December 19, ang christmas party ng iskul, tradisyon na ng mga tao dito ang pagkakaroon ng paligsahan sa husay ng pag-awit at sayaw..saka malaki lagi ang premyo kaya lahat ay excited at abala. ( june pa nga lang ay nag-eensayo na ang ibang Guro.hehehe )
Last Year, hindi ako sumali, sa dancing man o singing...sa singing pala, di talaga ako fit dun.hehe kse ang aking tinig ay sadyang ginawa para sa mga estudyante lamang hindi pang kantahan.hehehe.sayang nga eh! pero okay lang yun..( sabi naman ng conductor ng choir sa faculti ay laging may next time..gusto ko sanang sagutin na next time Mam, ako nman ang magtuturo ng kanta.hehhe)
Bakit nga ba ako di sumali sa dancing last year??? ummm..kse may mga bago,dapat sila muna magshine...bago ako..hehe saka girly-girl yun outfit b4 eh..kaya di ako makasabay...parang di ko carry.
Defending champion sa choir ang kolehiyo na aking kinabibilangan, sa Dancing nman natalo ng mga P.E. teachers ang aking mga kasamahan.( protesta kung protesta.hehe..)
pero happy narin dahil naka ist place sa sayaw...
Haay magpapasko na nman, at need ng magpractice ulit, maraming ask san ba talaga ako kasali?! sa dance o singing...lagi ko sagot..both! ( kapal) hehehe.Minsan nga tuloy natatawa na lang ako kse sila ang mas namomroblema kesa sa akin.Parang di sila makatulog at hanggang sa dreams nila isip nila san ba talaga ksali si tintin..????? sagot ng tyan ko...sa mahinang paraan...sa Eating ako sasali.. ( Buffet o Eat ALL you CAN ?) HEHEHEHEH. both ulit ang sagot ko!!? hahahha ( parang isa lang din naman meaning nun eh...joker ulit! )
Yung mga friends ko pilit akong pinasali at dis tym daw ay sa sayaw na ako....hehehe..(tintin: ah pag-iisipan ko pa!) yan ang sinabi ko sa knila...pero wala ng isip-isip pa dahil kulang na sa Faculti members kaya wala kong palusot na masasabi pa....kailngan talagang sumayaw para sa 25k na premyo.hehehhe
pero para sa akin, mas gusto ko na sa behind the scene ako...( taga-picture, taga alalay sa mga dancers/singers/o taga-pulot ng kahit anumang bagay basta di nman ako sobrang mapapagod. hehe)
Singing o Dancing?????
wala sa nabanggit...hehhe
Kung ako talaga ang tatanungin, mas okay na sa likod na lang ako,,( sa backstage ba!) sa simpleng dahilan na ayokong maging sikat.hehe, ( kaya nga di ko pinursue ang pagiging Artista eh! wahehehe ) Kse naniniwala ako na kapag simple ang buhay, mas rock and roll ito :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment