW ( pink na may blue )
Nice, napatalon nga ako nun nakita ko itong REGALO na ito eh, kse sobrang useful ito sa akin esp. kapag nagttravel me...minsan sa ulo ko lagay, ( mala-moutineer ang dating.hehe) o pwede rin naman sa leeg..wala lang simpleng porma na gusto ko basta mag mamatch sa akin..solb na ako dun.hehe ).Salamat ulit para sa isa na nman REGALO na ito na mailalagay ko sa aking mga koleksyon ng tubao.
3. Clip sa hair. ( w/small butterfly na design )
Honestly, kapag bumbili ako ng clip sa hair ko, ill go for simple clip lang na dapat ay black, minsan naisip ko bumili ng my design pero naisip ko rin agad na di ito babagay sa aking personality thats never ako bumili.Funny and Happy me, nun may nagREGALO sa akin nito...NICE lang ang tanging nasabi ko ...kahit pa may design un clip,atlis maliit lang ito at di takaw atensyon..sobra happy ako kse when i try, marami ang nagandahan at ako mismo...napa-smile.salamat sa REGALONG ito.Ang isipin na inisip nun kaibgan ko nagbigay sa akin ang bagay na ito ay malaking reason na para maging Happy ako.
4. Ilove EGG ( Exciting gifts+goodies)
Karamihan din sa pinamigay ko ay galing sa EGG, and happy kse may natanggap din akong REGALO na EGG wallet.may touch ng pink and white.simple yet it rocks my world.hehe
Tita ko ang nagbigay.Salamat sa REGALONG ito.
5. CD ( personal na gawa ng isang bagong kaibgan na mahilig sa musika )
am happy kse alam kong may malaking effort para e-pa cd pa nya ang kanyang mga komposisyon..at ibigay sa akin bilang REGALO.Salamat para dito.Mabuhay ka!
6. NIKE shirt.
Xempre di ito mawawala kapag pasko, nanggaling sa aking ATE, hehe, because she knows ilove NIKE..hehe.Sinuot ko na nga nun pasko..wahehe.Happy Para sa regalong ito.
7. NIKE thermal mug.
Nakakatawa kse nun una, pinagsabihan ko pa yun dalawa kong kaibgan na lalaki na nagbigay nito, alam naman nila na meron na ako nitong nike pink na lalagyan ng water..pero ako ang napahiya kse un isa ko palang ganito for sports use only...unlike un binigay nila para sa hot water, coffee or something..hehe..kaya BIGHUG ko sila para sa REGALONG ito.
8. Lip Gloss ( orange sorbet )
Nanggaling sa isang kaibgan na nakatampuhan ko ng ilang buwan.Hehehe..pero happy kse alam nya talaga ang aking weakness, at ito ay glitters..hehe..di naman ako malipstick na babae, gusto ko lang chapstik,lipbalm o gloss lang at happy ako kse talagang magagamit ko ito w/glitters pa..nice talaga ang REGALONG ito.
9. Picture FRame na color green.
Common para sa ilan pero sa akin NIce ulit na REGALO,kse may picture agad ako na nakalagay..hehe at picture ko pa ito na may kakaibang make-up kse pirate touch yun eh..kaya tipong emo ang aking dating.hehe kse black make-up un.hehe
10. 2 shirts (puma and umbro)
bakit naging especial sken ito? kse siguro isa sa hilig ko ay sporty shirts talaga, and thankful ako para sa mga REGALONG ito,it only shows na alam nun nagregalo kung sino ako.hehe.
11. USB (corsair 8 gb )
yep! REGALO ng Tatay ko sa akin, at sobrang useful talaga ito esp sa kind ng work na meron ako...nice pa kse un usb na bigay ng tatay ko nilagyan nya ng music na gusto ko at may album ng pics.ko na ginawa nya...kaya mas lalo naging special para sa akin.Loveu Tay.
Marami pa akong natanggap na gifts, nagkataon lang na ito lang nilagay ko kse ito yun mga di-expected na gifts na natnggap ko ngayong pasko which i think para sa aking ito narin ang paraan ng pasasalamat ko kse alam kong nun binigay nila ito,alam nilang kahit simple lang mga REGALO nila ay matutuwa ang isang mutant na tulad ko..hehehe.
Maraming Salamat...sa uulitin ha..hehe
.
...pahabol pa ... pinag-uusapan narin ang REGALO, ako personally nagpapasalamat sa REGALO na binigay ng ating Panginoon para sa atin, ang kanyang bugtong na anak na dahilan bakit natin celebrate ang pasko,bagamat wala nman tiyak talaga na petsa kung pasko nga pero ang paniniwala na kung hindi dahil kay JESUS, malamang hindi ko matatanggap ang maraming mga REGALO sa aking buhay, Noon at Ngayon.Salamat muli sa pinaka-magandang REGALO na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment